Chapter 12 : Bait

1177 Words
Megan Point of View "Hindi matutuwa si Boss Czar kapag nalaman niya na may iba kayong kasalo sa hapag, Madam." iyon ang sabi sa akin ni Vonte nang umalis na si Ryuu. Bukas pa kasi ang opisyal na pagsisimula niya sa trabaho. "Kung gano'n, sabihin mo sa asawa ko na magpakita na siya sa akin. Siya ang lulutuan ko, siya ang magiging kasalo ko." malamig na boses na sabi ko sabay tingin kay Vonte. Napabuga lang ng hangin ang lalaki. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Napangisi ako, "Kinausap mo ako sa eroplano bago tayo pumunta rito, Vonte, umasa ako na makikita ko siya pagtuntung ko rito. Pero. . . nabigo lang ako. Umasa ako at nadismaya." hindi mapigilang sumbat ko. Yumuko ang lalaki, hindi matignan ang mga mata ko. Uminit ang mata ko at nanubig. Huminga ako ng malalim upang pigilan ang pagluha. "Pagod na ako. Aakyat na ako." paalam ko sa lalaki at nilagpasan na siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matapos kong maglinis ng sarili ay agad akong nahiga sa kama. At gaya ng una kong araw rito, hindi na naman ako nakatulog ng maayos. Kinabukasan, hindi ko alam pero maganda ang gising ko kahit na pangit ang pagtatapos ng araw ko. Ngayon kasi ang simula ng trabaho ni Ryuu bilang guard ko! Pero sabi niya sa labas lang eh. . . Kapag nandito lang ako sa loob ng bahay ay hindi ko siya makikita at makaka-usap. Pero pwede ko naman siya imbitahan? Kailangan kong gumawa ng paraan para magkausap at mas makilala ko pa si Ryuu. Kailangan ko siyang mahuli. Nagbihis ako ng sundress at nag-slippers lang ako. Gusto ko ulit maglakad lakad sa dalampasigan tuwing umaga. Hindi pa masyadong nakakapaso ang init ng araw. "Saan ka pupunta, Madam?" tanong ni Vonte. Nagulat ako dahil hindi ko siya napansin. "Ikaw? Saan ka pupunta?" tanong ko. Kita kong bihis na bihis siya, mukhang may importanteng lakad. "I'm sorry to inform you, Madam, but I will leave now. Gigisingin pa lang sana kita para sabihin pero mukhang mas nauna pa kayong gumising sa akin." imporma nito. Tinignan niya pa ang pustura ko bago siya muling nagsalita. "Kailangan ako ni Boss Czar sa Italy," "Okay." sabi ko lang. "Mr. Yniguez will be on your side full time. Diyan sa may cabin siya maninirahan." "Is it okay to my husband that you will leave me here? Alone? Alone with a man?" tanong ko, hindi makapaniwala. Gano'n kalaki ang tiwala niya kay Ryuu? O baka siya talaga si Ryuu? O baka naman personal silang magkakilalang dalawa kaya gano'n na lang kalaki ang tiwala ni Czar sa kaniya? Pero sabi ni Ryuu ay hindi. Baka nagsinungaling siya? Pero bakit naman? Napukaw ang pag-iisip ko nang magsalita uli si Vonte. "Yes. And you said that he's a friend of yours. And Mr. Ryuu Keir Yniguez is a man with principle and a professional. My boss trust him." may kompyansang sabi niya. Hindi ko alam kung madidismaya ako o matutuwa. Aalis si Vonte kaya malaya kong masusuri si Ryuu pero hindi ang pag-alis niya ang hinihintay kong balita, gusto kong sabihin niya na darating na si Czar. . . Nawalan ako ng ganang lumabas at nanatili sa bahay. Hihintayin ko na lamang si Ryuu rito. Nasa tabi ng bahay ang isang cabin, hindi siya kasing garbo ng cabin talaga pero presentable naman. Hindi naman nagtagal nang dumating siya. Nakasilip kasi ako. "Good morning, Ryuu!" bati ko sa lalaki at sinalubong siya. "Morning." bati niya nang may ngiti sa labi. Luamaba ako ng bahay at naglakad lang ng kaunti bago nakarating sa cabin na pagmamay-ari ng asawa ko. Naglakad si Ryuu papunta sa cabin kaya naman sinundan ko siya. Walang hiyang pumasok ako sa loob at naupo sa sofa. Pinanood ko siyang naghakot ng gamit niya at ipinapasok rito. "My husband really trusted you, huh." sabi ko sa lalaki. Ngayon, pinapanood ko na siyang nag-aayos ng gamit niya. "If he really is, he's gonna give a room inside your home." sabi naman ni Ryuu. Natawa ako. Then my eyes fell on the bed. Bigla akong nakaramdam ng antok. Umupo ako sa gilid ng kama at saka tinanggal ang sandals na suot at nahiga sa kama. Ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit komportable akong gawin 'to. Malaki ang posibilidad na hindi si Ryuu ang asawa ko pero kasi, komportable ako sa lalaki. Siguro dahil niligtas na niya ako no'n. Hindi ko nalamayan na nakatulog na pala ako sa kamay at nagising ang diwa ko nang naramdaman kong may masuyong humahaplos sa pisngi ko. "Don't tease me too much, Megan. . . might crumble and beg you to stay. . ." Tinawag niya ako sa pangalan ko. And what does he mean by that? Umakyo akong kagigising lang. . . ininat ko ang braso bago ko minulat ang mga mata. "Ryuu. . . a-anong oras na?" "10 in the morning." Kinusot niya ang mga mata saka bumangon. "sorry, nakatulog ako. Hindi kasi ako nakatulog nga maayos kagabi." "It's okay." "Salamat." ngumiti ako. Umangat ang kamay ni Ryuu para ayusin ang nagulo kong buhok dahil sa pagtulog at saka siya pinagkatitigan. "Do you want to have dinner. . . with me? Tonight?" Nagulat man ako sa biglang pag-aya ng lalaki pero nagawa kong ngumiti, "Hindi ba, ipagluluto kita?" "That's for lunch. Iba naman sa dinner, ako naman taya." "I'll think about it. Baka magalit ang asawa ko kapag nalaman niya." "Still being loyal. . . " Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Isn't loyalty and fidelity the real definition of marriage?" "But he's not here..." wika ni Ryuu sa mababang boses na para bang nang-aakit. "Hindi naman niya malalaman. Hindi nga siya nagpapakita sayo." I shrugged. "I'm still married. Pero pag-iisipan ko..." umalis ako sa kama at inayos ang nagusot na damit, "anyways, doon muna ako sa bahay. Baka tumawag si Czar, kailangan ko siyang makausap tungkol sa divorce na ipa-file ko." Ryuu silently nodded and open the door for me. Nagpasalamat na ako at bumalik na ako sa bahay. Dumretso ako sa kwarto at napasandal ako sa isinara kong pinto habang nakatitig sa kawalan. I just throws a bait. . . would he bit it? Saying that I'll wait for my husband to call and talk about divorce to Ryuu, its like telling Vonte to tell his Boss Czar to call me. At wala pang pagkakataon na hindi tumawag si Czar sa akin kapag sinabi kong kailangan niya itong makausap. Si Ryuu ba si Czar o kung magkaibigan man sila, tatawag ang asawa ko. Hindi man divorce ang pag-usapan namin pero tatawag 'to para amohin na naman ako. Pero kapag hindi, hindi rin konektado si Ryuu at Czar. . at dahil doon, hindi ako makikipag-dinner kay Ryuu mamayang gabi. Kumabog ng malakas ang puso ko nang tumunog ang telepono. Nilapitan ko 'yon at kalmadong ini-angat at sinagot ang tawag. "Hello? Mariah Georgiane De Luca speaking." Nang sumagot ang nasa kabilang linya, gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. It was my dearest Husband. He bit the bait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD