C3- Marla

1058 Words
"Okay. Gotcha! Just in case!" Nakangisi ako matapos kong kunan ng video at picture ang dalawang cheater sa harapan ko. Mas mainam ng may ebidensya para may maisampal sa pagmumukha nilang basura! "Beshy! What are--" Tinuro ko ang kinaroroonan ng dalawa dahilan na matigil siya sa pagsasalita at sundan ang kamay ko. Hindi ako kumurap habang nakatingin sa kanya kaya kitang-kita ko kung paano siya na shock sa kanyang nasaksihan sa pagtataksil ng pinakamamahal niyang fiancè "Harvey!" malakas niyang sigaw at hindi alintana kung nasaan kami ngayon. Gulat pang lumingon ang dalawa. Maging ang ibang mga tao sa aming paligid ay nakatingin sa amin. "What is the meaning of this? Huh?!" Pasinghal niyang tanong sa kanyang fiancè nang makalapit siya sa mga ito at palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Gustong kong humagalpak ng tawa nang makita kung paano nagkulay suka ang fiancè ni Venus. Pero ang basurang babae ay hindi man lang tinablan ng hiya. Kagaya dati, hindi siya natataranta o natakot kay Venus. "Are you deaf or muted?!" tanong uli niya kay Harvey na nagsasalita nga pero walang boses na lumalabas. Ramdam ko ang panggigil ni Venus dahil halos patayin na niya sa tingin si Harvey. Lihim akong natatawa dahil para lang akong nanunuod ng palabas sa television. Na-excite ako sa susunod na mangyayari nang makita kong kuyom niya ang kanyang kamay. "Can't you see that we are dating?" Sa halip ay epal naman ng basura kay Venus, kaya nalipat ang tingin niya sa babaeng suman. At sa gulat ko, binigyan niya ito ng magkasunod na malalakas na sampal sa kaliwang pisngi na hindi nito naiwasan. "Huwag kang sumagot kung hindi ikaw ang kinakausap ko!" Nanlilisik ang mga matang singhal niya dito. "Venus!" malakas na sigaw naman ng cheater niyang fiancè at palipat-lipat ang tingin sa dalawa. There it goes, suman! Tasted it. Tikman mo ang bagsik ni V-E-N-U-S. The goddess of love and beauty. Nabigla ito sa ginawa ni Venus habang hawak nito ang kaliwang pisngi. Hindi agad ito nakakilos. Mukhang hindi nito inaasahan ang sampal. Pero ilang sandali lang ay tumalim ang mga mata nito sa beshy ko. Lumaki ang mga mata ko nang umigkas rin ang kamay nito kaya mabilis akong lumapit sa kanila at bago pa dumapo ang kamay ng basura sa beshy ko, sinalo ko ito at mahigpit na hinawakan. "Huwag na huwag mong ilapat ang marumi mong kamay sa kaibigan ko at baka makahawa 'yan ng virus." Kalmado ngunit matigas kong bigkas sa kanya. Sa inis ko, isinampal ko ang sarili niyang kamay sa pagmumukha niya na lalong hindi niya inasahan. "Dapat pala ginawa ko na 'to sa 'yo, dati pa!" dugtong ko pa at nginisihan siya. Nagulat din ang dalawa sa pangingialam ko. "Bwesit ka!" maiiyak niyang hiyaw bago tumingin kay Harvey. "Harvey, baby, pinagtutulungan nila ako." sumbong pa nito sa fiancè ni Venus at lumingkis sa braso nito. Imbes na intindihin si Jenny, tumingin sa akin si Harvey. "Who are you? Bakit mo rin siya sinampal?!" Salubong ang mga kilay niya nang tumingin sa akin. "Me?" Maangas kong balik- tanong at tinuro ang aking sarili. Hindi siya kumibo at naghihintay lang ng sagot ko. "Ako lang naman ang unang inagawan ng boyfriend ng basurang 'to!" sagot ko na kay Jenny nakatingin. "What?!" Sabay pang reaksyon ng dalawa habang ang basura ay naging mailap tingin at sumiksik lang ito kay Harvey. "Is this true?" Gulat rin na tanong ni Harvey kay Jenny. "No! Hindi totoo 'yan!" sigaw niya at yumakap kay Harvey. "Baby, let's go back to our hotel room." Paawa pa nito. Napangiti ako dahil mukhang walang alam ang fiance ni Venus na marami ng mga kalalakihan ang tumikim dito bago mapunta sa kanya. Tumingin sa akin si Jenny. "Sinungaling ka!" hingal niya pang sigaw at halos patayin niya na ako sa tingin. Kaya tinaasan ko siya ng maganda kong kilay at ngumiti ng nang-uuyam sa kanya para lalo siyang mabwesit. "Really? Ako pa talaga ang sinungaling? Look at yourself, trash. Ilang lalake na ba ang ginulungan mo ng masuman mong katawan? Huh? Five, ten, fifteen,twenty?" Nakangising pamimikon ko sa kanya. "Bwesit ka!" gigil niyang singhal sa akin. "Ikaw naman basura!" ganti ko rin sa kanya na namula ang kanyang mukha sa galit. "When did this happen, Marla?" tanong sa akin ni Venus. "A year ago." "How come you never told me this?" she asked again. "No need. Dahil wala namang kwenta at pareho lang naman silang basura! Kaya hinayaan ko na at baka mahawaan pa ako ng virus." tugon ko pero na kay Jenny pa rin ang tingin ko. "I wonder why, kung bakit naghiwalay agad sila? Bakit nga ba, Jenny? Akala ko ba mahal niyo ang isa't isa? How come, hindi na ang ex ko ang kalingkisan mo ngayon at itong fiancè naman ni Venus ang pinuntirya mo?" Hindi siya kumibo pero hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sa akin kaya muli akong nagsalita. "Naiinggit ka ba sa amin? Or, maybe, gusto mo lang silang matikman? FYI lang, trash, mabilis rin akong magsawa sa lalaki. Kaya timing lang ang pang-aagaw mo sa kanya dahil naghahanap din ako ng basurahan na pagtatapunan sa kanya!" Patutsada ko sa kanya para lalo siyang magalit sa akin. Alam kong bastos na ang bibig ko pero tama lang naman siguro para sa kanya ang mga sinabi ko dahil isa siyang mang-aagaw ng kaligayahan. At parang nasa kondisyon ako bigla at gusto kong mambwesit sa araw na ito. Mukhang ngayon ko pa lang naramdaman ang galit ko noon kay Darius at basurang 'to nang mahuli ko sila sa condo ni Darius. "Tama ba ako, Trash?" ngisi kong tanong. "Now, mamili ka Havery? Siya o ako?" "Venus?!" Gulat kong hiyaw kay Venus nang marinig iyon. "What the hell, Venus?! He's cheating on you kaya bakit mo pa siya mapipilin?" asar kong sabi sa kanya. "Break him up, now." mariing utos ko Tumingin siya sa akin at kitang-kita kong maiiyak na siya, anumang sandali. Dinilatan ko siya nang mga mata dahil parang ayaw niya sa suggestion ko. "He's not worthy of you, Venus. You should know that," mariin kong bigkas sa kanya. Alam kong nasasaktan na siya pero ayokong magiging kawawa siya sa dalawang basura na nasa harapan namin ngayon. Tumingin siya sa fiancè niya. "Harvey--" "I'm pregnant." Putol ng basura kay Venus dahilan na hindi na niya mapigilan ang umiyak sa harapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD