Chapter 7 : Isla

1769 Words
Megan Point of View "Aalis ka na talaga? Hindi na kita mapipigilan? Iiwanan mo na ako?" Natawa ako dahil iyan ang sunod sunod na tanong ni Seb sa akin habang bitbit niya ang mga maleta ko palabas ng hotel. Wala pa si Vonte pero tumawag na siya kanina sa akin na paparating na siya. Pababa ako ng hotel nang nakasalubong ko si Seb . . . At ito, kinukulit ako. "Sa Palawan lang naman ako, kung gusto mo akong dalawin ay puntahan mo lang ako." tawang imporma ko sa nakasimangot na lalaki. "Eh, ako mag-aalaga sa kapatid mo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa gising si Maddie pero maganda na ang lagay niya. Si Doc. Seb ang naka-assign na doktor sa kapatid ko kaya panatag din akong aalis. Nakalabas na kami ng hotel at sakto naman na huminto ang magarang kotse sa harapan namin. Alam ko kaagad na ito ang kotse na susundo sa akin. Tama ako dahil lumabas mula sa kotse si Vonte. Hindi siya nagsalita at inagaw ang mga maleta ko kay Seb na walang nagawa dahil sa gulat. "Vonte, he's my friend Seb." pakilala ko sa lalaki. "You should have wait for me to come and make me carry your luggage. Boss Czar wouldn't be happy to see your luggage carried by other man." seryoso ang boses nito at nakatingin kay Seb na ngumuso at itinaas pa ang kamay. "Kalma, hindi ko papatulan ang babaeng 'yan. Bukod sa pangit siya, may asawa 'yan oy!" sabi ni Seb kay Vonte. Sumama ang tingin ko kay Seb dahil sa sinabi niya. Nag-peace sign siya bago nagpaalam na sa akin. "See you when I see you!" pahabol pa niya at pinanood ko siyang maglakad na palayo. Nang mawala na siya sa paningin ko ay doon ko tinignan si Vonte. "Kaibigan ko lang 'yon, at walang karapatan ang boss mo na hindi matuwa na may ibang lalaki na nagbubuhat ng maleta ko dahil siya nga, hindi niya magawa." sabi ko at pumasok na ako sa loob ng kotse. Hindi na muling nagsalita si Vonte at nagmaneho lang. Habang nasa byahe ay tahimik lang ito, sanay naman na ako. Nagsasalita lang siya kapag kinakausap ko siya. Czar. . . sa Palawan ba kita makikita? Bakit doon? Bakit ngayon lang? Bakit hindi sa Hotel? Bakit hindi niya ako mapuntahan? Pumikit ako at tinangka kong matulog pero hindi ko magawa. Dalawang Linggo na ang nakalipas simula no'ng magkausap kami ni Czar. . . Napapaisip ako kung anong ginagawa ni Czar sa gano'ng klase ng lugar. Nalaman ko kay Vonte na sa may pribadong Isla ang bahay ni Czar. Hindi na ako nagtaka dahil pribado rin naman ang buhay niya pero. . . iyong Isla na 'yon sa Palawan, puno 'yon ng mga turista na binigyan ng pribelihiyo na makatapak doon. Bigating mga tao, kilala sa iba't ibang industriya gaya ng business, acting, modeling. Habang abala ako sa pag-iisip ay biglang tumunog ang cellphone ko. Czar's Calling. . . Hindi ko alam pero bigla akong inatake ng kaba. Ilang minuto kong tinitigan ang screen ng cellphone ko at namatay ang tawag pero agad uling tumawag ang lalaki. Sinagot ko 'to. "Hello, Czar?" "I wanna see you. . " sabi ng lalaki sa kabilang linya. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi nito. "Then show yourself to me, Czar. Ang kapal ng muka mong sabihin 'yan kung ikaw mismo ang hindi nagpapakita sa akin. Gusto kitang makita, ikaw ang wala. . " hindi ko naitago ang sama ng loob ko sa boses ko. Natahimik ng ilang segundo ang nasa kabilang linya bago uli 'to nagsalita. "Talagang gusto mo na akong makita?" "Bakit mukhang malungkot ka?" tanong ko, binase ko sa tono niya ang sinabi ko. Tunog malungkot ang boses nito. "Pinipilit mo lang ba ang sarili mo para kitain ako?" kumabog ng masakit ang dibdib ko. "Now you're sad." sabi nito imbes na sagutin ako. Bumuntong hininga 'to. "Huwag ka ng malungkot. I'll see you in the island." "Malungkot pa rin ako." sinadya kong sabihin 'yon. Gusto kong malaman niya kung anong totoo kong nararamdaman. "What do you want me to do to make you happy?" Tumaas ang kilay ko at napansandal dahil sa sinabi ng asawa ko. "gagawin mo ba?" "Ano bang gusto mo? I'll give it to you. Name it. House? Money? New bag? Jewelry?—" "Alam mong hindi 'yan ang gusto ko, Czar." putol ko sa kung ano pa ang sasabihin niya. Nagsalubong na rin ang kilay ko sa irita. "gusto kong ipakita mo ang sarili mo sa akin." nag-uutos na ang tono ko. Nawala na ang pasensiya sa katawan ko. "I'm sorry. . . I'm sorry, my wife, for making you feel miserable all these years. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para makabawi sayo. . sa lahat ng pagkukulang ko." I hate him. But I love him too. . . Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko eh. "Siguraduhin mo na makakabawi ka sa akin, Czar. Tatlong taon akong naging miserable kakahintay sayo." "Yes, I will, my wife." "Dapat lang." sabi ko at pinatay ko na ang tawag. Napatingin ako kay Vonte nang makita ko na nakatingin siya sa akin mula sa rare view mirror, parang may gustong sabihin pero iniwas lang niya ang tingin niya sa akin. Czar. Sana hindi mo lang ako pinaglalaruan. Sana seryoso ko sa sinasabi mo na magpapakita ka sa akin. Gustong gusto ko ng makita ang asawa ko. Tatlong taon na kaming kasal eh, tapos hindi niya ipapakita ang sarili niya sa akin. Gusto ko siyang makilala pa ng lubusan, baka mas mahalin ko pa siya lalo kapag mas nakilala ko pa siya. . Hindi lang sa telepono kundi sa personal. Gusto kong mahawakan ang asawa ko. . . at matupad ang kagustuhan kong magka-anak sa kaniya. Bumuo ng pamilya kasama siya. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kotse dahil nakarating na kami ng private airport na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan ng asawa ko, si Sergio. Mabilis na naglakad ako papasok sa eroplano at mabilis ding sumunod sa akin si Vonte, dala dala ang maleta naming dalawa. Nang makasakay kami sa pribadong eroplano ay inayos ko ang damit kong nagulo bago ako umupo. "Madam," tawag sa akin ni Vonte. "Hmm?" napatingin ako sa lalaki. "My boss is very fragile and vulnerable." wika nito. Bakas ang lungkot sa boses niya, "mukha lang siya malakas at matigas pero nakatago roon ang malambot niyang puso. Mabuting lalaki ang boss ko, madam. Sana'y mapagtiisan mo pa siya at intindihin." yumukod si Vonte sa akin matapos niyang sabihin 'yon. Ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya para sa boss niya, sa asawa ko. Madalas ay tahimik talaga siya. Minsan nga lang siya magsalita tungkol kay Czar dahil siguro takot siyang madulas at makapagsabi ng impormasyon sa akin tungkol sa asawa ko. Pero ngayon, siya na mismo ang nagbukas ng usapin. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit hindi siya nagpakita sa akin sa loob ng tatlong taon?" tanong ko kay Vonte. Sinasamantala ko na dahil ngayon lang 'to. Ngumiti si Vonte, "Makikita mo na siya, Madam, mas mabuting sa kaniya mo 'yan tanongin." "Pwede mo ba ako bigyan ng impormasyon tungkol sa asawa ko? Kahit ano lang na makakatulong sa akin na makilala siya kapag nakita ko na siya. . . " nangungusap na tumingin ako kay Vonte. "My boss has a tattoo. In his back, may bungo na napapalibutan ng bulaklak." imporma nito. Napangiti ako. Malaking tulong na 'yon sa akin. "Salamat, Vonte." "At madam, sasabihin ko na po sa inyo para hindi mo kayo magtaka pagkarating natin sa Isla." "Na?" "May hinire po si Boss para maging personal bodyguard niyo." "What?!" "For your information, madam, nakarating kay boss ang nangyari sayo last last week sa labas ng hospital. Para may proteksyon ka habang wala pa siya ay naghire siya ng bodyguard mo." "Paano. . " hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Magtataka pa ba ako? Malawak ang koneksyon ng asawa ko. At isa pa. . . pinatunayan lang no'n na kilala nga ni Dr. Ryuu ang asawa ko dahil siya lang naman ang pwedeng magpaalam sa asawa ko kung anong nangyari. "My boss is very protective towards you, because he loves you.. please, understand." "Hindi ka sapat?" "Hindi sa lahat ng oras madam ay nasa tabi mo ako. Aalis din kaagad ako sa Isla dahil nasa syudad ang kompaniya ni Boss dito sa Pilipinas. Ako ang mag-aasikaso ro'n." "So, mag-isa ko sa Isla gano'n?" "Kaya nga po naghire ng personal bodyguard si Boss para sayo." "Are you saying that it will take time for him to come and see me? Na kailangan ko pa ng bodyguard? Oh alam ko na kaagad kung anong patutunguhan nito." "Hindi sa gano'n, Madam." Hindi ko na siya sinagot kaya naman yumukod ito sa akin bago umalis sa harapan ko. Sa dulo kasi ang uupuan niya. Ang sabi niya ay pinapunta siya ni Czar para samahan akong gawin ang ilan sa trabaho na gagawin ko habang nasa bahay lang. Ako kasi ang may hawak ng De Luca Empire at marami rin akong pinipirmahan, buti na lang at meron si Vonte. Hindi pwedeng madismaya ako at mag-isip ng negatibo dahil lang doon. Nagkag-usap kami ng asawa ko. . . sabi niya ay magkikita kami. Maayos ang usapan namin. Napatingin ako sa bintana at nang makita ko na nasa alapaap na kami ay ipinikit ko ang mata ko. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang imahe ng lalaking nagmamay-ari ng kulay asul na mga mata. Napasinghap ako at nagmulat ng mata. Umayos ako ng upo at bahagyang umawang ang labi ko. Ryuu. . . Marahas kong pinilig ang ulo ko. No. No way that I am thinking about him. Napasandal uli ako sa inuupuan ko at napatitig ako sa kawalan. Imiling iling ko ang ulo ko nang muling pumasok sa isip ko si Dr. Ryuu at ang mga sinabi nito sa akin no'ng nag-dinner kami sa resto na pilit kong binubura sa utak ko. . . pero hindi ko magawa. Ginugulo ako no'n. Ryuu. . Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Nauna siyang umalis sa akin sa Hotel eh. Huli kaming nagkita no'ng nag-dinner kami, matapos no'n ay hindi na nagsalubong ang landas namin. Kahit sa hospital. Magkikita pa kaya uli kami? Marahas na napailing na naman ako at napatapik ako sa noo ko. Hindi na dapat ako nag-iisip ng gano'n, ng ibang lalaki. Makikita ko na ang asawa ko. Ang asawa ko lang dapat ang iniisip ko. Ipinikit ko na lang uli ang mata ko at hinihiling na sana dalawin na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD