Chapter 2

1769 Words
Chapter 2 "Oy nakabusangot ka diyan?" Isang malalim na butong hininga ang naisagot ni Angela sa kanyang katrabahong si Maylene. Dalawa lamang silang empleyado ng isang maliit na bakeshop na iyon sa sampaloc manila. Walking distant lamang ang bakeshop nila papunta sa kanilang boarding house. Pinsan niya ito sa side ng kanyang ama kaya naman pareho ang kanilang apilyedo. She is Angela Rodrigez, Twenty five years old. Isang simpleng probinsyana na napadpad sa maynila dalawang taon na ang nakakalipas. Dinala siya ni Maylene sa maynila upang alokin siya nito ng magandang trabaho kahit pa hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay nasa minimum wage ang sahod nila kaya naman tinangap na niya iyon kaysa naman sa kanyang trabaho noon sa kanilang probinsya bilang labandera. Marami siyang kapatid na mga musmos pa lamang dahil kung sino sino ang naging asawa ng kanyang ama simula ng pumanaw ang kanyang ina noong bata pa lamang siya "Malungkot ka nanaman dahil diyan sa walang kwenta mong nobyo no?" Tanong pa ni Maylene sakanya dahil nahahalata nito ang lungkot sa kanyang mga mata Ngumiti lamang siya ng isang malungkot na ngiti "N-Nag i love you kasi ako sakanya hindi man lang sumagot. Pakiramdam ko malapit na siyang makipaghiwalay sakin--" "Aba mabuti nga kung ganoon! Para makalaya ka na diyan sa nobyo mong yan. Ikaw lang naman ang nagtitiwala sa lalakeng yan eh." Mainit ang dugo ni Maylene sa kanyang nobyo na si Rowan mula noon pa man. Nararamdaman daw kasi ng pinsan niya na may kakaibang ugali ang binata. Idagdag pa raw na ubod ito ng kagwapuhan kaya't paniguradong milyon milyong babae ang kinakasama nito sa tuwing hindi niya ito kasama "Mabait naman si Rowan--" "Mabait ba yon? Isang beses sa isang buwan ka lang ideyt?--" "Sinusundo naman niya ako araw araw dito sa trabaho natin" Depensa niya sa kanyang nobyo "Aysus. Oo nga sinusundo ka niya dahil tatlong kanto lang naman ang layo ng boarding house natin mula dito sa bakeshop hindi ba? At pagkatapos araw araw ka rin niya pinipilit makipaghalikan o makipag s*x sakanya--" "Shhhh. Maylene huwag mong lakasan ang boses mo" Namula siya ng husto sa sinabi ni Maylene "Mabuti na nga lang at dalagang pilipina ka kaya't hindi nakakascore sayo ang bwisit na yun" "Huwag ka naman ganyan kay Rowan. Nauunawaan ko naman siya dahil dalawang taon na ang relasyon namin ngunit kahit halik sa pisngi ko ay hindi ko pa maibigay sakanya" Nalulungkot niyang sambit "Aba natural lang iyon dahil deserve niyang mag-hintay saiyo. Dahil siya ang kauna-unahang nobyo mo no kaya dapat lang siyang maghintay sayo kung mahal ka talaga niya edi sana ayain ka niyang magpakasal" Napabuntong hininga siya. Pareho kasi sila ng patakaran ni Maylene. They want to get married first before they give in. Bago nila ibigay ang kanilang pagkabirhen ay nararapat lamang maging asawa muna nila ang kanilang mga nobyo. Naniniwala kasi sila sa ganoong paniniwala. Ngunit sa tingin ni Angela ay mawawala ang nobyo niyang si Rowan kung magpapatuloy siya sa kaniyang paninindigan. Natatakot siyang sumuko ang binata at iwanan siya. "Teka nga muna Angela, Bakit parang nararamdaman kong binabalak mo ng magpahalik at magpa-gamit sa lalakeng iyon? Aba mag isip ka muna dahil sa panahon ngayon napakaraming mga lalake ang manloloko! Gusto lang nila maka-score sa ating mga babae" Napalunok siya Kilalang kilala talaga siya ng pinsan niya. Alam nito kung ano ang kanyang iniisip kahit pa wala siyang sinasabi kahit isang salita. Mula pagkabata pa lamang nilang dalawa ay magkadikit na silang dalawa ni Maylene. Pareho silang mga simpleng probinsyana na narito ngayon at nakikipagsapalaran sa maynila. "N-Natatakot kasi ako Maylene. Baka isang araw magising nalang ako na wala na si Rowan at iniwan na niya ako dahil hindi niya na nahintay ang tamang panahon--" "Gaga with capital letters! Matakot ka kung isang araw magising kang buntis kana at tinakbuhan ka ng Rowan na yun no." "H-Hindi naman siguro Maylene" "Itaga mo sa bato Angela. Kilala ko ang kilatis ng lalakeng iyon. Huwag ka kasing magbulagbulagan" Hindi nalamang sumagot si Angela dahil hindi naman siya papayagang manalo ni Maylene. Isa pa mayroon rin namang punto ang pinsan niya. Nang sumapit ang kanilang oras ng uwian ay nauna ng nagpaalam si Maylene sakanya pauwi sa kanilang boarding house. Nauuna ito dahil ayaw nitong maging third wheel sakanilang dalawa ni Rowan. Buong araw yata siyang malungkot simula ng matapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Rowan kaninang tanghali ng tawagan niya ito Mabigat ang loob niya dahil tila pinararamdam na ng binata sakanya ang nalalapit nitong pakikipaghiwalay sakanya at nais na nitong putulin ang ano mang relasyong mayroon sila sa higit kumulang na dalawang taon Nakilala niya si Rowan sa isang mamahaling restaurant kung saan inilibre lamang sila ng kanilang among chinoy. Ito ang may ari ng bakeshop na pinagtatrabahuhan nilang dalawa ni Maylene. Mabait sakanila ang matandang chinese kaya't tuwing anibersaryo ng bakeshop ay nililibre sila ng matanda sa isang mamahaling restaurant kasama ang buong pamilya nito Doon niya nakilala si Rowan. Pinulot nito ang kutsarang nalaglag mula sa kaniyang lamesa dahil hindi siya sanay sa pag gamit ng ibat-ibang uri ng kutsara. Iyon na rin ang naging simula nang pakikipagkaibigan nito sakanya hangang sa nanligaw ito na agad naman niyang sinagot ng isang matamis na oo makalipas ang tatlong buwan nitong panliligaw sakanya. Noong una ay iniisip niyang nachallenge lamang siguro ang binata sakanya dahil hindi agad siya bumibigay sa karisma nito. He is the most handsome man she have ever met. Kaya bilib rin siya sa tatag ng kanyang pagtitiis upang hindi bumigay sa mga pagpupumilit ni Rowan sakanya makahingi ng isang halik mula sakanya Kung noong una ay nakakatiis pa ito marahil ngayong dalawang taon na ang kanilang relasyon ay paniguradong nagsasawa na itong maghintay sa kanyang pagpayag kahit halik lamang Natatakot kasi siyang makaranas ng halik dahil ang sabi sakanya ng kanyang inay noon, oras raw na may isang lalake ang humalik sakanyang labi ay panigurado daw na hahanap hanapin niya iyon at mauuwi lamang siyang ipinagkakaloob ang kanyang sarili sa maling panahon at pagsisisihan niya raw ang tamis ng unang halik na kanyang mararanasan Subalit ngayon ay parang nais na niyang pagbigyan si Rowan kahit halik lamang upang huwag itong mawala ng tuluyan sakanya Iniligpit na niya ang kanyang mga gamit. Sampung minuto ng late si Rowan sa pagsundo sakanya kaya medyo kinakabahan siya Susunduin pa ba siya nito? Napangiti nalang si Angela ng makatangap siya ng isang text message mula kay Rowan dahil nawala ang kaba sa kanyang dibdib From Baby : I'm outside Kahit papaano ay natuwa siya. Hindi naman kasi nito ugaling mag text sakanya sa tuwing sinusundo siya nito. Lately nga ay napapansin pa niyang palagi itong nakasimangot at tila nawawalan na ito ng ganang sunduin siya. Pagkatapos siyang ihatid nito sa tapat ng kanyang boarding house ay aalis na ito ng nakasimangot. Paano ay wala naman itong napapala mula sakanya kahit isang halik sa pisngi Pakiramdam niya tuloy ay masyado na siyang nagiging madamot para sakanyang nobyo Nagwisik muna siya ng kaunting baby cologne sa kanyang leeg. Bago siya lumabas ng bake shop ay sinugurado muna niyang nalock na niya ang lahat ng dapat niyang isarado. Pinatay na rin niya ang lahat ng ilaw at switch ng mga kuryente sa buong bakeshop bago siya lumabas Napahinto siya ng makita niya si Rowan na nakatayo sa harapan ng bakeshop habang nakasandal ito sa isang itim na tesla car. Napa-awang ang kanyang bibig ng makita niya kung gaano ito kagwapo sa mga oras na iyon! Bagong gupit ang buhok nito at bagay na bagay rito ang clean cut nitong gupit! Ilang beses siyang napalunok ng matitigan niya kung gaano ito kagwapo. Ngayon lamang nito napatibok ng ganito kabilis ang kanyang puso na para bang lalabas na iyon mula sa kanyang dibdib Kakaiba rin ang tingin nito sakanya. Pakiramdam niya ay inalisa nito ang buong itsura niya mula sa kanyang suot na lumang rubber shoes, hangang sa kanyang bakeshop uniform at tumagal ang titig nito sa kanyang mukha. Ngayon lamang siyang tinitigan ng ganoon ni Rowan at may hatid iyong kiliti sa kanyang buong katawan "N-Nagpagupit ka baby?" pinilit niyang ngumiti ng matamis ng makabawi siya sa bagong itsura ng kanyang nobyo Ilang beses niya itong kinulit noon na magpagupit ito ng buhok ngunit ayaw nito. Mas gusto raw nito ang mahabang buhok. "Yeah" Maiksing sagot nito Napalunok siya "B-Bago rin ang kotse mo?" Tanong pa ulit niya ng mapansin niya ang kotse nitong sinasandalan ay hindi ang luma nitong sasakyan na kulay pula "Yeah" Maiksi parin nitong sagot sakanya Bigla niyang naisip na baka nga pinaplano na nitong hiwalayan siya sa gabing iyon. Hindi ba't ang mga tao raw na nagpapagupit ng buhok ay handa ng putulin ang nakaraang buhay upang magbagong buhay? Binundol ng kaba ang kanyang puso. Hindi niya kakayanin kung makikipaghiwalay sakanya si Rowan Nagpalit ito ng kotse at kakaiba na rin ito manamit ngayon. Naka-formal suit ito na para bang galing ito sa opisina. Ngunit sa pagkakaalam niya ay wala namang trabaho ang nobyo niya? "B-Bakit ganyan ang suot mo ngayon Rowan? Parang ang pormal naman yata galing ka ba sa trabaho?--" "Yeah--" "Kailan pa?" Saglit itong natigilan at tila nag isip "I mean kailan ka pa nagkaroon ng trabaho? Bakit hindi mo sakin nababangit?" He cleared his throat before answering her question "Kanina lang. Napag-isip isip kong mas mabuti kung may trabaho ako kaysa umaasa ako sa daddy ko" Seryosong sagot nito Napangiti siya sa isinagot nito. Parang nadinig ng langit ang kanyang mga dasal. Dinarasal niya kasi na maging responsable na ang kanyang nobyo. "Nakakabilib ka naman baby! Congratulations!" Masayang sambit niya bago siya tumakbo upang yakapin ito ng mahigpit Naramdaman niyang saglit ito natigilan sa kanyang ginawa "Masaya ako para sayo baby. Mabuti naman at naisipan mo ng magtrabaho." Kumalas siya sa pagyakap kay Rowan dahil naramdaman niyang hindi siya niyakap pabalik ng binata Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata. Seryosong seryoso ang gwapong mukha nito na nakatitig sa kanyang mukha "I have something to tell you." Parang kumalabog ng husto sa kaba ang puso niya. Makikipaghiwalay na ba ito? Parang gusto na niyang maiyak sa mga sandaling iyon habang nakatitig ito sakanyang mga mata. "Let's have dinner first. Doon ko sasabihin sayo ang gusto kong sabihin" Pormal nitong sabi sakanya Bahagya pa siyang inilayo nito ng kaunti dahil magkadikit parin ang kanilang mga katawan habang nakatingala siya sa kanyang nobyo Hinawakan nito ang kanyang magkabilang balikat upang ilayo siya ng kaunti Nasaktan siya sa ginawa ni Rowan. Tila naiilang itong yakapin siya. Marahil nagsasawa na ito dahil yakap lamang ang naibibigay niya mula pa noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD