Megan Point of View
"May darating akong bisita," imporma ko kay Vonte na siyang sumalubong sa akin sa labas ng bahay. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Pumasok na ako at sinundan naman niya ako.
"Sino, madam?"
"Someone," sagot ko lang.
Hinihintay ko ang pagdating niya.
Hindi ko sinabi kung saan ako nakatira. Wala akong sinabi na na kahit ano, sa bahay ba ako nakatira, sa hotel, sa mga beach resort.
Kaya kapag dumating siya. . . paghihinalaan ko na siya.
Hindi kasi ako naniniwala sa nagkataon lang. Dinala ako ni Czar dito sa Isla. Andito rin si Ryuu ngayon.
Kailangan kong siguraduhin kung si Czar ba at si Ryuu ay iisang tao lamang. Hindi ko hahayaan na paglaruan mo uli ako, Czar. . Not this time.
Napangisi ako at nagtungo sa kwarto upang magpalit ng damit at nang matapos ay pumanhik na ako sa kusina upang ihanda ang mga lulutuin ko.
"Lulutuan ko siya ng almusal, bagong kaibigan ko siya. Tiyak na kilala mo siya, Vonte." sabi ko sa lalaki na pinapanood ang bawat galaw ko. Hindi ito nagsalita, umiling lang siya. Umalis siya sa harapan ko at pumunta sa kung saan.
Habang magluluto na ako ay biglang tumunog ang doorbell. Napangisi ako. He's here. Alam niya kung saan ang bahay ko. Paano niya alam? Siya ba si Czar?
"Ako na." sabi ko kay Vonte nang akmang pupuntahan niya ang pinto. Ako ang nagbukas ng pinto at napangiti sa lalaki na bagong bihis. "Pasok ka." aya ko sa kaniya.
Naglakad ako papasok at alam kong sinusundan niya ako. Nang nasa loob na kami ng bahay ay hinarap ko siya.
"Alam mo ba na. . . hindi ko sinabi sayo kung saan ako nakatira." panimula ko. Kita ko na medyo natigilan siya. Napangisi ako, "Paano mo nalaman na rito ako nakatira? Hmm?" mapagdudang tanong ko.
Dahil alam naman talaga niya. Dahil siya ang asawa ko?
"I'm here because. . "
"Because?"
"Because I'm your assigned personal bodyguard. Im going to submit my other files to Mr. Vonte, that's why." sabi niya sa kalmadong boses.
Now I know why he's saying that it's his job to protect me. Kaya pala, siya ang hinire para maging personal bodyguard ko. Ang plano ko sana ay itaboy kung sino man ang hinire ng asawa ko, pero ngayon, nagbago ang plano ko dahil si Ryuu naman pala. Now I have more chance to know him more. Kung siya ba ang asawa ko o hindi.
Agad kong tinignan ang kamay niya. Wala naman siyang dala na kahit ano.
"Asan ang papeles?"
Natigilan si Ryuu. Wala siyang hawak.
"Here, Madam." biglang sumulpot si Vonte, tumingin ako sa kaniya at winagayway niya ang papel na nasa folder na hawak niya.
"Oh." pilit kong itinago ang pagkadismaya sa boses ko.
I was wrong.
Pero paanong hawak ni Vonte ang papeles ni Ryuu kung kakapasok lang ni Ryuu at narito sa loob ng bahay si Vonte—
"Tinawagan na kasi ako kanina ni Mr. Yniguez, sabi niya ay papunta siya rito ngayon kaya sinalubong ko na siya sa labas kanina." putol ni Vonte sa pagdududa sa utak ko. "hindi ko alam na siya pala ang bisita mo, Madam. Pinapasok ko na sana siya kanina."
"Ayos lang." nagawa kong sumagot. "Let's go. Magluluto na ako nang dumating ka, mabilis lang maluto 'to." aya ko na kay Ryuu.
Naupo si Ryuu sa hapag at tinapos ko na ang niluluto ko. Hindi naman ako nakaramdam ng ilang nang mapansin ko na nakatitig siya at pinapanood ang bawat galaw ko. Lalo na nang i-lapag ko na ang mga pagkain sa harapan niya.
"Here. Bacon, Egg, and hotdog with garlic rice. Magluto rin ako ng Tinolang Manok." sabi ko.
"Parang pang-lunch naman na 'tong niluto mo." komento ni Ryuu.
Bumusangot ako, "sa susunod na 'yong Fried Stuffed Milkfish, Menudo, and many more. Nagutom din kasi ako, hindi kasi ako kumain kagabi."
"Ipagluluto mo pa ako sa susunod?" tanong nito.
"Yep." sagot ko sabay upo sa tabi nito. "tutal ikaw lang naman ang pwede kong maaya na kumain dahil hindi ako sinasaluhan ni Vonte. At isa pa, your my personal bodyguard now, it's your obligation to obey me." sabi ko sabay ngiti.
"Hindi naman ako laging nasa tabi mo. Meron lang ako tuwing lalabas ka at may pupuntahan. Because here in your house, you're safe."
"Okay lang. I can invite you here anytime I want, right? We're friends, right?"
"Friends? Yeah. We're friends." parang napipilitan pang sabi ni Ryuu.
Malapad na ngiti ang kumawala sa labi ko nang mag-umpisang kumain si Ryuu. Sinabayan ko na rin siya. Pero sa tuwing mauubusan 'to ng kanin o ulam sa pinggan ay nilalagyan ko 'to kaagad ng panibago at ngingitian ko kapag tinitignan niya ako.
"Kain ka lang." Aniya habang pasimpleng pinagmamasdan ang lalaki.
Kung ikaw ang asawa ko, bibigyan kita ng dahilan para magpakilala sakin. Pagbibigyan kita hanggang sa magsawa na ako. At kapag magsawa na ako at wala pa rin, susuko na ako at aayaw na.
But what If he's not?
Agad kong inalis ng magandang ngiti sa labi ko at inalis ko ang tingin ko sa lalaki at nagpatuloy na rin sa pagkain
"God...I'd never been so full." kakatatapos lang kumain ni Ryuu saka tumingin 'to sa akin, "ang sarap mong magluto. That was one hell of a brunch."
"Thanks."
Akmang tatayo na ako nang mauna ito at wala akong nagawa nang inagaw nito ang hawak ko na kinainan naming dalawa. "Ako na. Ikaw na nga ang nagluto, eh. You rest."
Wala akong ginawa. Hinayaan ko lang si Ryuu at pinagmasdan ko siya habang naghuhugas. Nang mabagot ay tumayo ako at nagpunta sa likod ng bahay. Alam ko naman na susundan ako ng lalaki.
Hindi ako nagkamali nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.
Hinarap ko ang lalaki at walang hiyang pinagmamasdan ko ang guwapo nitong mukha at nakakapang-akit na asul nitong mata.
"Stop looking at me, Mrs. De Luca." biglang sabi nito at pilit na binabaling sa iba ang tingin pero bumabalik naman sa akin. "It's making me uncomfortable."
"Maganda ka kasi tignan. A nice view." walang hiya ko pa ring tinititigan ang lalaki. I'm sorry, Ryu. . . I have to do this so I can make sure if you're my husband or not. "You're actually very handsome." papuri ko na naman.
"Thanks." sambit nito pero wala namang emosyon ang boses. "You're beautiful too."
Napangiti ako ro'n. Hindi pilit na ngiti. "Thank you. . . So," nag-cross arm ako. "Akala ko babalik ka ng Iraq?" tanong ko.
"Bumalik naman talaga ako. Pumunta lang ako rito dahil utos ng taas. Your husband is really something." sabi nito sabay iling. Pareho na kami ngayong nakatingin sa pool area.
"Military Doctor lang talaga ang career mo. Hindi ka ba interesado sa businesses?" tanong ko.
"I'm not good at it." sagot niya.
"Oh."
Czar, my husband is good in business.
"You sound disappointed." he pointed out. "Bakit? Iba ba ang inaasahan mong isasagot ko?"
"Hindi naman." Ngumiti ako. "And I'm not disappointed."
"Sinungaling." bintang nito.
"So are you." bintang ko rin.
"Ano?" sabi nito ay mukha siyang kinakabahan na bigla.
"Sabi mo kahapon nagsisinungaling ka sa akin." paalala ko sa sinabi nito sa akin, "That makes you a liar."
"Oh."
"Someone sounds relieve..." pansin mo rito.
"I'm not." He replied.
Hindi na ako nakipag-argumento sa binata. Unti-unti ng nawawala ang hinala ko rito.
Hindi nga siguro ito si Czar.
"So. . . " biglang sabi ni Ryuu upang basagin ang katahimikan. "Bogotà, huh. How did you end up married to an Italian?"
"Paano mo nalaman na sa Bogotà ako nakatira?" tanong ko. Bumalik na naman ang hinala ko.
"Your sister's medical file." parang wala lang na sagot nito samantalang ako ay parang mababaliw na.
"Oh." pagkadismaya ulit ang naramdaman ko.
Masisiraan na yata akong ulo bago pa matapos ang araw na 'to dahil sa mga hinala ko!
"Ahm. It was a forced marriage. My father threatened me and I can't say no to him. Not when my sister's life was in danger. At. . . siguro tinanggap ko rin kasi gusto kong makatakas sa magulo at marahas na buhay ko rito sa Pilipinas noon. I grow up in a very violent environment and it scares me." kwento ko. Hindi ko nga alam kung bakit komportable akong sabihin 'to sa kaniya. "I thought, I will have a peaceful life in Italy."
"And. . . did you had a peaceful life?"
Mapakla akong natawa. "Peaceful life? I don't even know what that means." napayuko ako at tumingin sa tubig sa may pool area. "Noong tinanggap ko ang kasal, nakaplanonna sa isip ko kung anong klaseng buhay ang gusto ko kasama ng asawa ko. I was informed that he was a good man so I thought, finally I will someone. Sabi ko kasi sa sarili ko na kahit sapilitan lang 'yong pagpapakasal ko, rerespetohin ko ang asawa ko at gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa. When I sign our marriage contract, even though he wasn't present because he's busy, I promise to be loyal and faithful."
Bumuntong hininga ako nang malala ko ang mga nagdaan. Tatlong taon na rin. . . Ang tagal na rin.
"Pero parang ilusyon lahat ng plano ko. Nasira lahat ng gusto ko sa buhay ko sa loob ng ilang buwan mula nang ikasal kami. Hindi nagpakita sa akin ang asawa ko at nagsimulang naging miserable ang buhay ko. Mag-isa ako, malungkot, at nagagalit." mahina akong natawa nang makita ko sa isip ko ang sarili ko no'ng mga araw na iniiyak ko ang pagiging mag-isa.
"I stayed loyal and faithful for three f-cking years. . . and what I get is an invitation to an island. When I get here, he left. F-ck him. He's such an asshole." madiin ang bawat murang binitiwan ko.
"He is." sabad ni Ryuu na ikinagulat ko. "your husband is a d**k. Not showing himself to you for three years, letting you be alone in that huge mansion with only maids and a butler. . . kahit saan anggulo mo 'yon tingnan, hindi magbabago na isang tang-nang g-go ang asawa mo."
Ikinagulat ko ang salitang binitiwan ni Ryuu, hindi dahil mukha siyang galit sa asawa ko kundi paano. . . paano niya nalaman na nakatira ako sa malaking masyon at kasama lang ang katulong at ang butler ko na si Vonte?
Not even her sister knows that! And they're close!
Only Czar!
Magkaibigan sila ni Czar? Pero sinabi na ni Ryuu na hindi niya kilala ang asawa ko.
Si Ryuu ba si Czar?
Napatitig ako kay Ryuu na nagtatangis ang bagang.
Czar, ikaw ba 'yan?
But. . . A person can't have two names.
But. . . Czar is a wealthy man. He has the connection and money to make it happen.