bc

Falling inlove with Karen Hoffman

book_age18+
13.0K
FOLLOW
95.9K
READ
one-night stand
fated
drama
comedy
sweet
lighthearted
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Karen Hoffman's picky taste when it comes to men has only been piqued once. Isang beses lamang nalagpasan ng isang lalake ang napaka-taas na standards niya pagdating sa isang lalake.

He is Nathan Ventâcourt. Unang kita palang ni Karen sa gwapong lalakeng ito ay nataranta na ang buong pagkatao niya. At the age of thirty she never thought she would still fall in love like a blooming teenager. Tila kinikiliti ng lalakeng ito ang lahat ng parte ng kanyang katawan sa tuwing titingin ito sakanya. His gaze is her weakness! Nakaka-inlove ang mga pasulyap sulyap nito sakanya paminsan minsan sa tuwing nagkikita sila.

Driver ito ng kanyang bestfriend. Yes he is not rich. But she doesn't care! Nagsusumigaw ang kakisigan nito. Lahat ng gusto niya sa isang lalake ay narito na. Masyado siyang mapili pagdating sa physical na anyo ng kalalakehan kaya magpahangang ngayon ay wala pa siyang nagiging nobyo kahit napakaganda naman niya. Madali kasi siyang maturn off sa mga simpleng bagay lamang. Ngunit kakaiba talaga ang lalakeng ito! He is perfect! 101% ang final grade nito sa standards niya!

Matangkad, Moreno, Sobrang gwapo, Matangos ang ilong, May maamo at malamlam na mga mata. May mapulang labi, maganda at maputi ang mga ngipin nito. Fresh pa palagi ang hininga nito. Maganda rin ito magdala ng damit at kapag nagsasalita ito ay para bang lalakeng lalake ang datingan nito. Higit sa lahat napakakisig nito! Masarap sigurong maglambitin sa mga muscles nito na firm na firm! At masarap rin sigurong almusalin ang mga pandesal nito sa tiyan tuwing umaga.

He is her 100% type! Taglay nito ang matagal na niyang hinahanap sa isang lalake! Isa lamang ang problema niya, Bukod kasi sa ubod ng sungit ng lalakeng ito ay mas bata pa ito sakanya ng isang taon. He is only 29 years old. Wala rin itong interest sakanya dahil dinededma lamang nito ang mga pagpapa-pansin niya

Until one day hindi na niya nakayanan ang pangdededma nito sa beauty niya. Siya na mismo ang nag-alok ng 1 Million pesos sa lalakeng ito para lamang i-date siya at paligayahin sa kama!

Pumayag kaya ito?

Ibinaba na niya ang kanyang pride dahil inlove na inlove na talaga siya sa gwapong driver ng kanyang best friend!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Sis!" Nakangiting kumaway si Karen Hoffman sa kanyang matalik na kaibigan. Naka-upo ito sa bandang dulo ng coffee shop kung saan madalas silang mag-chikahan tuwing weekends. She is Pia. Her one and only best friend. Mapili kasi siyang tao. Maski sa kaibigan ay napakapihikan niya. Ayaw niya sa mga kaibigan na masyadong mapuri at masyadong mabait sakanya dahil alam niyang madalas ay pang-uuto lamang iyon at kapag nakatalikod na siya ay kung ano anong masasakit na bagay ang mga sinasabi ng mga ito sakanya. Charge it to her experiences. Maraming beses na niyang sinubukan makipagkaibigan ngunit palagi lamang siyang heart broken sa ibat-ibang ugaling mayroon ang mga tao na nakikilala niya Well, She's Karen Hoffman. Isa sa mga tinitingalang babae sa lipunan. Maraming mga tao ang na-iintimidate sakanya kahit hindi naman niya iyon sinasadya. Tanging si Pia Ventâcourt lamang ang nag-iisang tao sa mundo na maituturing niyang tunay na kaibigan. Parang higit pa sa magkapatid ang turing nila sa isat-isa. Nahanap nila ang comfort and happiness sa bawat isa. "Sis sorry late akech!" sambit niya bago nakipag-beso beso kay Pia ng makalapit siya dito Sanay na sanay na ito sa paraan ng pagsasalita niya dahil namana niya iyon sa kanyang mommy Cassandra. Araw araw silang magkausap at magkasama ng mommy niya kaya naman nagaya na niya halos kung paano ito magsalita at kumilos. She love her mommy so much. "It's okay sis! So how is it?" excited na tanong ni Pia sakanya bago pa man siya makaupo sa katapat na upuan nito. Nag-niningning pa ang mga mata nito habang itinatanong iyon. Napa-iling siya dahil sinasabi na nga ba niya na iyon agad ang itatanong ng kanyang kaibigan. Ang tungkol sa blind date niya kagabi. Ito kasi ang palaging nag-seset-up sakanya ng mga blind dates upang makapag-asawa na raw siya katulad nito. Her friend wants her to find her soulmate. Ngunit palaging palpak ang mga nagiging blind dates niya. Wala siyang nagugustuhan sa mga iyon. "As usual" Nakangiting sagot niya na nagpalaglag ng mga balikat nito. "What? Ekis nanaman?!" Nang-hihinayang na tanong ni Pia sa kanya. Tumango siya "Oo ekis na ekis!" "My God friend bakit nanaman? Huwag mong sabihing may nakita ka nanamang mali sa ka-date mo? Hello! It's Luis Herrera! Sikat na artista yun sis--" "Yeah. That's the reason why i don't like him. Masyadong mayabang at hindi ko nagustuhan kung paano siya ngumiti eh parang nakakainis?" "Oh God karen! Ano ba namang klaseng rason iyan? Hindi mo muna bigyan ng chance yung tao. Super crush ka nun--" Winagayway lamang niya ang kanyang kamay sa ere upang pigilin sa pagseseremonyas ang kanyang kaibigan "I don't really like him. Mas maganda na yung umpisa palang ligwak na!" Napahawak naman sa ulo si Pia dahil hindi na ito makapaniwala sa taas ng standards level niya sa mga lalake. Lahat ng sineset up nito sakanya ay pawang nag-gwagwapuhan at may sinasabi sa buhay. Ngunit kahit isa ay walang pumasa sa kanyang panlasa. "I don't know what to do anymore. Paano ka magkaka-boyfriend niyan? Yung kapatid mong si Cody may girlfriend na at buntis pa yung girlfriend niya. Naunahan ka pa ng kapatid mo lumagay sa tahimik imbis na ikaw muna! Naiinis nako sayo ha!" Pagmamaktol ni Pia na para bang isa itong bata na naiinis sakanya Tinawanan lamang niya ang kanyang kaibigan dahil ganoon naman palagi ang reaksiyon nito sa tuwing binabasted niya ang mga lalakeng nais manligaw sakanya. Anong magagawa niya? Wala talaga siyang magustuhan sa mga ito. "Si Cody at Elle hahayaan ko na silang mauna ikasal. Ako? Chill lang--" "Anong chill ka diyan?! Trenta kana po miss ipapa-alala ko lang sayo. Babaan mo naman ang standards mo sa mga lalake." Nagkibit balikat siya at ngumiti lamang kay Pia "Hayaan mo na." "Last time sabi mo ayaw mo sa ka-blind date mo dahil gwapo nga pero mabaho ang hininga. Tapos meron pa sabi mo naman ayaw mo rin sa walang muscles--" "Stop it Pia. Natatawa ako sayo eh" Pinatigil niya ang kanyang kaibigan ng ipaalala pa nito sakanya ang mga palpak na blind-dates niya "Sis naman kasi. Babaan mo naman ang standards mo kahit konti please?" Nag-senyas pa ito sakanya ng kaunti sa daliri nito habang naka-pout ang bibig. Tumawa siya ng malakas dahil tila ito pa ang mas namomoblema sa lovelife niya "Darating din si Mr.right. Chill ka lang kasi sis. Ako nga chill lang eh? Bakit ba kasi mas excited ka pa sakin na magkaroon ako ng boyfriend?" Napabuntong hininga ito. "I just want you to experience the feeling of being inlove. Katulad ng nararanasan ko ngayon. Gusto ko magkaroon kana ng pamilya. Gusto ko may mag-aalaga rin sayo sa tuwing may sakit ka. Gusto kong maging brides maid mo" Naka-ngusong sambit ni Pia Tumawa lamang si Karen dahil sa kakulitan ng bestfriend niya. "Thanks sis. Pero sa tingin ko huwag mo muna ako iset-up sa mga blind dates na yan. Darating rin si--Oh my God..." Naputol ang pagsasalita niya nang may isang gwapo at matangkad na lalakeng papalapit sa pwesto nila. Napa-nganga siya ng magtama ang kanilang paningin. This man walking towards them is the man of every girls dreams. Napakaseryoso ng expresyon ng mukha nito habang papalapit sa kanilang dalawa ni Pia "Anong oh my God?" Nagtatakang tanong ni Pia dahil hindi nito nakikita ang lalakeng papalapit sakanila. Nasa likod kasi nito ang napakagwapong lalake. Umurong yata ang dila ni Karen at napakalakas ng pintig ng kanyang puso. Ngayon lamang nangyari ang ganito sa kanya. Yung tipong huminto ang kanyang mundo at para bang nakakita siya ng isang perpektong lalake na nagpapataranta ngayon sa puso niya Napanganga pa lalo si Karen ng huminto sa tapat nila ang napakagwapong lalake. Everything about his face is perfect! Lalo pa ng marinig niya ang baritonong boses nito ng magsalita ito. "Excuse me. Miss Pia. Your father called. He said that he is waiting for you in his office" Pag-imporma nito kay Pia. "Oh? Right now?" Nakanganga pa rin si Karen sa lalakeng nasa harapan niya habang kinakausap nito si Pia. Hindi niya maiwasan titigan ang mukha nito. Pakiramdam niya nakita na niya ang lalakeng hinahanap niya! Ito ang lalakeng gusto niya. Siguradong sigurado na siya na ito ang lalakeng tipong tipo niya. Type na type niya ito. "Yes ma'am" Sagot ng lalake kay Pia Bumaling naman si Pia sakanya. "Sis sorry pinapatawag daw ako ni daddy ngayon. Next time nalang tayo--Huy sis?" Winagayway ni Pia ang kamay nito sa harap ng kanyang mukha dahil nakatulala na pala siya sa lalake. Doon palang siya parang nagising. Napangiti naman si Pia at nahalata nitong nagwapuhan siya sa lalakeng nasa harap nila "I-I'm sorry. Ano nga ulit un sis?" Tanong niya pagkatapos niyang mapahiya. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi dahil nakakahiya ang pagkakatulala niya sa lalakeng iyon. Ngumiti ng makahulugan si Pia tila ba may nabuo na itong plano sa likod ng utak nito. "Sabi ko pinapatawag daw ako ni daddy kaya mauna na ako sayo." Napalunok siya at tila wala parin siya sa kanyang sarili. Nakaka-kaba naman kasi ang presensya ng lalakeng nasa harapan niya. Natataranta ang buong katawang lupa niya dahil nakatingin ito sakanya. "O-Osige sis. I understand" Sagot nalang niya ng makabawi siya sa pagkakatulala. "Anyway. This is Nathan my new driver. Hindi ko pa pala siya napapakilala sayo no?" Nakangiting tanong ni Pia sakanya Napalunok naman siya at saglit na sumulyap muli sa lalakeng ipinakilala sakanya ni Pia. Nararamdaman niya ang pag-ngatal ng kanyang labi dahil hindi niya kinakaya ang pagtingin nito sakanya. "Siya nga pala si Karen. She's my bestfriend. Kailangan mo siyang makilala dahil madalas ko siyang kasama" Pagpapakilala naman sakanya ni Pia sa gwapong lalake. Sa katunayan ay hindi niya ito napaghalataang driver lamang ni Pia! Mukha pa nga itong mas mayaman sa mga CEO na naka-blind date niya noon. Kahit pagsama-samahin pa ang mga lalakeng iyon ay hindi mapapantayan ang kagwapuhang taglay ng lalakeng ito. Maayos na maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito. Matangkad at moreno ang kutis ng balat nito. Para bang wala siyang nakikitang pores sa makinis nitong mukha. Nakamakeup kaya ito? Bakit napakakinis ng mukha nito? Natural rin na mapula ang mga labi nito na nakaka-pagpalunok sakanya. Ngunit ang mas nagpapabaliw sakanya ay ang magandang mga mata nito na isang tingin palang sakanya ay nagpapatibok na ng mabilis sa kanyang puso Bahagyang ngumiti ang lalake sakanya ngunit walang ka-emosyon emosyon ang mukha nito "H-Hi ikaw pala ang bagong driver ni Pia. I-I'm Karen" Nilakasan niya ang kanyang loob na ilahad ang kanyang kamay sa lalake. Ito palang ang unang lalakeng kinilala niya. Hindi niya gawain makipagkilala o makipag-shakehands! Saglit naman tinignan ni Nathan ang kanyang kamay. Bago nito tinangap iyon. Parang gusto niyang mapakagat labi ng maramdaman niya ang mainit nitong palad. Gusto pa sana niyang pisilin ang kamay nito ngunit agad rin nitong binawi iyon. Tipid itong ngumiti at balewalang tinangal agad ang pagkakahawak ng kanilang kamay. Tumawa naman ng malakas si Pia. Tila nahuhulaan na nito na tinamaan siya sa driver nito. "Miss Pia we need to go.." Pormal at seryoso itong bumaling kay Pia. Hindi man lang ito tinablan sa aking kagandahan niya? Bakit parang balewala lang rito ang ginawa niyang pakikipagkamay? "Bye sissy. See you around.." Makahulugang ngiti ang ibinigay sakanya ni Pia bago umalis ang mga ito Unti-unti nalang napa-upo si Karen ng tuluyan ng makalabas ng coffee shop ang dalawa. "Shocks. May ganoon pala kagwapong lalake sa mundo?" Di mapigilang sambit niya Ngunit bago pa man makalabas ng coffee shop ang bestfriend niya at ang napakagwapong driver nito ay nakasalubong ng mga ito ang isang matandang babae na napakaraming bitbit. Hindi inaasahan ni Karen na lalapitan agad ito ni Nathan upang tulungan. Kinuha nito ang dalawang malaking supot ng matandang babae at pinagbuksan pa nito ng pintuan ang ginang upang makapasok ito sa loob ng coffee shop Mukhang mga itlog ang laman ng dalawang malalaking supot. "Tulungan ko na po kayo" Magalang sambit ni Nathan bago nito tinulungan ang matanda "M-Maraming salamat hijo!" Pasasalamat ng matandang babae sa driver ni Pia. Inalalayan pa nito ang matanda patungo sa isang bakanteng upuan. Sa isang kamay lang nito binuhat ang dalawang supot at ang isang kamay naman nito ay naka-alalay sa bandang siko ng matandang babae Ang kaninang atraksyon na kanyang nararamdaman para sa lalakeng driver ni Pia ay tila mas nadoble at nadagdagan. Hindi lang pala ito gwapo at macho, mukhang may mabuti rin itong kalooban. Big check sa kanyang pamantayan ang lalakeng magalang at matulungin. Pakiramdam ni Karen ay lumambot ng kasing lambot ng mamon ang kanyang puso para sa binata habang pinapanuod niya itong inaalalayan ang matanda Kunot nuong lumapit naman agad ang manager ng coffee shop ng makita nito ang matandang babae na inaalalayan ni Nathan paupo sa isang upuan. "Ikaw nanaman lola? Lumabas na po kayo dahil hindi tambayan ang coffee shop ko ng mga walang pambayad. Amoy araw pa naman kayo makaka-abala kayo sa mga customer ko dito" Napapakamot pa sa ulong sabi ng manager sa matanda. Mukhang inis na inis ito. "Magpapahinga lang ako. Itong mga paninda ko masyadong mabigat. Makiki-inom lang naman ako ng tubig. Magbabayad naman ako--" "Lola modus mo yan ano? Palibhasa alam niyong maraming mayamang customers ang coffee shop ko? Umalis na ho kayo lola bago ko pa kayo ipalabas sa mga gwardiya--" "Don't you know how to respect elderly people?" Natigil sa pagsasalita ang manager ng marinig nito ang seryosong boses ni Nathan. "Sir marunong ho akong rumespeto sa matatanda. Pero modus na ho siguro ito ng lola na ito--" Katwiran pa ng manager na tila mas lalong nagpainis sa driver ni Pia "Respeto bang matatawag yung paalisin niyo ang matanda kahit halata namang pagod na yung tao at gusto lang magpahinga kahit sandali?" Parang napahiya naman ang manager ng coffee shop kaya pinili nalang nitong huwag ng sumagot pa. Nakatingin na rin kasi ang halos lahat ng customers sa mga ito. Napapa-kurap kurap ang mga mata ni Karen nang dumukot si Nathan ng limang daan sa loob ng wallet nito at iniabot iyon sa matanda. Hindi niya akalain na matulungin pala ito. "Lola pang miryenda niyo po." "N-Nako maraming salamat hijo pero hindi ko iyan matatangap. Pagpalain ka nawa ng diyos. Salamat sa pagtangol mo sakin mula sa walang modong lalakeng ito" Maluha luha pang sambit ng matandang babae bago ito tumingin ng masama sa manager ng coffee shop "Pero lola tangapin niyo na ho ito--" Pagpupumilit pa ni Nathan ngunit hindi iyon tinangap ng matanda "Naroon kasi ang pwesto ko sa kabilang kalye. Nilalako ko ang mga balut at penoy na ito. Kaso kapag ganitong oras gusto kong magpahinga muna sandali dito sa loob dahil maalinsangan sa labas at gusto ko lang naman magpahinga sandali. Ngunit napakadamot ng manager na ito. Nakikiupo lang naman ako bago ako maglako ulit at umuwi" Nakita ni Karen na napabuntong hininga si Nathan. Tila naawa ito lalo sa matandang babae. Habang tinitignan niya ito ay mas lalo siyang napapahanga nito. "Miss Pia, Pwede mo bang bilhin ang mga paninda ni lola? Ibawas mo nalang sa sweldo ko" Narinig niyang tanong ni Nathan sa kaibigan niya Muli ay napatibok nanaman ni Nathan ng mabilis ang kanyang puso. Ang bait naman nito! Gwapo na mabait pa! Napapangiti naman si Pia sa tabi ng driver nito Yumuko ang kaibigan niya upang kausapin ang matandang babaeng nakaupo. "Lola bibilhin ko na lang po ang mga paninda niyo para makauwi na po kayo" Nakangiting sabi ni Pia sa matanda "Nako huwag na hija." Umiling iling pa ang matanda. Halatang nahihiya ito kay Pia. "Bakit naman ho lola?" "Dahil mas lalong iisipin ng manager na iyan na gusto ko lang magpaawa at magbenta ng mga balut ko. Maraming salamat sainyong dalawa." Hinawakan pa ng matandang babae ang kamay ni Pia. Ngunit hindi pumayag ang kaibigan niya. Binili parin nito ang paninda ng matandang babae. Sa bandang huli napapayag na rin ng mga ito ang matanda at ipinamigay nalang iyon sa mga customers ng coffee shop "Ihatid ko na po kayo lola sa bahay niyo." Muling inalalayan ni Nathan ang matandang babae palabas ng coffee shop kasunod ang nakangiting kaibigan niya. Napahawak naman si Karen sa tapat ng kanyang dibdib. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon para sa isang lalake. "Grabe nakita ko na talaga ang prince charming ko!" Sambit niya sakanyang sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook