bc

My Twin Brother's Girlfriend

book_age18+
9.1K
FOLLOW
71.8K
READ
opposites attract
comedy
sweet
city
office/work place
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

My Twin Brother's Girlfriend

Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay iyon na agad ang binungad sakanya ng kanyang kapatid.

Nais na raw ni Rowan na makipaghiwalay sa current girlfriend nito na si Angela. Dahil napakaboring nitong nobya ayon sa kwento ng kakambal niya. Hindi nga lang magawang saktan ni Rowan ang dalaga dahil kahit papaano raw ay may pinagsamahan ang mga ito sa loob ng dalawang taong relasyon.

 

"I don't love her anymore. She's so boring and too plain. Hindi man lang ako makahalik kahit sa kamay niya. Kaya please tulungan mo ko Rohan? Isang buwan lang. Unti-unti mo lang siyang hiwalayan para sakin. Hindi ko kasi siya kayang hiwalayan dahil ayokong makita kung paano siya masaktan sa break up na binabalak ko--"

"You're crazy. Ayoko nga" Balewalang tangi ni Rohan sa kanyang identical twin brother na si Rowan.

Natatawa lamang siya sa pabor na nais nitong ipagawa sakanya. Sa edad nilang bente otso ay napaka-isip bata pa rin nito. Happy go lucky ito sa Pilipinas samantalang siya ay bente anyos pa lamang siya noon sa bansang Europa ay namamayagpag na ang mga negosyo niya.

Marahil magkamukha nga sila sa physical na anyo ngunit magkaiba ang pagkatao nila ng kanyang kapatid. Wala itong inisip kundi ang maglaro ng computer games kaya madalas itong sermonan ng kanilang ama na si Ram Hoffman.

"Isang buwan lang Rohan. I cannot break her heart. Please do it for me."

Inilapag ni Rowan ang isang litrato ng magandang babae sa ibabaw ng kanyang office table.

"Bakit isang buwan pa? I can do it immediately--"

"No please. Don't break her heart too much. Mahalaga rin sakin si Angela. Dahan dahanin mo lang ang pakikipaghiwalay sakanya. That's it that's all"

"Kakaiba ka rin no? You want to break her heart slowly? Mas masakit yata yon" Natatawa pang tanong niya sa kanyang kapatid

"Just please do it? May utang na loob ka pa nga sakin diba? I saved your life long time ago--"

"Fine. Oo na gagawin ko na ang pinagagawa mo" Putol niya sa sinasabi ng kanyang kakambal dahil ayaw na niyang maalala ang pangyayaring tinutukoy nito

"Thanks! You're the best twin brother in the world!"

"Triplets tayo" Naiinis na pagtatama niya sa sinabi nito

"Babae naman si Ramona kaya di siya kasali sa plano ko" Tukoy nito sa babaeng kapatid nila

Tatlo silang ipinanganak na identical brothers and sister. Kung gaano sila kagwapo ay ganoon rin kaganda ang bunsong kapatid nila.

"Fine. I'll do it" Pang-sangayon nalang niya sa kakaibang pabor nito

Iniisip niyang madali lang naman ang nais ipagawa sakanya ni Rowan. Uunti-untiin lamang niyang hiwalayan ang nobya nito.

Ngunit hindi akalain ni Rohan na mabibihag ni Angela ang kanyang puso at unti-unti siyang napaibig sa dalaga. Para itong isang pinagbabawal na gamot na hindi niya kayang tigilan

Imbis na hiwalayan ito ay mas lumalim pa ang relasyon nila sa kanyang pagpapangap. Kung alam lang siguro ng kanyang kapatid kung gaano ito kasarap humalik ay paniguradong hindi nito ipapamigay sakanya ang nobya nito

