Chapter 3

2114 Words
Chapter 3 Habang nagmamaneho si Rohan ay panay ang sulyap niya sa babaeng tahimik lamang na nakaupo sa kanyang passenger side. Mukhang nararamdaman na nito ang pinaplano niyang gawin sa gabing iyon. Dahil kanina pa ito walang imik. Sinabi rin kasi sakanya ng kanyang kapatid na si Rowan na pinararamdam na raw nito ng paunti unti ang pagkawalan ng gana sa dalaga Aaminin niyang nagulat siya ng makita niya ito sa personal. Mas maganda ito sa personal kaysa sa litratong ibinigay sakanya ni Rowan. Yes, he dated a lot of beautiful girls in Europe but Angela's beauty is simply stunning. Namangha parin siya ng kaunti sa taglay nitong kagandahan. Kaya pala nagkagusto ang kapatid niyang si Rowan dito kahit na isang simpleng babae lamang ito. Kinagulat niya rin ang height nito. Maliit ito kumpara sa mga ex-girlfriend ng kapatid niya. Matatangkad na babae ang tipo nilang dalawa ng kanyang kakambal simula pa noon She's probably 5'2. Maliit ito para sakanya. Pero sa tingin niya mas nakadagdag pa iyon sa karisma ng dalaga. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang mawala sa kanyang isip ang anumang iniisip niya tungkol kay Angela Bakit niya ba pinupuri ang magagandang katangian nito? Pinili nalang rin niyang huwag magsalita habang nagmamaneho siya patungo sa isang restaurant. Doon niya balak sabihin sa dalaga na nakikipaghiwalay na siya dito bilang si Rowan. Dahil ayaw na niyang patagalin pa ang walang kwentang pabor na hinihiling sakanya ng kanyang kakambal He wanted to finish Rowan's mess. Ayaw na niyang mag-aksaya ng oras sa kalokohan ng kanyang kapatid. He is a busy person at wala siyang oras para gumanap na nobyo ng dalagang katabi niya "B-Baby saan tayo kakain?" Basag nito sa katahimikan nilang dalawa Kahit ang boses nito ay napakalambing pakingan. Iyon siguro ang nagustuhan ng kanyang kapatid sa babaeng ito. "In Oriental" Maiksing sagot niya habang nakatuon lamang sa daan ang kanyang paningin Hindi na ito nagsalita pa ngunit pakiramdam niya ay nakatingin ito sakanya sa mga oras na iyon Bahagya tuloy siyang na-consious sa kanyang itsura. May dumi ba siya sa mukha? O baka naman nahahalata na nito ang pagkakaiba nila ng kanyang kapatid? Ang sabi kasi ng kapatid nilang babae ay mas gwapo daw siya ng isang daang paligo kay Rowan. "Why are you looking at me?" Hindi niya mapigilan sitahin ito sa ginagawa nitong pagtitig sakanya "W-Wala lang baby. K-Kinakabahan lang ako sa anumang nais mong sabihin saakin" Pag-amin nito sa tunay nitong nararamdaman Sinundot tuloy siya ng kanyang konsensya. Parang gusto niyang kutusan ang kapatid niyang si Rowan dahil sa pinagagawa nito sakanya. Naaawa siya sa babaeng katabi niya. She doesn't deserve to be treated like this. Pakiramdam niya kasi ay mabait naman ito at malambing pa. Kanina nga ng yakapin siya nito ay saglit siyang nagulat. Malambot ang katawan nitong naghumapit sa kanya. Kung nagkataon nga lang na hindi ito nobya ni Rowan ay baka nakipagkilala pa siya sa dalaga bilang si Rohan. Medyo type niya kasi ang kagandahan nito kahit pa napakasimple lamang. Ngunit siyempre ay hindi naman niya ito pinag-iinteresan dahil wala siyang panahon makipaglandian sa ngayon sa dami ng kanyang tambak na trabaho at isa pa hindi rin matutuwa si Rowan sakanya kung liligawan niya ang babaeng ito Nang makarating sila sa parking ng Oriental restaurant ay pinagbuksan niya ito ng pintuan. Tila nagulat pa nga ito sa ginawa niya Hindi ka ba pinagbubuksan ng pintuan ni Rowan? Tss -- Nais niya sanang itanong sa dalaga "T-Thank you baby." Nahihiyang pasasalamat nito sakanya Isang simpleng tango lamang ang kanyang isinagot Umabistre ito sa kanyang braso habang sila ay naglalakad patungo sa loob ng restaurant. Ikina-ilang niya iyon dahil kakakilala niya palang sa babaeng ito at hindi siya sanay na nagkukumunyapit ito sa kanyang braso lalo na't lalake parin siya. May kakaibang init ang epekto sakanya ng pagkapit nito sa kanyang braso Ngunit hinayaan nalang niya ito dahil pinaalala niya sa kanyang sarili na nagpapangap nga pala siya bilang kanyang kakambal at bilang nobyo nito. Natural lang na kumapit ito sa kanyang braso "Good evening Ma'am and Sir. This way please," Salubong sakanila ng isang staff ng reataurant na iyon Napahinto sa paglalakad ang babaeng naka-kapit sa braso niya kaya napahinto rin siya Tila nag-aalangan na itong pumasok sa loob ng restaurant ng makita nitong isang fine dinning resto ang pinasukan nila Mga kilalang personalidad at miyembro ng mga mayayamang pamilya sa buong pilipinas lamang ang nakakapasok sa mga ganoong restaurant "B-Baby hindi mo naman sinabi saakin na kakain tayo dito. Nakakahiya ang suot ko. Naka-uniform lang ako--" "It's okay. You look fine to me" Putol niya sa sinasabi nito Totoo naman iyon. Kahit ano pa yatang isuot nito ay maganda parin ang dalaga. Hindi na iyon maalis kahit pa mag-suot ito ng basahan ay paniguradong lulutang parin ang kagandahan nito Hey here you go again! Bakit mo ba siya pinupuri? -Naiinis na sita ni Rohan sa kanyang sarili. "S-Sigurado ka ba baby? Nahihiya kasi ako. Kung gusto mo doon nalang tayo sa boarding house kumain dahil nagluto naman ako kaninang umaga ng ulam--" "No. I already reserved a table for us." Masungit niyang putol muli sa sinasabi nito kaya naman natigil na ito sa pagrereklamo Nakayuko nalang itong naglakad habang naka-kapit parin ito sa kanyang braso. Hangang sa makaupo sila sa kanilang lamesa ay nakayuko parin ito. "Bakit ka nahihiya, You're way much prettier than the girls inside this restaurant" Shit. Damn Nais putulin ni Rohan ang kanyang dila sa mga sandaling iyon dahil kusang lumabas mula sa kanyang bibig ang papuri para kay Angela Is he flirting with her? Sabay pa silang pinamulahan ng pisngi ng dalaga. Nag-iwas nalang siya ng kanyang tingin sa magandang mukha nito na halatang walang bahid ng kolorete sa mukha stop it Rohan. Damn - Pagsaway niya sa kanyang sarili Hindi niya kasi maiwasan purihin ang kagandahan nito. Iyon bang mas tumatagal niya itong tinitignan ay mas lalo itong gumaganda sa paningin niya Lalo na ngayon ay nakikita na niya ang tunay nitong kagandahan dahil sa mga ilaw ng restaurant. Kanina kasi ay medyo madilim sa tapat ng bakeshop nito kaya mas malinaw na niyang nakikita ang tunay nitong ganda I said stop it - Muli niyang sita sa sarili niya "Thank you baby. Ngayon mo lang kasi ako dinala sa ganito kaya naninibago ako." Hindi na siya kumibo. Parang ayaw na nga niyang magsalita dahil baka mapuri nanaman niya ito ng wala sa oras Ibinaling nalang niya ang kanyang paningin sa menu list upang mamili ng mga kakainin nilang dalawa. Siya na raw kasi ang bahala sa kakainin nito dahil hindi naman daw ito maselan pagdating sa pagkain. Lahat raw ng pagkain ay kinakain nito. Hindi niya tuloy maiwasan magisip ng berde. Does she eat long sausage too? - Parang gusto niyang batukan ang sarili dahil sa kalokohang pumasok sa isip niya. Mukha pa namang inosente ang babaeng kaharap niya dahil ang sabi sakanya ni Rowan ay kahit halik lang daw sa pisngi ay hindi pa nito nagagawa sa dalaga Nang dumating ang kanilang order ay nagulat pa ito sa dami ng kanyang inorder na pagkain. He ordered a lot, dahil mukhang gutom na ang dalaga. Halata ring pagod ito sa maghapon na pagtatrabaho "B-Bakit ang dami mo namang inorder baby?" Nagtatakang tanong nito "Hindi ko alam kung anong gusto mong pagkain kaya inorder ko nalang lahat" Balewalang sagot niya bago siya nagsimulang kumain Napalunok ito at tila mangiyak-ngiyak na "P-Parang bibitayin ako." Napatingin tuloy siya sa dalaga dahil garalgal na ang boses nito. Mukhang iiyak na ito anumang sandali. Nataranta tuloy siya dahil napapatingin na sakanila ang ibang customer ng restaurant na iyon. "H-Hey bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong niya ngunit halos ibulong niya lang iyon sa sobrang hina ng kanyang boses Napasinghot ito. "Dati pangarap kong dalhin mo ako sa ganitong restaurant pero parang ayaw mo. Pero ngayon kinakabahan ako, masyado kang mabait sakin mula pa kanina, Ipinagbuksan mo ako ng pinto ng kotse mo, ngayon naman dinala mo ako sa restaurant na ganito at hinainan ng masasarap na pagkain. Natatakot ako. Para mo akong bibitayin. Nararamdaman kong makikipaghiwalay ka na sakin sa gabing ito pagkatapos nating kumain.." Panay ang tulo ng luha nito habang nakatingin sakanya Parang kinurot tuloy ng konsensya ang kanyang puso. Nais niyang lapitan ito at pakalmahin ngunit para saan pa? Hindi ba't totoo namang iyon ang nais niyang gawin? Iyon ang nais ipagawa sakanya ni Rowan "I'm sorry. Kumain kana muna Angela." Tahimik itong umiiyak ng magsimula itong kumain. "Kung hindi lang ako nagugutom hindi ko kakainin ito.." Sambit pa nito habang patuloy sa pag-daloy ang mga luha nito. Nais niyang pangiti dahil napakalakas palang kumain ng dalaga. Kahit pa masama ang loob nito ay nakukuha parin nitong kumain ng marami. He couldn't help but be amazed by this girl infront of him. Halos lahat ng putahe ay tinikman nito. Halos maubos nga nito ang chicken wings na inorder niya. Umiiyak pa yan sa lagay na yan - Natatawa si Rohan sa loob loob niya habang pinagmamasdan ang magandang babae sa harap niya. Kumakain ito ng masagana habang masagana ring umaagos ang luha nito Hindi niya mapigilan ang sarili sa kanyang sumunod na ginawa. Tumayo siya at dinukot niya ang kanyang panyo sa bulsa ng kanyang black slacks bago siya lumuhod sa harap nito upang punasan ang mga luha nito Napa-nganga ito at napatigil sa pagkain sa kanyang ginawa bago ito napatitig sakanyang mukha. Saglit na nagkatitigan ang kanilang mga mata at parang doon palang niya narealize ang ginawa niya. Tumayo agad siya at bumalik sa kanyang inuupuan "Pinupunasan mo pa ang luha ko eh papa-iyakin mo rin naman ako mamaya" Napangiwi siya ng kaunti sa sinabi nito. Napakamot nalang tuloy siya sa kanyang kilay. Sa totoo lang ayaw niyang nagpapaiyak ng mga babae. Ang huli niyang nobya na si Sandra ay hiniwalayan niya ng maayos ng malaman niyang may iba pa itong nobyo bukod sakanya. Isa itong modelo sa Europe na naka-relasyon lamang niya sa loob ng tatlong buwan. Nang matapos silang kumain ay ipinabalot pa ni Angela sakanya ang mga natirang pagkain nila. Ipapamigay raw nito ang mga iyon sa boardmates nitong panay babae. Pitong babae raw ang nakatira sa iisang boarding house na iyon at may kanya kanyang silid ang mga boarders ayon sa ibinigay na information sakanya ni Rowan "About what i'm going to tell you" Parang nahihirapan tuloy siyang sabihin ang pakay niya Napaka-amo kasi ng mukha ng dalaga habang nakatingin sakanya. Kung siya ang tatanungin ay hindi niya ito nais saktan sa gagawin niya. Kung siya si Rowan at may ganito siya kagandang nobya ay aalagaan nalang niya ito at mamahalin kahit pa hindi ito nagpapahalik. Napakatanga rin talaga minsan ng kapatid niya. Bakit hindi nalang ito naghintay ng tamang panahon maging handa ang dalaga sa pakikipaghalikan? Mukhang worth it naman ang paghihintay sa mga labi nito dahil napansin niyang mukhang kissable iyon. Kumbaga ay malambot iyon na mukhang masarap sipsipin. Ipinilig niya ang kanyang ulo at iniwasan na niyang mapatingin sa malambot at natural na mamula-mula nitong labi "Makikipaghiwalay kana sakin?" Malungkot na tanong nito habang sinasalubong nito ang kanyang paningin Napa-inom tuloy siya ng red wine na nasa kanyang wine glass. Kahit hindi naman siya ang tunay na nobyo nito ay tila nakokonsensya parin siya "Y-Yeah" Maiksing tugon niya Napakagat labi ito upang pigilan ang mapahikbi. Ngunit isa isa nanamang nagpatakan ang mga luha mula sa mga mata nito "Ihatid mo na ako sa boarding house Rowan dahil wala akong pamasahe pauwi" Napalunok siya Ganoon lang iyon? Hindi ba ito mag-mamakaawang huwag niya itong hiwalayan? Bakit parang nanghinayang siya? Ibig bang sabihin ay ito ang una-at huling beses niyang makakasama ang magandang dalagang ito? "O-Okay" Naguguluhan sa sariling tanong ni Rohan. Nais niyang magtaka kung bakit parang nanghihinayang siya. Hindi bat dapat ay masaya siya dahil natapos na niya ang ipinagagawa sakanya ng kanyang kapatid ng walang kahirap hirap? "Salamat sa paghatid sa akin" Pasasalamat ni Angela sakanya ng makarating sila sa tapat ng boarding house nito. Buong biyahe silang tahimik at panay lamang ang mahihinang hikbi nito. Nais niya sanang bawiin ang pakikipag-break niya dito ngunit para saan pa? hindi naman siya si Rowan. Pinaalala niya sa kanyang sarili na hindi naman siya ang tunay nitong nobyo. Ngunit bakit tila nalungkot rin siya? "Sumama ka sakin sa itaas. Isasauli ko sayo ang lahat ng mga ibinigay mo sakin Rowan." Napanganga siya sa sinabi ni Angela Tama ba ang narinig niya? Pinapa-sama siya nito sa loob ng boarding house nito? Tatangi sana siya ngunit nakalabas na ng kanyang kotse ang dalaga. Nauna na itong pumasok ng boarding house. Damn. Napalunok siya. Ano ba itong napasukan niyang kalokohan ni Rowan? Mapapasubo pa yata siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD