bc

SECRET LOVE

book_age18+
9.2K
FOLLOW
44.8K
READ
forbidden
love-triangle
comedy
sweet
childhood crush
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Song-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya.

Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibinigay ni Chelsea ang buhay nito para sa kanyang ina kaya wala siyang planong saktan ito lalo pa't utang niya sa dalaga ang buhay ng mommy niya.

She save her mom when they were young. Muntik ng mamatay ang mommy niya kung hindi lang itinaya ni Chelsea ang buhay nito para sa kanyang mommy.

He will never forget that.

Nakakalungkot lang isipin na sa dami ng lalake sa buong mundo ay siya pa ang nagustuhan nito at nais maging asawa sa pagdating ng panahon

Ofcourse that's not what he wanted. But for him, It's his responsibility. Chelsea's happiness is his responsibility.

Kahit pa hindi niya gusto si Chelsea dahil sa pagiging maldita nito at magaspang na pag-uugali ay wala siyang planong baliin ang pangako niya sa dalaga na balang araw ay ito ang kanyang pakakasalan. Nagdadasal nalang siya na sana balang araw makakilala ito ng higit sakanya upang magbago ang gusto nito.

Nanatili nalang siyang tahimik na nagmamahal sa tunay na babaeng tinitibok ng kanyang puso mula noon pa mang bata siya.

The girl that he will never have. Ang babaeng laman ng kanyang isip araw araw.

Si Magdalena.

Simple lang ito at napakaganda para sa kanyang paningin. Nakontento na siya sa pagiging alaskador nitong kaklase mula pa noon. Sa ganoong paraan lang siya nakakalapit kay Magdalena. Sa tuwing inaasar niya ito.

Ngunit hangang kailan niya kayang itago ang lihim niyang pagmamahal para kay Magdalena? Lalo na ng may isang lalakeng umeksena sa pagitan nila. Hindi natakot ang lalake sa pagbabanta niya at itinuloy parin nito ang pangliligaw kay Magdalena.

Iniisip niya palang na may ibang lalakeng hahawak sa kamay ng babaeng mahal niya ay parang nais na niyang pilipitin ang leeg ng lalakeng iyon!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Magdalena ikaw ay sawing palad.." Napahinto sa paglalakad si Magdalena ng marinig niya ang pinaka-nakakairitang boses sa buong campus nila Nagtataka nga siya kung bakit napakadaming babaeng nababaliw sa lalakeng ito! Samantalang nakakabwisit ang pang-bubully nito sakanya Halos araw-araw siyang binu-bully nito! Huminga siya ng malalim at hindi nalang niya pinansin si Jinso. Si Jinso-Song ang lalakeng pinagkakaguluhan at pinagpapantasiyahan ng lahat ng kababaehan sa kanilang campus. Hindi niya lubos maisip kung bakit siya ang trip na trip nitong asarin at lait-laitin! "Hey! Suplada kana ha?" Lalong kumulo ang dugo niya ng sundan siya nito sa hallway ng kanilang paaralan. She's 17 years old and 2nd year college student taking up business management course. Sa kasamaang palad pareho pa sila ng course na kinuha ng bwisit na lalakeng ito. Mula pa noong elementary sila ay number one na ito sa pang-bubully sakanya. Pinagkalat pa nga nito noon na marami raw siyang kuto sa kanyang ulo! Purkit kulot kulot ang buhok niya?! Naniwala tuloy ang iba sa mga kaklase niya kaya halos wala siyang naging kaibigan noong elementary palang sila bukod kay Janice. Ang nag-iisang nerdy friend niya na out of this world rin kung minsan. "Kailan mo ba ako titigilan?" Mataray niyang tanong kay Jinso bago niya ito hinarap at pinamewangan. Napansin niyang napapangiti ito. Gustong gusto kasi nitong nakikitang naasar na siya. Hindi yata kumpleto ang araw ng kumag na ito kapag hindi siya nito naa-alaska! "Sungit mo ha. Kinakantahan na nga kita eh" Nakangising sagot nito habang nakatingin sa kanyang mukha Nag-iwas agad siya ng tingin sa gwapong mukha ng impaktong lalakeng iyon. Nakakapanghinayang nga ang kagwapuhan nito dahil napakasama naman ng ugali nito. Ito ang number one na nagkakalat ng kung ano ano tungkol sakanya. Noon pinagkalat nitong maasim raw ang kili-kili niya! Bwisit talaga ang lalakeng ito! Wala tuloy nagkakagusto sakanya noong high school sila. Kung meron man gustong manligaw sakanya ay isang araw lang nanliligaw ang mga iyon at umaatras rin. Hangang ngayon tuloy ay NBSB parin siya! O No boyfriend since birth! "Pwede ba tigilan mo nako?" Naiiritang sambit niya bago niya inismiran ito at kunot nuong nagmarcha palayo sa lalakeng ito "Ayoko nga" Mapang-asar parin nitong sambit habang sinusundan siya "Wala ka na bang ibang gagawin sa buhay mo kundi asarin ako?" "Oo" Nakangising sagot nito bago niya naramdaman ang pag-akbay nito sa kanyang balikat Mula noon ay chansingero na ang loko-lokong ito kaya mas lalo siyang nabubwisit! Kikiligin sana siya kung wala itong nobya! Pero mula pa noong elementary sila ay may nobya na ito. And speaking of the witch. Natanaw niyang papalapit ang groupo ni Chelsea sakanilang dalawa ni Jinso. Mukhang hindi pa sila nakikita ng mga ito dahil paliko palang ang mga ito. Mabuti nalang at nauna niyang nakita ang mga ito bago pa sila makita. War freak pa naman ito at halos lahat ng babaeng lalapit kay Jinso ay inaaway nito Tinangal niya agad ang kamay ni Jinso sa kanyang balikat. Medyo pinilipit niya pa nga iyon. "Bwisit kang lalake ka. Chansingero ka pa" Itinulak niya ito bago siya tumakbo palayo kay Jinso. Mahirap ng maka-away niya pa ang girlfriend nitong si Chelsea. Natatandaan niya pa noong bata sila. Naging magkakaibigan naman sila ngunit unti-unting nagbago ang ugali ni Chelsea dahil ibat-ibang lalake ang nanloloko sa mommy nito ayon sa chismosang kapitbahay nila Magkakapitbahay kasi sila at iisang village lamang ang kanilang tinitirahan. Naging kaibigan rin kasi ng mommy niya ang mommy ni Jinso at ang mommy ni Chelsea noong elementary na sila. Nagkaroon tuloy ng mayamang nobyo ang mommy niya at iyon ang kanyang step father na si tito Greg. Mabait ito at bilyonaryo. Nakapag-aral tuloy si Magdalena sa exclusive school dahil sa tito Greg niya. Matagal ng namatay ang daddy niya. Dalawa lamang silang magkapatid at siya ang panganay. Seven years old palang ang nakababatang kapatid niya na si Grey. Anak ito ng mommy at tito Greg niya. "Kulot bumalik ka dito!" Narinig niya pang tawag sakanya ni Jinso. Pero mas binilisan niya ang pagtakbo. Iikot pa tuloy siya sa likod ng building ng kanilang paaralan dahil sa impaktong lalakeng iyon! "Bwisit! Ang aga aga pa nangbubwisit na!" Reklamo ni Magda habang hinihingal siya Bakit nga ba siya tumakbo? Hindi rin niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya si Chelsea ay parang natatakot siya. "Magda bakit nandito ka?" Napalingon siya sa maliit at matinis na boses ng kanyang kaibigan na si Janice. "Janice? Ikaw bakit nandito ka sa likod ng school?" Balik tanong niya kay Janice habang hinihingal parin siya. Napapahaplos siya sa kanyang dibdib dahil sa pagkapos ng kanyang hininga "Dito ako dumadaan dahil naglalakad lang ako. Bakit parang hingal na hingal ka?" "As usual may impakto nanaman" Naiinis na sambit niya. Napahagikgik naman si Janice tila kinikilig ito "Araw araw ka talagang binu-bully ng Jinso na iyon no? Malakas talaga ang pakiramdam ko na may gusto iyon sayo!" Kung may number one fan ang loveteam nila ni Jinso ay walang iba kundi si Janice iyon. Mula pa noong bata sila ay sinasabi na ni Janice sakanya na may gusto raw si Jinso sakanya kaya ito palaging nang-aasar at nagpapapansin sakanya Parang kinilabutan siya! Ayaw nga niya! No way! Ayaw niyang magka-first boyfriend na kasing sama ng ugali nito! Never! Kung ito rin lang ang magiging nobyo niya ay huwag nalang! Mas mabuti pang single nalang siya habang buhay kaysa ito pa ang maging nobyo niya "Eww! Kadiri! At napaka-impossible niyang sinasabi mo. Alam mo namang may jowa yung lalakeng yun eh!" Kung tutuusin hindi naman siya manhid. May mga oras rin na pakiramdam niya may paglalambing sa mga kilos ni Jinso sa tuwing aakbayan siya nito. Pero agad niyang itinatakwil ang ideyang iyon dahil napaka-impossibleng magkagusto ito sakanya kung halos siraan na siya nito sa buong mundo. Ipinagkalat ba naman nito noon na marami siyang kuto at maasim ang kili-kili niya! "Sabagay. Almost ten years na rin ang relationship nila ni Britch" "Britch?" "Bruha na b***h" Nakangiting sabi ni Janice kaya natawa tuloy siya. Hindi lang siya ang nakakapansin ng masamang ugali ni Chelsea kundi ang mga schoolmates rin nila. Masyado kasi itong possesive kay Jinso. Sa tuwing may mga babaeng lalapit sa binata ay inaaway nito. Mayroon pa nga nabalitaan nilang sinampal raw nito noong isang araw sa loob ng ladies cubicle. "Halika na nga Janice baka ma-late pa tayo" Sabay silang naglakad ni Janice papunta sa kanilang classroom. As usual naroon na si Jinso. Naka-upo pa ito sa lamesa ng upuan niya! Sa kasamaang palad mula noon hangang ngayon ay magkaklase sila. "Kulot nag-spray na ako ng baygon dito sa upuan mo. Baka kasi gumapang yung kuto mo at mahawa kami" Nakangising sambit ni Jinso. Nagtawanan tuloy ang lahat ng kanilang mga kaklase Pinaningkitan niya ito ng kanyang mata sa labis na pagkainis niya. "Bwisit ka talaga. Umalis ka nga diyan sa upuan ko!" Singhal niya kay Jinso. Araw-araw nalang na ginawa ng Diyos na ma-highblood siya dahil sa lalakeng ito "Kiss muna" Pasimpleng bulong nito ng makalapit siya sa kanyang upuan. Agad na namula ang buong mukha niya dahil sa sinabi ni Jinso! Mabuti nalang at walang ibang nakarinig bukod sakanya kaya piningot niya ang tenga nito. "Bwisit ka talaga!" "Aww! Kulot masakit!" angal nito at napatayo na ito mula sa pagkakaupo nito sa kanyang upuan "Dapat lang sayo yan!" Nakasimangot siyang umupo sa kanyang upuan Nagtatawanan parin ang mga kaklase niya. Tinapik ni Jinso ang ulo niya at ginulo iyon "Bad girl. Pasalamat ka--" Hindi na nito tinuloy ang sasabihin dahil tinignan niya ito ng masama. Para kasing ginagawa siyang aso nito sa paraan ng pagtapik tapik nito sa kanyang ulo "Sungit naman. Panay kuto ka naman eh" Nakangising sambit ni Jinso bago nito kinurot ang pisngi niya Napalunok nalang siya. May mga oras na sa tuwing kukurutin nito ang pisngi niya ay may kakaiba siyang nararamdaman "Grrr bwisit!" Naiinis nalang na sambit niya. Noong bata pa man siya ay crush na talaga niya si Jinso ngunit pinigilan niya ang pagkakaroon ng crush sa lalakeng ito simula ng maging nobya nito si Chelsea. Simula noon tinigilan na niya ang kanyang ilusyon na maaring may gusto rin ito sakanya Bumalik na si Jinso sa pwesto nito. Kinikilig naman ang kaibigan niyang si Janice na tumabi sakanyang upuan "Wala namang amoy baygon ha? Papansin lang talaga siya sayo Magda" Bulong ni Janice sakanya kaya mas lalo pa siyang naiinis "Pwede ba Janice kahit kailan hindi kami magiging love team ng impakto na yun. Tigilan mo na yan sis pag matchy matchy samin ng impaktong lalakeng yun!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook