Chapter 2

1810 Words
Chapter 2 "Group yourself into three for your thesis. Ayoko ng basura dahil panigurado ibabagsak ko kayo" Napa-ungol ang lahat ng mga kaklase ni Magda ng ianunsiyo ng kanilang guro ang nalalapit nilang thesis defense. Tinaasan lang sila ng kilay ng masungit na ginang bago ito lumabas ng kanilang classroom dahil sa kasabay na pagtunog ng bell na nangangahulugan na tapos na ang klase nila Business management in economics ang major subject na iyon kaya napakahalaga nito para sakanilang lahat. Doon nakasalalay ang final grades nila "Hay nako sino naman kaya ang makikigroupo satin dalawa Magda?" Nakabusangot na sambit ni Janice sa kanyang tabi Iyon rin ang pinoproblema niya. Sino nga kaya sa mga maaarte niyang kaklase ang gugustuhin makigroupo sa mga weirdong katulad nila? Hindi ba't ang tingin ng mga ito sakanila ay out of this world silang dalawa? "Hindi ko rin alam Janice--" "Girls don't worry ako nalang" Sabay silang napatingin kay Jinso ng umupo ito sa kanyang lamesa. As usual nakangisi nanaman ang binata at hindi niya malaman kung nagbibiro ba ito o nang-aasar "Sige ba!" Sagot agad ni Janice na tila nakakita ng sinag ng liwanag Pasimple niya itong kinurot "H-Huwag na no! Baka bumagsak pa kami dahil sayo--" "Ikaw talaga kulot napaka-nega mo. Akong bahala sa thesis nating tatlo. See you this afternoon girls sa bahay nalang" Hindi pa man nakakapagreklamo si Magda ng umalis na agad si Jinso at sumunod na ito sa mga kaibigan nitong palabas na ng classroom nila "Sabi ko na crush ka talaga ng lalakeng yan. Malakas ang kutob ko--" "P-Pwede ba Janice? Baka may makarinig pa sayo. Hindi mo ba nahahalata at nakukutuban pinagloloko lang tayo ng lalakeng yun? Panigurado hindi yun seryoso sa pakikipag-groupmate satin dalawa" Nagkibit balikat lamang si Janice at maganda parin ang pagkakangiti nito "Manhid ka lang talaga kulot" Biro ni Janice sakanya at ginaya pa nito ang madalas na ipang-asar sakanya ni Jinso. Kunot parin ang kanyang nuo. Bakit sa dami pa ng gustong maki-groupo sakanila ay ang bwisit na lalakeng iyon pa? Panigurado sasakit lamang ang ulo nilang dalawa ni Janice at sigurado ring silang dalawa lamang ang gagawa ng kanilang thesis! "Hay nako. Basta huwag mong asahan ang kulugong iyon--" "Asus maka-kulugo ka diyan wagas ha? Baka mamaya niyan magulat nalang ako, ikaw na pala ang girlfriend ni fafa Jinso at hindi na si Brich" Tinutukoy nito si Chelsea ang girlfriend ni Jinso "Shhhh! Baka may makarinig sayo anu ka ba naman talaga. Tara na nga umuwi na tayo--" "Basta mamaya punta tayo sa bahay nila Jinso. Excited akong makapunta doon eh. Hindi pa ako nakakapasok sa bahay nila. Panigurado maganda iyon!" "A-Ayoko nga. Magmumukha lang tayong engot doon eh! Alam mo naman yung lalakeng yun malakas mang-asar. Malay mo pagdating natin doon ay sabihin niya it's a prank?" Tumayo na si Magda at iniwan na niya si Janice Hangang ngayon kasi napakabilis parin ng t***k ng kanyang puso. Bakit ba kasi palaging umeepal at nagpapapansin sakanya ang lalakeng iyon? "Napakanega mo nga daw sabi ng prince charming mo." Tukso pa ni Janice ng habulin siya nito sa hall way ng kanilang campus "Bahala ka kung gusto mo pumunta sa bahay ng kulugo na yun--" "Pupunta talaga ako dahil wala naman tayong ibang choice. Sa tingin mo may iba pang makikipag-groupmate satin? Pasalamat nga tayo siya pa ang kusang lumapit satin. Tandaan mo Magda, final grade natin ang nakasalalay dito" Napabuntong hininga nalang si Magda dahil may punto rin naman si Janice sa nais nitong ipaliwanag sakanya. "B-Bahala na. Itetext nalang kita kung pupunta ako" Pagdating ni Magda sa kanilang bahay at nakasalubong niya doon ang kanyang bunsong kapatid na mag-isang naglalaro ng video games. "Hoy lalabo nanaman ang mata mo niyan" Hindi man lang ito lumingon sakanya dahil naaadik na ito kakalaro ng video games. Napapa-iling nalang siyang umakyat sa kanyang sariling kwarto Agad siyang naligo at nagsipilyo ng matangap niya ang text ni Janice na pupunta na raw ito sa bahay ni Jinso "Grr masyado naman excited tong si Janice eh!" Nagmamadali niyang sinuklay ang kanyang kulot na buhok gamit lamang ang kanyang mga daliri. Pagkatapos ay napili niyang magsuot lamang ng simpleng damit dahil diyan lamang sa kapitbahay nila ang bahay ni Jinso. Lalakarin lamang niya iyon. Pinili niya ang isang itim na leggings at tinernuhan niya iyon ng isang simpleng baby blue blouse. "San ka pupunta ate?" Nagtatakang tanong ng kapatid niya ng makita nitong lalabas nanaman siya ng kanilang bahay "D-Diyan lang kila Mr.Song" Kumunot ang nuo ng kapatid niya at unti unti nang napangiti. "Boyfriend mo na si kuya Jinso?" "H-Hindi no! Ang bata bata mo pa kung ano ano na yang sinasabi mo. Isusumbong kita kay mommy" Napakamot naman sa ulo nito ang kapatid niya "Ang kupad talaga" Sabi nito na hindi niya naman narinig dahil nakalabas na siya ng kanilang bahay Natatanaw na agad ni Magdalena ang napakalaking mansyon ng pamilya ni Jinso. Nakatangap siya ng text mula kay Janice na naroon na raw ito sa loob ng bahay ni Jinso at siya nalang daw ang inaantay Napabuntong hininga si Magda bago siya nagdoorbell sa napakalaking kulay itim na gate ng mga ito. "Ikaw na siguro yung sinasabi ni master na si kulot? Pasok ka hija.." Nakangiting bungad agad sakanyang ng gwardiyang nagbabantay sa gate ng mga ito Tabinging ngiti lang ang kanyang tugon. "N-Nandiyan po ba sila Janice at Jinso?" "Si Master Jinso naroon siya sa second floor pinapapunta ka niya doon ka dumaan sa kabilang hagdanan" Tumango lamang si Magda ng ituro sakanya ng guwardiya kung saan siya dadaan patungo sa kinaroroonan nila Jinso at Janice May isang malaking hagdanan sa bandang gilid ng mansiyon at meron doon balkunahe. Sa tingin niya iyon ang kwarto ni Jinso Hindi niya maintindihan kung bakit inayos niya muna ang kanyang buhok at kinagat-kagat ang kanyang labi upang mamula iyon ng kaunti bago siya naglakas loob katukin ang salamin na pintuang iyon "Janice? Jinso?" Tawag niya sa mga pangalan ng mga ito Agad naman binuksan ni Jinso ang pintuan. Para bang excited na excited itong makita siya. Napansin niyang bagong ligo rin ang binata dahil mamasa-masa pa ang buhok nito. Aaminin niyang ito talaga ang pinakagwapong lalakeng nakilala niya. Effortless ang pagiging gwapo nito. Kahit siguro bihisan ito ng basahan at hindi maligo ng sampung taon ay gwapo parin ito. Hindi kataka-takang baliw na baliw dito ang nobya nitong si Chelsea kaya halos lahat ng babae sa campus nila ay inaaway na nito "Done checking on me?" Nakangising sabi ni Jinso ng mapansin nito ang pagkatulala niya sa kagwapuhan nito "C-Che" Pagsusungit nalang niya bago siya pinapasok ni Jinso sa loob ng kwarto nito Napakaganda at napakalinis ng kwarto ng binata. Ayos na ayos ang mga kagamitan sa loob ng kwarto nito. "Nasaan si Janice?" Tanong agad niya ng mapansing wala naman doon ang kaibigan niya Nagkibit balikat ito "Hindi ko alam? Akala ko nga kasama mo eh. Gusto mo pala akong solohin sana sinabi mo" Napakunot ang nuo niya dahil pinagloloko talaga siya ng kaibigan niya. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang itext ang bruhang kaibigan niya To Janice Akala ko ba nandito kana? Nasaan kana Janice?? Sent! "Sabi sakin ni Janice nandito na raw siya kaya nagpunta na ako dito." depensa agad niya dahil baka kung ano pang isipin ni Jinso Lumapit siya kay Jinso at ipinababasa niya ang mga previous text ni Janice sakanya Lalo naman ngumisi ang binata. "You know i'm starting to like your friend" Nakangiting sambit ni Jinso bago siya akbayan nito Nagulat naman siya sa sinabi nito kaya napatingin agad siya sa gwapong mukha nito "Ha?! Crush mo si Janice?" Gulat niyang tanong Ginulo lamang ni Jinso ang kulot niyang buhok "Iba ang crush ko. Nag-iisa lang. Don't mind what i said earlier kulot" Nakangiti parin nitong sagot sakanya habang nakatitig sa kanyang mukha Napalunok siya. Malamang nag iisa lamang si Chelsea sa buhay nito. Tatagal ba naman ng ilang years ang relasyon ng mga ito kung hindi? Parang nawalan siya ng gana sa sagot ni Jinso. Hindi niya rin maintindihan kung bakit "U-Uuwi nalang ako kung wala naman pala dito si Janice--" Akmang lalabas nalang sana siya ng kwarto ni Jinso ng bigla nitong pigilan ang pintuan "Not so fast baby girl.." Hinapit ni Jinso ang kanyang bewang kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata at nanigas ang buong katawan niya sa ginawa nito "B-Bitawan mo ko manyak ka--" Mas lalo pang hinapit ni Jinso ang kanyang bewang "Manyak agad? Hindi ba pwedeng naglalambing lang?" Nakangising sagot ng binata sakanya Nagpumiglas siya ngunit malakas ito "Ano ba! Bitawan mo sabi ako!" Kulang sa kumbinsing reklamo niya dahil kahit siya ay hindi sigurado kung gusto nga ba niyang bitawan siya nito "Payakap lang. Ang damot mo kulot? Ayaw mo ba yun maexperience mo na ang mayakap ng kasing gwapo ko?" Biro ni Jinso sakanya at hinapit pa nitong muli ang kanyang bewang "I-Isusumbong kita sa girlfriend mo--Ayy!" Napatili siya ng buhatin siya ng pilyong binata patungo sa kama nito. Agad itong umibabaw sakanya sa kanyang pagkagulat. "Dito ka lang kasi huwag ka muna umuwi. Ngayon ka nga lang nagpunta dito eh" Napalunok si Magda dahil sa sinabi ni Jinso. Naaamoy niya ang mabangong hininga nito na tumatama sa kanyang ilong. "B-Bastos ka Jinso umalis ka diyan sa ibabaw ko!" Reklamo niya ng makapag-isip isip siya ng maayos. Para kasing nagugustuhan na niya ang posisyon nilang dalawa. Ngunit hindi ito nakinig bagkus ay niyakap siya nito ng mahigpit at ibinaon nito ang gwapong mukha nito sa kanyang leeg "Just five minutes.." Para naman siyang nanigas sa pagbulong ng binata tila may kakaiba iyong init na dulot sa buong pagkatao niya Saglit siyang hindi nakapagsalita Nais niyang itulak ito at magreklamo dahil sa pang-yayakap nito sakanya sa ganoong posisyon ngunit walang salita ang namutawi sa kanyang bibig Para siyang naengkanto sa masarap na sandaling ipinararanas sakanya ng binata Sa mga bisig nito ay para bang naroon ang kahinaan niya. Walang tigil sa pagtibok ng napakabilis ang kanyang puso. Hindi niya sigurado kung puso lang ba niya ang kanyang naririnig Naramdaman ni Jinso ang pagtahimik niya kaya tinignan nito ang kanyang mga mata Pakiramdam niya nalulunod siya sa mga emosyong nababasa niya sa mga mata ng binata Bakit parang... Bakit parang... Parang... Parang may pag-ibig iyon? Hindi niya maunawaan ang emosyong bumalot sa kanyang pagkatao ng mabasa niya ang emosyon sa mga mata nito Totoo ba ang nakikita niya? O nahihibang na siya? Saglit itong napatingin sa kanyang mapulang labi na bahagyang naka-awang pagkuwan ay napalunok ito at muling tumingin sa kanyang mga mata at nagtanong ng... "Can i kiss you--" "Hoy! Diyos porsanto?! ano yang ginagawa niyong dalawa!" Sigaw ni Janice sa bukana ng pintuan na nagpahiwalay agad sakanilang dalawa! Kung gulat na gulat ito ay mas nagulat silang dalawa! Nahulog pa tuloy si Jinso sa sahig ng kama nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD