Chapter 2

2242 Words
Chapter 2 "Miss Hoffman" Humugot muna ng malalim na pag-hinga si Karen ng marinig niya ang boses ng lalakeng tumawag sakanyang pangalan Sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso ay halos hindi na niya marinig ang boses nito. Inaasahan niyang ito ang bagong driver ni Pia dahil kinulit niya ng husto si Pia kagabi na iset-up siya nito ng isang blind date sa gwapong driver nito Naalala niya tuloy ang usapan nila ni Pia kagabi. Pinagtawanan pa nga siya nito sa kanyang hiniling.. (Flashback last night) "What sis? Ano bang nakakatawa sa request ko sayo? Please?--" "Akala ko ba ayaw mo na ng blind dates?" Natatawa paring tanong ni Pia sakanya sa kabilang linya habang kausap niya ito Napakagat labi siya. Habang nakahiga siya sa kanyang king size bed na napakalambot. Kulay pink ang kama niya dahil paborito niyang kulay iyon. Halos kulay pink rin ang karamihan sa mga gamit niya sa loob ng kanyang napakalaking kwarto. Dalawa lamang silang mag-kapatid ni Cody. Siya ang panganay na anak ni Kenjie Hoffman at si Cody naman ang bunso niyang kapatid. Dalawang taon ang tanda niya sa kanyang kapatid ngunit mas naunahan pa siya nitong makahanap ng mamahalin nito pang-habang buhay. Mukha kasing inlove na inlove na ang kapatid niya sa kasalukuyang nobya nito ngayon. Marami silang pagkakaiba ng kanyang kapatid. Magaling ito sa pagpapalawak ng negosyo ng kanilang pamilya samantalang wala siyang interest sa negosyo nila. She even gave all the rights to her brother. Tuwang tuwa nga siya dahil ipinamana ng kanyang daddy ang lahat ng business nila sa kanyang bunsong kapatid. Hihingan niya lang ito ng pera pag kailangan niya. She have her own business. Nangunguna ang business niya sa larangan ng fashion industry. Ang KARHOPPIE DRESS. Naging bilyonarya rin naman siya dahil pumatok sa mga tao ang kanyang mga damit. Isa siyang fashion designer at hinahayaan naman siya ng kanyang parents gawin ang kanyang nais gawin She have successful career already. Love life nalang talaga ang kulang sakanya. Her real name is Kendra Hoffman. Ngunit pinalitan niya iyon ng maging high school siya. Mas gusto niya ang kanyang pangalan na maging Karen Hoffman dahil iyon ang kadalasang itawag sakanya ng ulyanin niyang abuela. Mahal na mahal niya ang kanyang lola kaya naman pinakiusapan niya ang kanyang magulang na palitan ang kanyang pangalan. Pumayag naman ang mga ito dahil Karen na rin ang pangalan na itinatawag ng mga ito sakanya mula pa noong bata siya dahil na rin sa nakasanayan ng mga ito. "Ayoko na nga talaga ng blind dates pero ngayon gusto ko na ulit basta si Nathan ang ipa-blind date mo sakin bukas" Napangisi siya dahil sa kanyang sinabi. Muntik pa tuloy malaglag ang dalawang sliced cucumber na nakapatong sa mga nakapikit niyang mga mata Tumawa ng malakas si Pia at para bang aliw-na-aliw ito sakanya. "Sis naman tigilan mo na nga ang pagtawa diyan. Seryoso ako. Gusto ko talagang iset-up mo ako kay Nathan bukas na bukas rin! Kalerky! Napakagwapo naman kasi ng driver mo! Kailan mo pa siya naging driver? Bakit di mo sakin sinabing may gwapo ka palang driver--" "Hep hep isa isa lang ang tanong miss hoffman! Napaghahalataan ka naman masyado eh. I can't believe it. Pumasa sa panlasa mo ang driver ko? Well oo siguro sa physical na anyo pasadong pasado naman talaga si Nathan pero he is just a driver. Driver lang siya sis--" "I-I don't care. Kalerky ka Pia, Hindi naman ako tumitingin sa estado ng buhay eh--" "Really ha? Dati may pina-blind date ako sayo sabi mo ayaw mo sakanya dahil walang work? Kaya hindi ko na pinakilala sayo si Nathan agad dahil panigurado hindi naman siya papasa sa standards mo dahil driver lang siya" "Sira! Hindi ha! You got me wrong. Kaya ayaw ko dun sa dating ka-blind date ko dahil wala siyang work. Natatamaran ako sakanya. Pero iba naman si papi Nathan no. Driver siya ng anak ng isang sikat na senador ng Pilipinas kaya pasok parin siya sa standards ko. Nag tatrabaho siya ng marangal no!" Humagalpak sa tawa si Pia at para bang maiiyak na ito sa sobrang tuwa nito sa mahabang explenasyon niya "Stop it Pia! Seryoso ako!" Umupo siya sa kanyang kama dahil naiinis na siya sa pagtawa ng kanyang kaibigan. Nalaglag tuloy ang dalawang sliced cucumber sa kama niya mula sa kanyang mga mata Doon palang ito tumigil sa pagtawa. "Sorry sorry sis. Nakakatawa kasi eh. Kapag nahanap mo talaga yung gusto mo exempted talaga siya sa lahat ng standards mo ano?" Muli parin itong tumawa ngunit pinigilan lang nito iyon ng mahimigan na seryoso na siya "Good night na nga Pia--" "Fine fine my loves Karen! Oo na sige na iseset-up kita ng date mo bukas with Nathan. Okay na? Huwag kana magtampo ako nalang nga ang bestfriend mo eh" Napangiti na siya at halos umabot iyon hangang sa kanyang tenga. "Talaga?! Oh my gee! Thank you bestfriend! Super crush ko kasi siya. Mula kanina di na siya mawala sa isip ko." "God. Si Nathan lang pala ang need mo para mahanap mo ang papasa sa panlasa mo eh. Well, unang kita ko rin diyan kay Nathan nagulat ako sa sobrang gwapo eh. Pero siyempre hindi ko siya pwedeng maging crush dahil mahal na mahal ko yung asawa ko at anak ko no!" "Of course! Bawal ka magka-gusto sa papi Nathan ko. Sakin lang siya!" "Eww kadiri ka girl! Papi Nathan talaga?!" Sabay silang tumawa dahil sa kalokohan niya. "Basta i-promise mo sakin na mag-date kami bukas ha?" "Oo na! Promise!" (End of Flashback) Napapitlag si Karen ng kalabitin siya ng lalakeng nasa likod niya. Napabalik kasi ang isip niya sa pag-uusap nilang dalawa ni Pia kagabi kaya napatulala pala siya. "Miss Hoffman" Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso ng marinig niya ang boses nito. Unti unti siya lumingon at halos malaglag sa sahig ang panga niya ng makita niya kung gaano kagwapo ngayong gabi ang lalakeng ito. Hindi na ito nawala sa kanyang isip simula ng makilala niya ito kahapon. "H-Hi" Nakangiting sambit niya kahit kinakabahan siya. Kakaiba ang epekto ng lalakeng ito sa katawang lupa niya! Sinubukan niyang tumayo kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod. He is extra handsome tonight! Kahit hindi angkop ang suot nito sa fancy restaurant na iyon dahil nakasuot lang ito ng isang white hooded jacket at maong shorts na tinenohan lang nito ng white rubber shoes "Miss Hoffman. Can i talk to you outside?" Napalunok siya dahil seryoso ang boses nito at hindi man lang ito ngumiti sakanya Kinabahan siya. Bakit tila wala itong balak umupo sa upuan nito? "B-Bakit sa labas pa? M-Mag usap tayo dito habang kumakain tayo ng dinner. Have a sit--" "Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Wala akong oras sa ganito. I'm sorry" Napa-nganga siya sa sinabi nito at parang sinampal siya nito ng katotohanan na wala itong oras makipag-date sakanya. Hindi man lang yata ito nagandahan sakanya ngayong gabi kahit halos buong araw siyang tumambay sa salon para lamang sa blind date na ito. She's wearing a summer floral dress na talaga namang isa sa mga limited edition ng kanyang Karhoppie dress! Worth two million pesos lang naman ang dress na iyon. Minsan lang siya mag suot ng mga limited edition dress na gawa niya dahil nanghihinayang siyang isuot ang mga iyon Extra-effort rin siya sa pagpapaganda ngayong araw na ito para lamang sa dinner date nila ni Nathan! Ngunit ngayon ay sasabihin lamang nito sakanya na wala itong panahon sa kanya? Pasimple siyang humawak sa lamesa. Para kasing nawalan siya ng lakas sa pagiging prangka nito "W-What do you mean?" Lakas loob na tanong niya "I'm not into dating. Mag-sasayang ka lang ng oras sakin. Sinabi sakin ni Miss Pia na gusto mo raw ako. I'm sorry ma'am pero hindi kita gusto" Mas lalong siyang napahawak sa lamesa dahil parang matutumba na siya sa pagkakapahiya sa deretsahang pang-babasted nito sakanya! Yumuko ito ng bahagya bilang pag-galang bago ito tumalikod at iwanan siya sa loob ng restaurant! Mabuti nalang at inupahan niya ang buong restaurant para sakanilang dalawa lamang ni Nathan. Walang ibang tao doon bukod sakanya at mga empleyado ng restaurant Napa-upo siya dahil sa panghihina ng kanyang tuhod. Ngayon lamang may tumanging lalake sakanya! Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Ang akala niya pa naman ay magiging madali lamang niya itong magiging nobyo! Parang sirang plakang paulit-ulit umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabi nito. I'm not into dating. Mag-sasayang ka lang ng oras sakin. Sinabi sakin ni Miss Pia na gusto mo raw ako. I'm sorry ma'am pero hindi kita gusto I'm not into dating. Mag-sasayang ka lang ng oras sakin. Sinabi sakin ni Miss Pia na gusto mo raw ako. I'm sorry ma'am pero hindi kita gusto Napahawak siya sa sariling noo dahil sa pagkakapahiya niya. Napahiya siya sa kanyang one and only crush! Ngayon nga lang siya nagkaroon ng crush, ganito pa ang mangyayari? Napakamalas naman niya! Ang bilis ng t***k ng kanyang puso at parang maiiyak siya. Ganito pala ang pakiramdam ng mabasted?! Kahit nanginginig ang kanyang kamay ay nagawa niya paring tawagan ang best friend niyang si Pia Agad naman nitong sinagot ang kanyang tawag. "Hello bestfriend kong may bagong love life na. How's your date--" "Pia! Bakit mo sinabi kay papi Nathan na gusto ko siya?!" Putol niya agad sa pagsasalita nito. "Tinanong niya kasi ako kung bakit raw siya makikipag date sayo? I told him gusto mo siya at na-love at first sight ka sakanya" Napabuntong hininga siya "Why girl? Anong nangyari sa date niyo?" "Sabi niya ayaw niya sakin.." Mahinang sabi niya na para bang ang bigat bigat ng dibdib niya "What?!" Gulat nitong tanong Napalunok siya at parang gusto niya tuloy umiyak. "Wait wait wait. May lalake palang aayaw sayo? Jusko day! Baka naman bakla yan? O dikaya baka may asawa at anak na siya?" Lalo naman bumigat ang kanyang dibdib dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan Natahimik siya ng ilang segundo upang mag-isip "Girl? Nandiyan ka pa ba?" Tanong ni Pia sa kabilang linya "Itatanong ko kung bakit ayaw niya sakin. Hindi ako papayag na ganito lang ang mangyayari sa first love ko." "That's my girl! Go push mo yan! I will help you bestfriend. Nandiyan ka pa ba sa restaurant?" Tumango siya kahit hindi siya nito nakikita. Wala na kasi siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay heart broken siya "Huy Karen? Ano nandiyan ka pa ba sa restaurant?" Tanong ulit ni Pia sakanya "Yeah. Pero uuwi na rin ako--" "No! Huwag kang umuwi diyan ka lang muna. Sayang naman ang binayad mo sa buong restaurant no! Akong bahala sayo! Hintayin mo ako diyan!" Napabuntong hininga lamang si Karen. Ayaw na sana niyang hintayin si Pia dahil gusto na niyang umuwi at umiyak sa kanyang kwarto. Ngunit dahil sinabi nitong maghintay siya kaya naman wala siyang nagawa kundi hintayin ito Malungkot lamang siyang nakayuko sa kina-uupuan niya habang nakatitig siya sa kandila na nasa center table na unti-unti nang nangangalahati "Miss Hoffman" Napa-angat ang tingin ni Karen ng marinig niya ang boses ng lalakeng nanakit ng kanyang puso kani-kanina lamang! Parang tumalon tuloy ang kanyang puso ng mapatingin siya sa napakagwapong mukha ni Nathan As usual seryoso itong nakatingin sakanya at wala man lang iyong emosyon "A-Anong ginagawa mo dito?" Natatarantang tanong niya "This will be our first and last date ma'am. Sana malinaw sayo na wala akong panahon sa pakikipag-date." Napalunok siya ng umupo ito sa katapat na upuan niya. Gusto niyang kurutin ang kanyang sarili dahil baka nananaginip lamang siya ng gising! "B-Bumalik ka para ituloy ang date natin?" Napapakurap na tanong niya habang titig na titig siya sa gwapong lalake sa tapat niya Mas lalo itong gumagwapo habang tinititigan niya ito ng matagal. "Yes" Maiksing sagot nito "Kalerky..." Napapangangang sagot niya bago siya ngumiti ng husto sa sobrang saya niya Tumingin ito sa pambisig nitong orasan. "I only have thirty minutes" Napangiti parin siya ng matamis na ngiti dahil sapat na sakanya ang trenta minutos kaysa naman wala! "Waiter!" Nakangiting tawag niya sa waiter sa masiglang tono ng kanyang boses Para kasing sinaniban siya ng fighting spirit dahil sa pagbalik nito. Lumapit naman agad ang waiter sakanila upang kuhain ang order nilang pag-kain. Marami siyang inorder dahil siya na daw ang bahala kung ano ang gusto niya. Pagkatapos kunin ng waiter ang order nila ay umalis na rin ito. "P-Pinabalik ka ba ni Pia?" Nahihiyang tanong niya dahil nakatingin lang ito sakanya "No" Napakagat labi siya at muling napangiti Ibig bang sabihin bumalik ito dahil gusto siyang pag-bigyan nito??! "Bumalik ka para balikan ako" Kinikilig na sambit niya "Bumalik ako dahil naaawa ako sayo. Huwag mo na ulit gagawin to miss hoffman. Pasensya na po kung ayoko sayo" Nalaglag ang mga balikat niya dahil sa sinabi nito. Kailangan ba talagang ipagdikdikan nito sakanyang ayaw nito sakanya??? "Ouch" tabingeng ngiting sagot niya bago niya ininom ng deretso ang tubig na nasa baso niya "M-May asawa kana ba? Girlfriend? Kaya ayaw mo sakin?" Umiling ito at seryoso lang na nakatingin sakanya "W-Wala naman pala eh. Anong problema--" "Ayoko lang talaga sayo" May munting kirot siyang naramdaman sa kanyang puso. "Ouch naman papi Nathan. Give me a chance naman--" "Pasensya na po. You're not my kind of girl." Nais mapataas ng kilay niya. Sobrang rejection na talaga ang natatangap niya mula sa lalake Napansin niyang matalas itong magsalita ng english kahit pa driver lamang ito ni Pia "K-Kumain nalang nga tayo masyado kang straight forward kalerky..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD