Megan Point of View
Pagod ako kahapon pero maaga pa rin akong nagising. Pinilit kong matulog ulit dahil masyado pang maaga pero masyadong marami akong iniisip. Napabuntong hininga ako habang nakatingin lang sa kisame.
Czar left.
Ryuu was here.
I don't know what to feel.
Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko at nagtimpla ng kape. Pero nang maubos ko 'to ay agad akong nakaramdam ng pagkayamot. Kaya naman nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay para sana panoorin ang pag-angat ng araw.
Nang makalabas ako sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa dalampasigan pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang mapansing hindi yata sa parteng 'to ng Isla sisikat ang araw kundi sa kabila.
Bakit ang malas ko?
Marahas na bumuga ako ng hangin at wala sa sariling napatingin sa lalaking naliligo sa dagat. Malayo ito ng kaunti at nasa malalim na parte pero dahil malinaw naman ang mga mata ko at medyo maliwanag na, malinaw kong nakita ang lalaking naliligo at nakatalikod sa gawi ko.
Mula rito sa pwesto ko at halatang maganda ang katawan ng lalaking 'yon.
Naglandas ang tingin ko pababa sa likod ng lalaki. Ang paghanga sa mga mata ko ay napalitan ng pagkagulantang at parang nayanig ang mundo ko nang makita ko ang tattoo sa likod ng lalaki.
"My boss has a tattoo. In his back, may bungo na napapalibutan ng bulaklak."
Mabilis na pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni Vonte kahapon tungkol sa pagkakakilanlan ng boss niya. Parang sirang plaka na pa-ulit ulit na nagre-replay sa utak ko 'yon habang nakatingin ako sa likod ng lalaking naliligo sa dagat.
"C-Czar??" mahina kong sambit sa pangalan ng asawa ko at wala sa sariling humakbang ako ng pa-unti unti patungo sa tubig. "Czar. . ."
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa paa ko.
"Czar!" tawag ko rito nang makita ko na sumisid na 'to sa dagat.
Hindi ko man nakita ang mukha nito dahil nakatalikod 'to sa akin pero alam ko na ang asawa ako 'yon, si Czar 'yon dahil malinaw na malinaw ang nakita kong tattoo sa likuran niya! That's how Vonte described it!
Panay ang linga ko sa paligid, hinahanap ko kung saan umahon ang lalaki. Pero nakaramdam ako ng kaba nang ilang minuto na ang lumipas ay walang umaahon na lalaki.
"Where is he?" tanong ko sa sarili. "What the hell? Where is he?" sabi ko ulit sa sarili at luminga linga ulit ako sa paligid at susulong na sana ako sa dagat nang may nagsalita sa likuran ko.
"Where is who?"
Natigilan ako at nilingon ang may ari ng boses na pamilyar na pamilyar sa akin, "Ryuu?"
"Hey. . . Magandang umaga." bati nito sa akin.
Sa dagat ba 'to naligo?
Wala sa sarili na napatitig ako sa lalaki.
He's in his trunk. Basang basa rin ang buong katawan niya, may tumutulo pang tubig sa katawan niya, magulo ang buhok niya at may malaking towel na nakalagay sa balikat at likod niya na siyang nagsisilbi upang takpan ang buong katawan niya.
At. . . hmm abs.
Iyon din talaga ang una kong napansin. Maganda pala ang katawan ng doktor na 'to. Sabagay, hindi naman siya basta doktor lang, he's a military doctor.
"Enjoying the view?" may bahid ng panunukso ang boses niya. Mukhang napansin niya na nakatingin ako sa parte ng katawan niyang 'yon. Well, I can't help it. It's attracting my attention. Basang basa rin kaya kumikislap kislap pa.
Hindi naman ako nakaramdam ng hiya. Aminado naman ako na maganda talaga ang tanawin.
Tumingin ako sa lalaki, "you should be thankful that you are a nice view." sabi ko pa.
Slowly, a sexy smile appeared on his lips. "talaga ba?" tanong nito.
Tumango naman ako, "Yes." kapagkuwan ay kumunot ang noo ko, nagtataka ko siyang tinignan. "Nga pala, saang parte ng dagat ka naligo kanina?" tanong ko na para bang sigurado ako na sa dagat siya naligo.
Tinuro naman kaagad ni Ryuu ang medyo may kalayuang parte ng dagat, "malakas kasi ang current dito lalo na kapag ganitong oras."
Napa-isip naman ako. My mind is running and calculating and analysing. . . "Kung gano'n, hindi ba dapat mas malakas ang alok doon sa pinagliguan mo kasi paliko siya tapos papunta pa roon ang current?" ani ko.
"Hindi naman." kalmadong sagot niya, "hindi malakas ang current doon."
Hindi na ako magtatanong pa kahit na hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Napatango tango na lang ako at saka bumalik ang tingin ko sa parte ng dagat kung saan ko nakita ang lalaking may kaparehas ng tattoo sa asawa ko.
Nagmalik mata lang ba ako kanina?
Pinaglalaruan lang ba ako ng mga mata ko?
But, no. . . It was real. It felt so real. I know. . . I know it's real!
Baka bumalik din kaagad si Czar dito sa Isla? Alam ni Vonte na galit ako sa ginawa niya at alam kong sinabi 'yon ni Vonte sa kaniya. Baka nga bumalik siya at hindi lang siya nagsabi sa akin? Knowing my husband, he won't just show himself to me.
Sa tatlong taon iyong hindi nagpakita sa akin, kaya bakit basta basta itong magpapakita ngayon sa akin?
Siguradong sigurado ako na kinakalkula lahat ni Czar ang mga posibilidad na maaaring mangyari kapag nagkita na kami. He's that kind of person. Hindi naman 'to basta basta. Hindi ito magiging matagumpay business man kung hindi ito maingay sa mga pwedeng mangyari at kakalabasan ng bawat desisyon na gagawin niya.
I baka
Oh baka naman pinaglalaruan na naman niya ako?
Anong alam ko sa iniisip ng ga-gong 'yon.
Napabuntong hininga ako at hinarap si Ryuu, "gusto mo bang samahan akong mag-almusal?"
Natigilan ang lalaki, "what?"
"Breakfast. With me." ulit ko naman.
Napakurap kurap ang lalaki ha ang nakatingin sa akin, "bakit?"
Nagkibit balikat ako, "I'm with Vonte right now at ayaw niyang sinasaluhan ako sa hapag. Wala akong ibang kasama kumain, kaya Ikaw na lang."
Umasim ang mukha nito, "so you're gonna use me." aniya.
Tumango naman ako, "yes, can I use you?" deretso kong tanong, walang paligoy ligoy.
Napatitig sa akin si Ryuu ng ilang Segundo bago ito sumagot, "segi, payag na ako. Tutal trabaho ko naman na 'yan.
"What?" tanong ko dahil naguluhan ako sa sinabi niya.
"You'll see." sagot na naman nito.
"Okay great. Sa bahay tayo kakain ah? Ipagluluto kita." sabi ko pa at ngumiti.
Napatitig naman sa akin si Ryuu na para bang may sinabi akong nakakagulat. "Marunong ko magluto?"
Tumango ako, "yeah, one of my skills."
"You'll cook for me?" Parang hindi ito makapaniwala.
Tumango ulit ako habang may maliit na ngiti sa mga labi ko. "Well, I'm saving my culinary skills for my husband. . . but. . . looks like he's not planning to show himself to me so. . . yeah. . " nagkibit balikat ako, "baking ko naman sasayangin ang cooking skills ko isang gaya niya?"
Titig na titig ako sa mukha ni Ryuu habang nagsasalita. Nakita ko ang pagtalin ng mga nito at pagtangis ng bagang niya.
Galit yata siya.
"Segi," sabi nito sa walang emosyon na boses, "mauna ka na sa bahay mo, magbibihis lang ako." paalam nito sa akin at tinalikuran kaagad ako na hindi pa nakakasagot.
"Okay." sagot ko na lang kahit na nalayo na siya.
Pinagmasdan ko ang lalaking papalayo sa akin at ang likod niya na natatakpan ng malapad na towel.
The frame. . . the built, it's familiar.
Bumuntong hininga ako at saka ako naglakad pabalik sa bahay ko. Umupo ako sa sofa at napa-isip. Pumasok sa isip ko ang lalaki na may tattoo sa dagat kanina.
That tattoo...
Si Czar ba 'yon o baka ibang lalaki na nagkataon lang na may kaparehong tattoo ng asawa ko?
Nagpapasalamat talaga ako kay Vonte dahil may paraan ako para makilala si Czar. Iyong tattoo na 'yon. . .
Naguguluhan ang isip ko. Lalo na nang makita ko na bagong paligo rin sa dagat si Ryuu kanina. Pero ang sabi naman nito hindi siya naligo sa parti ng dagat kung saan ko nakita ng lalaking may kaparehong tattoo ng asawa ko. Pero kasi. . . may munting hinala akong nararamdaman na pilit kong inalis sa utak ko.
Hindi naman pwedeng si Ryuu ay si Czar, hindi ba?
My husband is a business man and Ryuu is a military doctor. Hindi lang 'yon, magkaiba ang pangalan nilang dalawa. One person can't have two names! It's illegal!
Ryuu can't be Czar.
But I still have to make sure. There's still doubts. . . Lots of doubts.