Episode 2

1567 Words
Chapter 2 Player one defeated Napatalon sa tuwa si Cheng ng matalo niya sa kanilang video game si Ram. First time niya itong matalo sa laro na iyon kaya naman tuwang tuwa siya. All those years palaging ito ang nananalo sa mga laro nila. "I won!" Tuwang tuwang sabi niya habang ito naman ay nakasimangot Mukhang wala itong gana makipaglaro sakanya kanina pa. "Tol huwag mo dibdibin ang pagkatalo mo" "I'm just not feeling well" Walang gana nitong sabi sakanya bago ito tumayo at uminom ng tubig sa kusina Kasalukuyan nanaman silang nakatambay sa kwarto ni Ram sa mansyon ng mga hoffman. Madalas after class palagi silang naglalaro ng video games sa kwarto nito o di kaya ay nagsusulat ito ng kanta. Pinicturan niya ang big screen ng kanilang game. First time niya kasing manalo sa laro na ito kaya naman itatago niya iyon bilang remembrance. "You're not really serious earlier, right?" Maya maya tanong ni Ram sakanya habang busy siya sa pag picture ng ibat-ibang shot sa screen ng flat tv nito. "Ha?" "With that monkey" Kumunot naman ang kanyang nuo sa sinabi ni Ram. Si Ford ba ang tinutukoy nito? "Maka-monkey ka naman tol. Cute naman siya ha?" Hindi nagustuhan ni Ram ang kanyang sinabi. "Kinikilabutan ako sayo Cheng. I can't believe it. Papatol ka talaga sa lalake?" Naiinis na tanong ni Ram sakanya. Para bang ang laki laki ng problema nito dahil lang magpapakababae na siya "Tol it's about time. Mag 18 years old nako next month eh. Kailangan ko na sigurong magpakababae dahil babae naman talaga ako." "Edi magpakababae ka. But do you really have to let that monkey court you? Mukhang bakla yun eh. Mas lalake ka pa nga dun" Kunot na kunot parin ang nuo ni Ram. Para tuloy itong tatay niya. "Alangan naman ikaw lang may lovelife? Panahon na rin para pumag-ibig ako. Sige uwi nako--" "Wait bakit ka uuwi agad?" Pigil sakanya ni Ram "Magpapakababae nako tol at hindi nako pwedeng matulog dito" Masama ang tingin nito sakanya habang hawak nito ang kanyang kamay "Nothing will change between us Cheng. Lalake ka parin para sakin kaya dito ka matutulog--" "Tol babae talaga ako. Lalake lang siguro talaga ang tingin mo sakin" Naiinis na rin siya sa sinasabi ni Ram. Madalas kasi dito siya natutulog sa kwarto ni Ram. "Babae ka?" Tinignan siya ni Ram mula sa kanyang sumbrero hangang sa kanyang pananamit at sakanyang jordan rubber shoes "Babae ako. Nakasanayan ko lang magdamit ng ganito" "Hindi ka babae Cheng. Don't be so gay." "Bahala ka nga diyan--" Lalabas na sana siya ng kwarto ni Ram ngunit napatigil siya sa sinabi nito "Kung babae ka, May gusto ka siguro sakin no kaya ayaw mo ng matulog dito?" "A-Ano?" Lumapit si Ram sakanya "Kaya pala kung yakapin mo rin ako minsan parang--" Pinalo niya ang braso ni Ram dahil halatang nang aasar lang ito. "Siraulo" Tumawa si Ram at hinila siya papasok ng kwarto nito "Mamaya kana nga umuwi eh" "Uuwi na nga ako. Baka ikaw may gusto sakin tol?" Sinamaan siya ng tingin ni Ram. "Hindi ako bakla Cheng. Hinding hindi ako papatol sa babaeng mas lalake pa sakin. Kutusan kita diyan eh kung ano anong sinasabi mo. Umuwi kana nga" Tinulak na siya palabas ni Ram at pinagsaraduhan siya ng pinto. Napatulala nalang siya sa nakasaradong pinto ng kwarto nito. "Grrrrr! Edi huwag pinipilit ba kitang magkagusto sakin?" Sinipa niya ng pasimple ang pinto ng kwarto ni Ram bago niya binulong iyon sa kanyang sarili Nakabusangot tuloy siyang umuwi ng gabing iyon. Malapit lang ang bahay nila sa mansyon ng mga hoffman kaya naman nilalakad niya lang iyon. Naabutan niyang naghahapunan ang kanyang mga magulang kasama ang ate Pancy niya. Nakakatanda niyang kapatid si Pancy at may dalawa na itong anak na kasalukuyan rin kumakain sa hapagkainan "O ang aga mo ata cheng?" Puna ng kanyang nanay rosenda "Mano po nay, tay" Nag mano siya sa kanyang nanay at tatay. "Bakit ang aga mo nak?" Tanong naman ng tatay niya. Sanay na sanay na ang mga ito na ginagabi siyang umuwi paminsan minsan at madalas natutulog siya sa kwarto ni Ram. Lalake rin ang tingin ng mga ito sakanya kaya wala iyong problema sa magulang niya. Alam ng mga ito na matalik niyang kaibigan si Ram. Siguro kung sa babaeng kaibigan siya makikitulog ay hinding hindi papayag ang magulang niya "May tatapusin pa po kasi akong project" sagot niya sa mga ito bago niya hinalikan ang dalawa niyang pamangkin "Tito cheng!" Niyakap naman agad siya ng mga ito. Tatlong taong gulang palang ang kambal na pamangkin niya. Tito cheng ang tawang ng mga ito sakanya. Paano ayaw raw ng ate pancy niya na maguluhan ang mga bata kapag tita ang tinawag sakanya eh mukha raw siyang lalake. Kaya hinayaan nalang niyang tito ang itawag ng mga ito sakanya. Ipapaliwanag nalang siguro niya kapag may mga isip na ang pamangkin niya "Kumain kana ba Cheng?" Tanong ng ate pancy niya "Oo ate kumain nako sa masyon. N-Nga pala ate pwede ba kitang makausap mamaya?" Tinaasan siya ng kilay ng kanyang ate "Kung tungkol sa pera yan cheng huwag mo nakong kausapin--" "Hindi ate. M-May pabor lang sana ako sayo" "Tungkol saan?" "Basta ate mamaya nalang pagtapos niyong kumain" Umakyat na siya sa kanyang kwarto. Hinubad niya ang kanyang sumbrero at hinagis niya iyon sa kama niya. Napabuntong hininga siya. Nagpalit na rin siya ng damit pambahay. Isang maluwang na tshirt at basketball shorts ang napili niyang isuot Mayamaya pa kumatok na sa pinto ng kanyang kwarto ang ate Pancy niya. "Cheng ano bang pabor yung sinasabi mo? Mukhang seryoso ka eh" Tanong ng ate pancy niya pag pasok nito sa kanyang kwarto. "A-Ate mukha ba talaga akong lalake?" Pinigilan namang matawa ng kanyang ate sa itinanong niya "Wala ka bang salamin dito?" "Meron" "Edi alam mo ang sagot" "G-Gusto kong magmukhang babae ate--" Hindi pa man siya tapos magsalita ng tumawa ng malakas ang kanyang ate pancy "Ate naman" "Anong nakain mo Cheng? Kadiri kinikilabutan ako sayo" Hinaplos pa ng ate pancy niya ang sariling mga braso nito "Ate naman eh. Babae naman talaga ako eh" "Ows di nga?" Huminga siya ng malalim bago umamin sa ate pancy niya "A-Ang totoo niyan ate may gustong manligaw sakin sa school kaya gusto ko sana mag mukha nakong babae. Tulungan mo naman ako oh? Hindi ko alam kung paano manamit o kumilos ng maayos" Napatulala naman ang ate niya sakanya. Tila hindi ito makapaniwala sa kanyang sinasabi "Di nga seryoso ka ba?" "Oo nga ate seryoso talaga ako!" Napa-sign of the cross ang ate pancy niya "Diyos ko nagbunga rin ang novena namin nila nanay sayo. Akala ko habang buhay kanang tomboy--" "Ate hindi ako tomboy." "Wala naman masama kung maging tomboy ka. Mahal ka pa rin namin. Iniisip lang namin ang future mo. Gusto ko makapag asawa ka ng lalake at magkaanak ka rin katulad ko." "Babae talaga ako ate. Bata palang ako alam kong babae ako" "Nagpangap ka lang atang tomboy para makasama mo yung gwapo mong bestfriend no?" Tukso sakanya ng ate pancy niya kaya naman namula ng husto ang kanyang pisngi Marahil totoo iyon. Natatakot siyang magpakababae noon dahil baka hindi na siya gawing best friend ni Ram. "H-Hindi ah!" "Osiya sige naniniwala nakong babae ka. Halika sa kwarto ko pahihiramin kita ng damit. Una mong papalitan yang pananamit mo." Sinamahan niya ang kanyang ate pancy sa kwarto nito. Tulog na ang dalawang anak nito samantalang nasa trabaho naman ang asawa nito dahil call center agent ang asawa ng ate pancy niya. Sa gabi ito nagtatrabaho. Napangiwi siya sa ini-abot na damit ng ate niya "Huwag kang maarte Cheng. Gusto mong maging babae diba?" Nandidiri siya sa manipis na damit na binigay sakanya ng ate niya. Crop top kasi iyon. Simple lang ngunit crop top. Makikita ang pusod niya kapag sinuot niya iyon "Ate naman huwag naman yan--" "Yan ang uso ngayon." Naghanap pa ang ate pancy niya ng ilang damit nito . Halos panay crop top iyon "Ate ayoko niyan--" "Cheng maliit naman ang bewang mo kaya maganda sayo yang mga damit na yan. Hindi ko na yan masuot dahil may stretch marks na ang bilbil ko kaya saiyo na yan." Wala siyang nagawa kundi tangapin ang mga crop tops tshirt na bigay ng ate niya "O eto skinny jeans. Huwag mo ng isusuot mga pantalon mong hiphop jusko ang jologs mo eh" "Komportable ako sa mga iyon ate--" "Gusto mong maging babae diba?" Bumuntong hininga siyang muli. Ngayon palang kinakabahan na siyang magpakababae "Osige na nga ate." "Magkasing paa lang naman tayo kaya yung sandals ko isuot mo. Hindi mataas ang takong nun kaya hindi ka mahihirapan maglakad." kinuha pa nito sa bodega ang sandals nito. Kasya iyon sakanya ng isukat niya iyon "Bonga. Parang bakla ka" Tumawa ng malakas ang ate niya dahil madapa dapa siya habang suot ang sandals nito "Ate naman eh" Reklamo niya "Halika aahitin ko yang kilay mo" "Huwag na--" "Anong huwag ka diyan? Mukhang hitad na yan sa kapal eh. Kaya ka nagmumukhang lalake dahil sa kilay mo" Wala nanaman siyang nagawa kundi magpa-ahit ng kilay sa ate pancy niya Nagustuhan naman niya ang kinalabasan ng kilay niya. Nagkaroon iyon ng shape at naging malinis "O eto liptint tawag diyan. Konti lang ang ilagay mo para kahit papano may makeup ka" "Ay ayoko niyan baka malason pa ako diyan" "Gaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD