Chapter 9 : Protect

1150 Words
Megan Point of View Naligo na ako at nagbihis ng sundress bago ako lumabas sa kwarto ko at nilibot ang buong kabahayan. Halatang pinapalinis ito araw araw dahil dumating ako rito na malinis na ang paligid. Walang ibang tao ngayon dito maliban sa akin at si Vonte na hindi ko na alam kung saan pumunta. Nang magsawa ako ay lumabas ako ng bahay at nagpasya na maglakad lakad muna sa dalampasigan upang mawala ang galit at dismaya na nararamdaman ko. Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako sobrang nadismaya at nagalit, ngayon lang. Tanging ang asawa ko lang, si Czar lang ang kayang kaya na iparamdam sa akin ang sobrang galit, pagkamiserable, at pagkadismaya. Marahan ang paglalakad ko. Hinawakan ko na ang sandal na suot ko upang mas maramdaman ko ang pino at puting hangin sa paa ko. Inililibot ko ang paningin ko sa paligid at nakakita ako ng ilang mga tao na rito nakatira. . . At mga turista na mukhang nag-eenjoy sa ganda ng tanawin. Mukhang doon sila sa mga cabin at hotel tumutuloy. May mga nakita rin akong mga bata na naglalaro ng habolan at nagpapalipad ng saranggola. Napangiti ako. Hindi ko ranas ang mga ganiyang bagay. Hindi ako kahit kailanman naging masaya ng sobra, kahit no'ng bata pa ako. Hindi masaya ang buhay ko sa piling ng magulang ko. I love them but I hate stying with them. Nakakasakal. Akala ko ngayon na wala na ako sa puder nila ay may asawa na ako na makakasama sa buhay, magiging masaya na ako. Hindi pala. Nakakatawa kasi umasa ako na makakahanap ako ng pagmamahal ngayon. . . pero sinong mamahalin ko? Sinong patuloy kong mamahalin kung ang asawa ko na unti unti kong minamahal ay pa-ulit ulit akong binibigo? I hate this feeling. I am loyal with my husband. I love him with all my heart. But. . . It is worth it? Is he worth the wait? "Mrs. De Luca?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Can't be! Hindi ko alam kung bakit pero biglang nawala at nalimutan ko ang lahat ng nararamdaman ko nang mga sandaling 'to dahil narinig ko ang boses na 'yon. Mabilis kong nilingon ang may ari ng boses na 'yon at mas nanlaki pa ang mga mata ko nang magkasalubong ang tingin naming dalawa ng makita ang may ari ng asul na mata na kanina ay iniisip ko lang. "Dr. Ryuu?" gulat na ani ko. Ngumisi ang lalaki, "Ryuu na lang, Dr. Ryuu is too formal." aniya. Inayos nito ang suot niyang sombrero at ngumiti 'to sa akin, "hey. . " Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatingin sa lalaki. Nakatitig lang ako sa kaniya kahit ilang segundo na ang dumaan. "I. . . W-What. . " gulat pa rin ako at hindi makabuo ng salita. "what are you doing here?" "Secret. You'll know." sabi nito. Inilang hakbang nito ang pagitan naming dalawa at tumigil siya sa harapan ko. Nahigit ko ang hininga ko dahil bigla akong kinabahan. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" "I'm here for my husband." sagot ko. Naalala ko ang asawa ko. Hindi ako dapat makaramdam ng kahit anong thrill sa lalaking nasa harapan ko ngayon dahil may asawa na ako. Dumilim ang paningin niya. "And you're walking alone." he pointed out. "My husband pulled a f-ck move. He invited me here and left." hindi mapigilang pagkwento ko. "Where are you staying? Are you alone?" "I'm not. I'm with Vonte." Mas dumilim ang paningin nito. "You? Are you alone?" "Guess." "Probably with someone." sabi ko at natawa naman siya. "Does it look like I'm with someone? Like you, I was walking alone too. . " sabi niya. Nagkibit balikat lang ako. Sa itsura niyang 'yan, napaka-impossible kasi na wala siyang kasama o ka-date na babae ngayon sa magandang Isla na 'to. "Akala ko pupunta ka ng Iraq?" tanong ko kapagkuwan. "I lied." Nagsalubong ang kilay ko, "I hate liars." Mukhang natigilan si Ryuu sa sinabi ko, "so you have me?" tanong niya. "It's depends, if you're lying to me." Tinignan lang ako ni Ryuu at hindi ko malaman ang gagawin ko nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. Lalo na nang mapansin ko na ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin dalawa. "What are you—" "Oo, nagsisinungaling ako sayo. But it does not matter for now. Hindi dapat 'yon ang inintindi mo. This island. . . is full of predator." sabi nito sa mababa at baritonong nitong boses, "so, take care." "What do mean by predators?" "Men." "So you?" "Nah. . " agad na sabi nito. "I'm here to protect you, Mrs. De Luca." sabi niya at hindi naman kaagad remihistro ang sinabi niya sa utak ko. Kumunot ang noo ko at ngumiti naman siya. "But I'm married." napakadali lang sa akin na sabihin na kasal ako kahit na parang wala naman akong asawa sa lagay ko. "I can handle my own sh-t." sabi ko pa. "I don't think so. Men don't take no for an answer. Men are dangerous, especially here in the remote area." dabi niya sa seryosong tono. Napatulala ako sa kulay asul niyang mga mata ba gano'n pa rin ang epekto sa akin. Nabigla ako nang inangat ni Ryuu ang kamay niya at hinawi ang buhok kong nililipad na nang hangin at humaharang na sa mukha ko. "Kung may manggugulo sayo o ano, sabihin mo lang ang pangalan ko at mananahimik at lalayuan ka na nila." Napatitig ako kay Ryuu habang nararamdaman ko ang kakaiba at mabilis na pintig ng puso ko. Sasabihin ko ang pangalan niya? Titigilan nila ako kaagad? Mas lumapit pa si Ryuu sa akin at kaunti na lang. . . didikit na ang labi naming dalawa at hindi ko magawang lumayo. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa bibig ko at alam ko na gano'n din siya. "It's Ryuu Keir Yniguez," sabi niya at para akong nakahinga ng maluwag nang lumayo na siya. "Remember my name, Mrs. De Luca." Napatulala lang ako sa lalaki. Masyado akong gulat sa nangyari at hindi ko pa maproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Narinig ko na lang ang paalam niya. Nakapamulsa siyang tumalikod sa akin at naglakad palayo. Pinanood ko ang paglalakad niya palayo at nang mawala na siya sa paningin ko ay napabuntong hininga ako. Pa-ulit ulit kong naririnig ang sinabi ni Ryuu sa akin. Proprotektahan niya ako? Sasabihin ko ang pangalan niya? Titigilan nila ako kaagad? Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko dahil hindi pa rin tumigil 'yon sa pagpintig ng mabilis. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi pwede. . . Naisip ko ang asawa ko. Ang asawa ko? Hindi ba dapat siya ang nagsasabi sa akin ng mga katagang binitiwan ni Ryuu? Dapat ang asawa ko ang magpro-protekta sa akin, dapat pangalan niya ang sasabihin ko sa mga gustong lumapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD