Luminga ako sa paligid at baka sakaling may dadaan pa. Maging sa eskinitang nilabasan niya ay wala na rin taong lumabas. Kaya bigla akong nag-alala at baka abutin ako ng dilim dito kapag wala akong makitang taong tutulong sa akin. Tumingin ulit ako sa kanya at kahit ayoko, handa akong kainin ang pride para lang tulungan niya ako sa kotse ko ngayon. "Yummy Berdugo!" Malakas kong sigaw bago pa man siya tuluyang makalayo dahil anong oras na at nasa katirikan pa ako ng araw. Sa lahat ng pwedeng paghintuan ng kotse ko, sa tapat pa talaga kung saan ang araw. Kaya naiinis ako lalo. Hindi ko na maiwasan ang mainis dahil ang bastos niya talaga! Ni hindi man lang talaga nagdalawang isip na iwan ako. Kalalaking tao pero hindi man lang yata alam ang salitang gentleman. Kay gwapo pero ang pangit ri

