C2- Marla

1422 Words
"Why is she taking so long?" Naiinip kong tanong sa aking sarili at marahas na sumandal sa upuan. Kanina pa ako nandito at himalang matiyagang naghihintay kay Venus. Ang usapan namin ay thirty minutes lang akong maghintay sa kanya. Pero mahigit isang oras na ay wala pa rin siya! Ni hindi na rin siya sumagot sa mga text and calls ko! Nakaka-frustrate na, because I hate waiting! Ang ayoko sa lahat, 'yong pinaghihintay ako. Kung hindi lang si Venus ang katagpo ko, matagal na akong umalis dito. I'd rather go to the gym than wait for someone who is wasting my time! But it's Venus! My childhood best friend for pete's sake! I had no choice but to wait for her, kung kailan siya darating. Gosh! Bumuga ako ng marahas. Muli kong tiningnan ang phone at baka may reply na siya. At hindi naman ako nagkamali dahil finally, nagtext na rin siya sa akin. Kaagad ko itong binasa at napa-hinga nang malalim dahil akala ko, nandito na siya at hinahanap na ako. Iyon pala, papunta pa lang! Venus : Marla, I'm on my way." Kaagad akong nagtipa ng reply sa kanya. Kahit naiinip na ako ay huminga na lang ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Me : Okay, see you then. I'm here at the cafeteria. Nilapag ko kaagad ang phone matapos kong mag-reply sa kanya. Chilax, Marla! Be patient, okay? Ilang saglit pa akong naghihintay sa kanya. Nagpinpindot na lamang ako sa aking phone at paminsan-minsan ay nag-selfie. "Marla! Beshy!" Napabaling ako sa may pintuan nang marinig iyon. Oh, finally...she's here! After two hours of waiting, dumating na rin ang Beshy ko. Kaagad akong tumayo at sinalubong siya. "Sorry, ha. Naghintay ka nang matagal," bungad niya agad sa akin na siyang ikinataas ng perfect kong kilay. "Sus, sanay na 'ko!" tugon ko at nagtatakang lumingon sa paligid namin dahil wala akong makitang bumubuntot sa kanya ngayon. "Hmm...himala yata, beshy? Where are your bodyguards?" nagtataka kong tanong. "Well, iniwan ko sila ulit, Ha-ha-ha!" Proud na proud niya pang tugon sa akin. "What the hell, Venus! You did it again? Wow..? Ikaw na talaga!" tumatawa kong sabi dahil hindi ako makapaniwala na natakasan niya naman muli ang mga bodyguards niya. Masyado kasing mahigpit ang mga magulang niya na kabaligtaran naman sa akin na walang pakialam. Kaya malaya kong nagagawa ang mga gusto kong gawin. "Yeah, I did it! Nahihirapan kasi akong mag-enjoy kapag nakabuntot sila." dagdag niya pa. Napangiti na lang ako sa kanya habang napapailing na uminom ng kape. "Tiyak magagalit na naman ang parents mo, for sure." Sandali kaming natahimik nang lumapit ang waitres sa amin para kunin ang mga order namin. "Siya nga pala. Tuloy na ba talaga ang kasal ninyo ni Harvey?" tanong ko matapos kung ilapag ang tasa sa table at sumandal. Hindi ako sure kung tama bang Harvey ang pangalan ng boyfriend niya ngayon. "Yup! You know what? I'm so excited! Sino ba'ng hindi mae-excite na maikasal sa isang tulad ni Harvey? He had it all! Looks, height, wealth, and hot!" tugon niya sabay inom ng kape. Napangiti ako dahil tama naman pala ang binigkas kong name ng boylet niya! Masaya ako para sa kanya. At last, nahanap niya na ang Mr. Right niya at handa na rin siyang lalagay sa tahimik. Habang ako, masaya rin sa pagiging single at always ready to mingle. I hate serious relationships! Nag-umpisa ito kay Darius nang niloko niya ako. Minahal ko siya nang totoo dahil first love ko siya. Pero hindi ko akalain na lolokohin niya lang ako at ipagpalit kay Jenny- ang babaeng ahas. Nagborles lang ito sa harapan niya, bumigay na kaagad. Kaya nang malaman ko 'yon ay hiniwalayan ko na agad siya ora-orada. Para kasi akong nandiri sa kanya. Sa dinami-rami ng babae, kay Jenny pa talaga na kung tawagin ay free taste ng kalalakihan. Shocks! Ayaw niya sa cola body ko dahil fan pala siya sa mabilbil at suman na katawan. Ayaw niya ng fresh at virgin. Well, okay na rin 'yon, at least nalaman ko na gano'n pala siya. Mabilis lang pala siya matukso kapag binababaan lang ng panty. Tumitig ako kay Venus dahil kitang-kita ko talaga sa mga mata niya kung gaano siya kasaya ngayon na ikakasal na siya kay Harvey. "What?" taas kilay niyang tanong pero nakangiti. Ngumiti ako. "Nothing. I'm just- happy for you. Akala ko, walang magtya-tiyaga sa 'yo!" tatawa-tawang biro ko pa sabay inom ng kape. "Hey, hey, hey! Sa ganda kong 'to?! Ako yata ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa! V-E-N-U-S! Venus! Named for the goddess of love and beauty." mayabang niya pang giit. "Yeah, yeah! That's why, Harvey, loves you!" sang-ayon ko na lang. But, I am really happy for her. Walang halong biro. Masaya ako para kay Venus. I wished for the best for her. Kahit 'wag na lang sa akin. Hindi na rin kasi ako naniniwala sa totoong pag-ibig. I don't believe in marriage either. Kaya hindi ako naniniwala sa happily ever after. "Of course. Sa dami ng nanliligaw sa 'kin? He's the luckiest guy!" Proud niyang sabi. "Dahil diyan, why don't you come with me to the LiquidDoze. Let's celebrate." yaya ko sa kanya at muling uminom ng kape. "LiquidDoze? What was that?" maarte niyang tanong. "A bar. An exclusive bar perhaps." tugon ko pero ayokong sabihin kung ano ang meron sa bar na 'yon. "No. Ayoko," mabilis niyang tanggi. "Why?" tanong ko saka ibinaba ang tasa sa table matapos kong maubos ang kape. "Alam mo naman na bantay-sarado ako ng mga parents ko, right? At ayaw nilang saan-saan ako pumupunta." "Ang pag-sho-shopping ko nga lang ay ayaw pa nilang pumayag, ano pa kaya kung malaman nilang sa bar ako pupunta." dugtong niya pa. "Yeah, right. Strict nga pala ang mga parents mo. Hindi gaya ko, wala silang pakialam," kunwaring balewala kong wika. But deep inside, naiinggit at nalulungkot ako dahil may mga magulang siyang nag-alala para sa kanya. "Hey...what's the drama for, huh?" nakangisi niyang tanong. "No, I'm not!" mabilis kong tugon. "Okay. Sinabi mo, e. What are we gonna do next?" tanong niya at nakita kong ubos na rin ang kanyang kape. Huminga ako bago sumandal. "Since, ayaw mo naman sa gym, at bar, shopping na lang ulit.." ngiti kong saad dahil napansin ko rin na mukhang kagagaling niya lang sa salon. Tumawa siya dahil iyon lang naman ang ginagawa namin sa tuwing nagkikita kami. Dati pa kasi kaming mahilig sa shopping. Pero simula nang magkahiwalay kami, pumupunta ako sa gym. At doon ko nakilala ang mga bitches kong friends. Sina Airah, Cassy, Laureen, at Teria. Madalas din sila doon. At magmula noon, naging mag-bestfriend kaming lima. Saan-saan kami pumupunta. Bar, beaches, abroad, at kung saan pa basta trip namin na puntahan. "Okay. Let's go!" "Let's go!" tugon ko at tumayo na rin. Kaagad kaming lumabas ng cafeteria at naglalakad papuntang mall. "Wait, Marla!" Pigil niya sa akin na akmang papasok na sana ako sa may boutique shop. "Why?" taka kong tanong. "I'm gonna go to the restroom first." "Okay. I'm gonna wait for you here," tugon ko. "Okay. Sandali lang ako." Kaagad siyang lumakad papuntang restroom. Habang naghihintay ako sa kanya, nag-scroll muna ako sa aking social media account. "Very excited, huh?" ngiti ko nang makitang pinost niya pa talaga ang picture nilang dalawa ni Harvey with sweet caption. "Baby, Harvey, wait!" Napalingon ako nang marinig ko 'yon. At gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong sino ang mga nakikita ko sa aking likuran. "Shìt! This bìtch again?" bulong ko nang malingunan ko ang mabilbil at suman na si Jenny. Tumingin ako sa lalaking tinawag niya. At mas nagulat ako dahil ang Harvey na tinawag niya ay ang fiancee ni Venus. Hindi pa kami personal na magkakilala. Pero itong picture na tinitingnan ko sa social media na katabi ni Venus, at siya ay iisa. What the hell? Is he cheating on Venus? At sa babaeng 'to pa talaga? Damn! Pareho lang sila ni Darius, mahilig sa basura! Alam kaya ito ni Venus? I think hindi. Tumingin ako sa restroom pero wala pa rin siya. Bakit ba ang tagal niya? Naisip kong tawagan siya para makita niya ang kalokohan ng fiancee niya kasama ang ahas. Kasi kung ako lang? Wala na akong pakialam sa babaeng 'to dahil matagal na kaming wala ni Darius at waste lang kung papansinin ko pa siya. Hindi ko siya ka-level. "Why?" "Come outside now, Venus. Or else, pagsisisihan mong magpapakasal ka sa isang cheater." matigas kong bigkas at pinatay ko agad ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD