Megan Point of View
Namangha ako sa ganda ng tanawin. Inalalayan ako ni Vonte na bumaba at maglakad sa pino at puti na buhangin ng dalampasigan. . . Ang ganda ng paligid. Ang presko ng hangin at bibihira lang ang tao na makikita rito sa Isla. May mga beach resort kaming nadaanan kanina at mga hotels.
Sinundan ko si Vonte na naglalakad, may mga kasama na kaming magbubuhat ng gamit.
What a beautiful island. . .
Sumakay pa kami ng golf cart papunta sa rest house ni Czar at hindi na ako nabigla nang makita na hindi lang 'to basta basta rest house. Kasing laki lang nito ang bahay namin sa Italy. It was big and extravagance. . .
Pero anong silbi ng malaki at magandang bahay kung mag-isa ka lang naman? Wala.
Kayang kaya kong ipagpalit ang buhay ko ngayon maging masaya lang ako.
"Let me show you your room, Madam. . " sabi sa akin ni Vonte.
"No, thank you." tanggi ko kaagad. Hinarap ko siya at inilibot ang tingin ko sa paligid, hinanap ang taong dahilan kung bakit ako narito ngayon. "Where's my husband, Vonte?" tanong ko.
Umayos ng tayo si Vonte nang marinig niya ang tanong ko.
"What?"
"Sandali lang, Madam." paalam niya sa akin at umalis siya sa harapan ko at medyo lumayo siya sa akin. May tinawagan siya sa cellphone niya.
Pinanood ko ang kalmadong pustura ni Vonte habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Walang nagbago sa emosyon niya.
Wala pa man ay dismayado na ako. Madali lang naman ang tanong ko. Pwede naman niya akong sagutin na andito lang si Czar ngayon, na magkikita kami ngayon, na makikilala ko na rin siya sa wakas. . . pero hindi eh.
Pero sana, mali ang iniisip ko. Hindi mo ako pwedeng biguin, Czar.
Bumalik si Vonte sa harapan ko. Nakipagtitigan ang lalaki sa akin at bumuntong hininga.
"Umalis na siya."
Para akong nabingi sa narinig ko. "Ano?"
"Madam—"
"No! Where's my husband?" hindi maitago ang inis sa boses ko. Kanina pa ako nagtitimpi. Kanina pa ako iritado dahil hindi kaagad nagpakita sa akin ang asawa ko. Dapat sinunod niya ako sa daungan, dapat sinalubong niya ako rito ngayon. Pero wala! Walang Czar!
"Anong ibig mong sabihin na umalis na? Sabi niya kikitain na niya ako. Kaya nga pumunta ako rito ngayon dahil akala ko makikita ko na siya."
"Umalis na siya ng isla kaninang umaga, madam." sabi nito sa akin na parang wala lang. "May importante siyang meetings na kailangang puntahan sa Italy." paliwanag nito sa akin.
Para akong nanghina dahil sa narinig ko. Agad akong inalalayan ni Vonte pero agad kong hinawi ang kamay niya.
"Pero alam niyang darating ako ngayon. . ." mahina ang boses na sabi ko. Napa-upo ako sa sofa. Parang sasabog ang puso ko dahil sa galit.
"I'm sorry, Madam." hingi ng paumanhin ni Vonte pero wala akong pakialam doon.
"Alam niyang darating ako, Vonte. Tapos aalis siya? Mas importante 'yong meeting keysa sa aking asawa niya na tatlong taon na niyang hindi nakikita?" sabi ko. Kinuyom ko ang kamao ko.
"I'm sorry, Madam." ulit na sabi na naman ni Vonte. "please understand him."
"Pinaglalaruan na naman niya ako." bulong ko.
"No, Madam. It's really important matter. The board members needs his presence as the CEO and owner of the Empire."
Hindi ko inintindi ang sinabi niya. Hindi ko siya gustong intindihin ngayon.
"At madam, kailangan din ako ni Mr. De Luca sa Italy ngayon kaya aalis na rin ako mamaya maya lang." imporma pa nito sa akin.
Walang emosyon ko siyang tinignan at tumayo na ako. "Go anywhere you want, wala akong pakialam." sabi ko na lang.
Umalis na ako sa harapan niya at mabigat ang dibdib na naglakad.
I should have known better. .
Czar Amadeo De Luca will never show himself to me! Dapat tanggapin ko na 'yon at hiwalayan 'to. Tama na siguro ang tatlong taon na kasal kami at paghihintay ko sa kaniya. Gusto kong piliin ko naman ang sarili ko, na pasiyahin ang sarili ko. Tama na ang pagkokonsidira sa ibang tao, sa magulang ko, sa business nila. . . at isa pa, maayos naman na ang kapatid ko kaya wala na silang bala laban sa akin.