Subalit ng malaman ni Rowan ang namamagitan sakanilang dalawa ni Angela ay nagalit ito ng husto at nais nitong bawiin muli sakanya ang girlfriend nito! Magagawa niya bang ibalik si Angela kay Rowan kung natutunan na niya itong mahalin ng totoo? Lalo na at nabuntis niya pa ito!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter One "Sir Rohan, Your twin brother wants to talk to you. Kanina pa po siya sa labas ng office niyo" Napangiti nalang si Rohan dahil sa tono ng boses ng kanyang sekretarya. Matanda na ito kaya't alam niya kapag nahihigh-blood na ito sa kanyang kapatid na makulit Ilang araw na kasi pabalik-balik si Rowan sa kanyang opisina simula ng umuwi siya sa Pilipinas. May kakaiba kasi itong pabor na hinihiling sakanya One crazy favor! Nais lang naman nitong magpangap siya bilang nobyo ng girlfriend nito para lamang makipaghiwalay? He's brother is too weak to do that. Kung ayaw na pala nito sa nobya nito edi despatsahin nalang nito? Ngunit tila may inaalagaang damdamin ang kapatid niya Ayaw nitong masaktan ng husto ang dalaga "Don't let him in. Marami akong tambak na trabaho ngayon Mrs.Flores" Utos niya sa matandang sekretarya niya sa kabilang linya "Copy boss" Naiinis na sagot ni Mrs.Flores sakanya bago niya ibinaba ang telepono "One ,two, three ,four ,five--bingo" Sinimulan ni Rohan ang magbilang ng limang segundo dahil alam niyang papasok parin ang twin brother niya sa loob ng kanyang opisina sapagkat matigas ang ulo nito Eksaktong pagkasabi niya ng numero singko ay iniluwa ng kanyang pintuan ang kanyang kapatid His identical twin brother Rowan Hoffman. Kahit saang angulo titigan ay magkamukhang magkamukha silang dalawa mula ulo hangang sa kuko nila sa kanilang paa. Kahit nga ang kanilang boses ay parehong pareho at walang pagkakaiba. Magkaiba lamang ang kanilang hairstyle dahil long hair ang kanyang kapatid na ipinupusod lamang nito samantalang clean cut naman ang gupit niya "Rohan naman bakit mo ko ipinagbabawal pumasok dito? Kung pumapayag ka na kasi sa hiling ko sayo edi sana hindi na kita kinukulit pa" Bungad sakanya ni Rowan pagpasok nito sa loob ng kanyang opisina Huminga siya ng malalim upang hindi siya matawa sa itsura nito. Mukha kasing napakalaki ng problema nito samantalang makikipaghiwalay lang naman ito sa nobya nito ay hindi pa nito magawa "Ayoko nga kasi gawin ang pinagagawa mo." "Please Rohan?" Lumapit pa ito sa center table niya at parang batang nagmamakaawa sakanya "Ilang araw palang ako dito sa Pilipinas at binibigyan mo nako agad ng problema Rowan. Imbis na asikasuhin mo ang mga negosyo natin panay pang-bababae ang inaatupag mo--" "I don't love her anymore. She's so boring and too plain. Hindi man lang ako makahalik kahit sa kamay niya. Kaya please tulungan mo ko Rohan? Isang buwan lang. Unti-unti mo lang siyang hiwalayan para sakin. Hindi ko kasi siya kayang hiwalayan dahil ayokong makita kung paano siya masaktan sa break up na binabalak ko--" "You're crazy. Ayoko nga" Balewalang tangi ni Rohan Natatawa lamang siya sa pabor na nais nitong ipagawa sakanya. Sa edad nilang bente otso ay napaka-isip bata pa rin nito. Happy go lucky ito sa Pilipinas samantalang siya ay bente anyos pa lamang siya noon sa bansang Europa ay namamayagpag na ang mga negosyo niya. Marahil magkamukha nga sila sa physical na anyo ngunit magkaiba ang pagkatao nila ng kanyang kapatid. Wala itong inisip kundi ang maglaro ng computer games kaya madalas itong sermonan ng kanilang ama na si Ram Hoffman. "Isang buwan lang Rohan. I cannot break her heart. Please do it for me." Inilapag ni Rowan ang isang litrato ng magandang babae sa ibabaw ng kanyang office table. "Bakit isang buwan pa? I can do it immediately--" "No please. Don't break her heart too much. Mahalaga rin sakin si Angela. Dahan dahanin mo lang ang pakikipaghiwalay sakanya. That's it that's all" "Kakaiba ka rin no? You want to break her heart slowly? Mas masakit yata yon" Natatawa pang tanong niya sa kanyang kapatid dahil hindi niya kayang seryosohin ang pabor nito "Just please do it? May utang na loob ka pa nga sakin diba? I saved your life long time ago--" "Fine. Oo na gagawin ko na ang pinagagawa mo" Putol niya sa sinasabi ng kanyang kakambal dahil ayaw na niyang maalala ang pangyayaring tinutukoy nito "Thanks! You're the best twin brother in the world!" "Triplets tayo" Naiinis na pagtatama niya sa sinabi nito "Babae naman si Ramona kaya di siya kasali sa plano ko" Tukoy nito sa babaeng kapatid nila Tatlo silang ipinanganak na identical brothers and sister. Kung gaano sila kagwapo ay ganoon rin kaganda ang bunsong kapatid nila. "Fine. I'll do it" Pang-sangayon nalang niya sa kakaibang pabor nito dahil ayaw na niyang kulitin pa siya ni Rowan at napapagod na rin ang sekretarya niya kaka-saway sa kapatid niya "Sabi ko na hindi mo ako matitiis brother! I'll give you her phone number. Ibibigay ko nalang pala sayo ang cellphone ko mismo ikaw na muna ang gumamit." Ikinuwento pa saglit ni Rowan sakanya ang mga ilang importanteng bagay na tungkol kay Angela Rodrigez. Katulad nalang ng numero ng address ng bording house nito. Taga probinsya daw ang pamilya ng dalaga kaya naman nagrerent lang ito sa isang boarding house sa sampaloc manila. Ayon sa kwento ni Rowan ay napakahinhin daw ng dalaga at mahiyain ito. Mabait naman daw ito at maasikaso kaya hindi ito magawang hiwalayan ni Rowan. "May iba ka bang babae Rowan kaya gusto mong hiwalayan si Angela?" Nagtatakang tanong niya habang nagkukwento parin ang kapatid niya Palagi kasi nitong sinasabi na hindi ito maka-score kahit halik man lang sa dalaga kaya naisip niyang naghahanap ng init sa ibang babae ang kapatid niya Ngumisi ito "Yes. Meron and she's wild. Ganoon ang gusto kong babae palaban sa kama. Hindi ko iyon magawa kay Angela dahil..." Napatigil ito sa pagsasalita bago ito bumuntong hininga "Dahil?" "Dahil ayaw niya. Sa tuwing susubukan ko tumatangi siya. Hindi pa raw siya handa sa mga ganoong bagay. Hangang sa nakasanayan nalang namin na hindi kami naghahalikan at hangang yakap lang ako sakanya. Hindi ko na matagalan pa ang ganong relasyon. Mahal ko siya pero lalake parin ako." "Siraulo. Mabuti pa nga hiwalayan mo nalang yung babae kawawa naman sayo eh. Dapat pasensiyoso ka kung mahal mo talaga" "Pero hindi ko na kaya eh gusto ko na yung ginagawa namin ni Bianca." Napabuga siya ng hangin sa inis sa kanyang immature na kapatid. "Fine. Gagawin ko na ang pinagagawa mo di ka na naawa sa girlfriend mo tss." "Naaawa nga ako kaya di ko kayang makipaghiwalay sakanya. Ikaw nalang ang gumawa para sakin please Rohan? Tatanawin kong malaking utang na loob ito katulad ng ginawa ko sayo noon--" "Cut it. You don't need to bring up that thing. Makakaalis kana Rowan dahil marami pa akong trabaho" "Mamayang alas-siete ng gabi sunduin mo siya sa pinagtatrabahuhan niyang bake-shop. Para hindi siya magtaka at hindi siya agad maghinala." Paalala pa sakanya ni Rowan kahit nasabi na nito iyon sakanya kanina "Oo na ang kulit mo" "Bye twin bro. Thank you talaga!" Todo ngiti itong lumabas ng kanyang opisina Napasandal nalang siya sa kanyang master's chair at napahilot sa kanyang sariling nuo. Sumasakit ang kanyang ulo sa walang kakwenta kwentang problema ng twin brother niya Napabuntong hininga siya bago siya napatingin sa isang litrato na nakapatong sa kanyang lamesa Kinuha niya iyon at pinagkatitigan Maganda ang babaeng nasa litrato. Makinis ang mukha, Matangos ang ilong, Mahaba ang pilik mata at mukhang malambot ang labi nito. Kung tutuusin ay artistahin ang mukha ni Angela. Bigla siyang nakaramdam ng awa para sa babae. Hindi nito deserve ang kapatid niya. Mabuti pa nga at hiwalayan na niya ito bilang si Rowan. Iniisip niyang madali lamang ang kanyang gagawin. Nang sumapit ang lunch time ay tahimik lamang kumakain si Rohan sa loob ng kanyang opisina. Palagi lamang siyang nag-oorder ng kanyang lunch dahil wala siyang talento sa pagluluto. Mag isa lamang siyang naninirahan ngayon sa kanyang bagong condo unit na kakabili pa lamang niya Sa Europe kasi ay mayroon siyang tatlong katulong na nagsisilbi sakanya. Balak pa lamang niyang kumuha ng katulong sa mga susunod na araw kung hindi lamang siya sobrang busy sa kanyang negosyo. Napatigil sa pagsubo ng sushi rice ball si Rohan ng tumunog ang kanyang cellphone. Ngunit cellphone pala iyon ni Rowan. Angela calling.. Nanlaki ang kanyang mata at di niya maiwasan kabahan ng mabasa niya ang pangalan ng taong tumatawag sa cellphone ni Rowan. Nais niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil ngayon palang ay tila kinabahan na siya. Uminom muna siya ng tubig bago niya sinagot ang tawag nito "Hello baby. Kumain kana ba? Anong lunch mo?" Napa-nganga si Rohan sa malambing na boses ng babae sa kabilang linya. Ngayon palang yata siya nakarinig ng ganoon kalambing na boses ng babae! He dated a lot of girls in Europe but her voice hits him differently. "Baby?" "A-Ah E--I mean yeah. I'm eating right now" Nauutal pang sagot niya kaya parang gusto niyang kutusan ang kanyang sarili "Oh. Mabuti naman baby para hindi ka nalilipasan ng gutom." "Y-Yeah. Thanks?" Wala siyang maisip sabihin dahil kinakabahan siya. Boses palang nito ay natataranta na siya. Marahil ay guilty lamang siya sa pagpapangap niya bilang si Rowan "Okay baby. Patapos na rin akong kumain." "Good for you?" "Ha?" Tila nagtataka na ito sa mga isinasagot niya "I-I mean good for you hindi ka nagpapalipas ng gutom" Napangiwi siya sa sinabi niya. He's not a sweet guy. Hindi siya malambing sa mga naging nobya niya noon kaya hindi siya sanay mag sabi ng mga ganitong bagay "Sige na baby matatapos na ang breaktime ko. I love you see you later" Napalunok si Rohan sa kanyang narinig. Should he say, he loves her too? Parang di niya yata kayang magsinungaling sa dalaga sa mahahalagang salitang iyon Para kasi sakanya ay hindi basta basta binibitawan ang salitang "I love you" o "Mahal kita" Kung hindi mo naman iyon totoong nararamdaman "Baby? I said i love you po" Pangungulit ng babae sa kabilang linya. Muli siyang napalunok at parang nais niyang murahin si Rowan. Mapipilitan pa tuloy siyang sumagot ng i love you too kahit hindi naman niya mahal ang dalaga "I--I I--I.." Hindi niya talaga kayang sabihin kaya napamura siya ng mahina "I have to go. Mamaya nalang susunduin kita bye.." Iyon nalang ang sinabi niya imbis na mag-i love you too pa siya sa dalaga. Tutal naman ay unti-unti niya itong kailangan hiwalayan diba? Napabuntong hininga si Rohan pagkatapos nilang mag-usap ni Angela. She seems like a sweet romantic girl. Kaya siguro nahihirapan si Rowan na makipaghiwalay dito. "Mukhang mahihirapan ako ah. I'll really kill you for this asshole." Napapailing na mura niya sa kanyang kakambal

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook