C6- Marla

2231 Words
"Where is he?" Bungad ko kaagad pagkarating ko sa presinto at nang makaharap ko ang pulis na siyang kausap ko kanina sa telepono. Nakataas pa ang kilay ko nang tumingin sa kanya. Mataray na kung mataray pero wala akong pakialam! Hindi ko alam ang salitang magalang kapag ganitong mainit ang ulo ko. Lumalabas ang pagiging amasona ko kapag may hindi tamang ginagawa. Hindi agad nakakibo ang pulis at sa halip ay huminga siya nang sobrang lalim bago tumingin sa akin pero halatang nataranta or what! Basta napansin kong medyo ilap ang kanyang mga mata sa akin. Ang talim kasi ng tingin ko sa kanya. "What? Don't tell me, pinauwi niyo na siya agad-agad?!" pahiyaw kong tanong dahil naiinip na ako sa bagal niyang sumagot. Ayaw pa akong diretsahin para tapos na ang lahat. Ano, natatakot lang o naaakit na sa kagandahan ko? O, baka naman ay nag-iinit na sa kaseksihan ko? Mga pulis nga naman, ang lilibog! "Miss Alonzo, huminahon po muna kayo. Pakinggan niyo muna ako dahil may pruweba, ho, kami na magpapatunay na talagang inosente siya. Kaya hindi namin siya pwedeng ikulong at baka kami naman ang maparusahan kapag pinaabot pa namin bente kwatro oras." Mabilis at mahaba niyang paliwanag sa akin. Hinihingal pa siya matapos niyang sabihin iyon. "At anong patunay ang sinasabi ninyo? Gusto kong malaman." mataray ko pa ring tanong. Sa oras na mali sila pati ang mga pulis na ito'y idedemanda ko rin! Tignan natin kung hindi magtatanda. Halos matrauma na nga si Venus kagabi dahil sa mga bastos na 'yon tapos palalabasin lang nila ang isa? Huh! Hindi ako papayag! Para saan ang sinasabi nilang batas sa mga kababaihan? "Isang kuha ng CCTV footage mula sa pinangyarihan. Sa LiquidDoze Bar." Nagulat ako nang marinig iyon. Oo nga naman. Bakit hindi ko man lang naisip na may CCTV cameras pala ang bar kaya lahat ay walang ligtas dahil alam kong sinisiguro ito ni Mr. Tan. "Hinihingi namin ang kopya para tingnan kung nagsasabi nga ba ng totoo si Mister Linard Bermundo–" "Linard Bermundo? Who the hell is he?" Kunot noong putol ko sa kanya. "Siya, ho, 'yong inosente at pinakawalan na namin kaninang madaling araw." "Kaninang madaling araw? E, paano kung kasabwat nga siya? Edi nakapagtago na siya ngayon." Nangigil kong giit sa kanila. "Miss Alonzo, hindi nga, ho—" "Sir, bata pa, ho, ako kaya 'wag niyo na akong, i-ho!" Pikong sabad ko sa pagpapaliwanag niya dahil kanina pa 'to, e. Ho nang ho sa edad at gandang kong 'to? Mas lalong nakakabwesit. Hindi niya ba ako nakikita na ang bata ko pa? Kung maka-ho, wagas! Sandali siyang napatitig sa akin. "Sorry, Miss Alonzo." hingi niya ng paumanhin saka huminga ng malalim bago niya minuwestra ang computer. Subalit tinaasan ko lang siya ng maganda kong kilay. Gusto ko siyang barahin kung anong gagawin ko sa bulok nilang computer, pero tahimik ko na lang na sinarili at binigyan ko na lang siya ng nagtatanong na tingin. "Dito po tayo, Miss Alonzo." Sa halip ay sabi niya sa akin na nilahad niya pa ang kamay para sa akin. Pero mas naiinis lang ako lalo dahil 'po' na naman ang binanggit niya. Bulag ba siya? Leche! Imbes na pansinin ko pa ulit 'yon ay sumunod na lang ako dahil gusto ko ng matapos ang pag-uusap na ito para makalayas na walang kwentang pag-uusap na ito. Pabalang akong lumapit sa kanya para tingnan ang sinasabi niyang pruweba na siyang magsasabi na inosente daw kuno ang Berdugo na 'yun! "Tingnan niyo po ang kuha ng video, Miss Alonzo. Dahil kahit madilim ay sobrang linaw ng kuha at makikita na kapapasok niya lang pero limang minuto na ang panghaharass sa kaibigan ninyo." Paglalahad niya pa kaya tumutok agad ako sa video at hindi ako kumurap para makita ko ang lahat. Bigla akong natigilan nang makita kong tama nga siya. Inosente nga ang Berdugo na 'yon! Hinaharass na si Venus ng mga bastos limang minuto bago siya pumasok sa may entrance ng club. At makikita rin sa video na hindi ang bastos na lasing ang tutulungan niya kundi si Venus! Pero naunahan ko na itong bigyan ng flying kick bago pa man siya lumapit kaya napatigil siya atsa halip ay napatitig na lang siya sa akin. "So, malinaw na po bang inosente siya, Miss Alonzo?" Biglang untag sa akin ng pulis kaya mabilis akong umayos sa pagkakatayo at sumimangot na tumingin sa kanya. Natahimik akong tumingin sa kanya dahil wala akong maisagot. "Kaya pinakawalan agad namin siya pagkakita namin sa video na 'yan dahil hindi siya pwedeng magtagal at baka kami maparusahan sa itaas kapag nagreklamo siya at makita ang video na 'yan bilang patunay niya." Dagdag niya pa na mas lalo akong natahimik dahil nahiya ako bigla sa pamimintang ko sa lalaking iyon. At tiyak ay magrereklamo rin siya laban sa akin. And for the first time ay magkaroon ako ng record dahil sa pamimintang ko ng inosenteng tao. Leche, kailan pa ako nagkakamali? "E, 'yong iba, Sir? Baka pakawalan niyo rin at sabihing inosente rin sila?" Sa halip ay tanong ko para matapos na kami sa video na 'to. Ayoko mang nararamdaman pero bigla rin akong na-guilty sa lalaking iyon. Malinaw na malinaw kasi sa kuha ng video na wala siyang kinalaman at higit sa lahat ay hindi niya kasamahan ang mga lasing. Tapos ako ay galit na galit siyang pinagbintangan nang akmang lalapitan niya si Venus na katabi lang ang lasing. Kaya ang buong akala ko talaga ay ang lasing ang tutulungan niya. "Huwag po kayong mag-alala, Miss Alonzo, dahil bukod sa isang pinalaya namin ay totoong may kasalanan na sila. At sisiguraduhin namin na magtatanda sila sa loob ng rehas. Pagbabayaran nila ang karapat-dapat na kaparusahan nila sa pambabastos nilang ginawa sa kaibigan ninyo." Napabuntong hininga ako nang marinig iyon. "Mabuti naman, Sir, kung gano'n. Dapat talagang magtanda ang mga bastos na iyan para madala!" Asar kong komento at nilingon ang mga manyak sa loob ng rehas na ngayon ay akala mo ay aping-api na tignan. Lahat kasi sila ay tahimik na nakaupo sa gilid at kanya-kanyang nakayuko nang taliman ko nang tingin. Ano, natauhan at nagising na sa magandang panaginip? Leche! Hindi ko alam ang salitang awa sa mga kagaya ninyong manyakis! Feeling ko pa naman ay mga pamilyado na ang mga ito dahil mga matatanda na ang ilan sa kanila. Hindi na naawa sa mga pamilya. Pero may isa talagang makapal ang mukha dahil masama pa niya akong tiningnan pabalik. At siya lang naman ang binigyan ko ng regalong hindi niya makakalimutan kahit kailan, ang makatulog sa matindi kong sipa. Hindi rin ako kumurap at mas tinaliman ko ang tingin sa kanya. Anong akala niya sa akin? Mabilis masindak sa masama niyang tingin? Subukan niyang ulitin at sa akin niya mismo gawin para patutulugin ko talaga siya habang buhay. Bakit kaya hindi na lang sa asawa nila gawin iyon? For sure, may asawa naman siguro silang lahat na naibigay ang kahiligan nila. Edi sana, walang demandahan at kulungang nangyayari. Naaawa man ako sa mga asawa't anak nila ay hindi ko pwedeng palagpasin ang mga kabastusan nila. Pasensyahan na lang kami pero hindi pwede sa akin ang gano'n. "So ayos na po ba sa inyo, Miss Alonzo?" untag sa akin ng pulis at walang kurap niya akong tinitigan habang hinihintay ang tugon ko. Tahimik akong tumango at dahan-dahang nagbuga ng hangin. "Salamat, Miss Alonzo, sa pagpunta ninyo rito at pasensya na sa abala." "Salamat din at pasensya na rin, Sir, kung nagkamali ako." Mababang tugon ko rin na nakangiting tinanguan niya. Tumalikod agad ako at lumabas ng police station dahil nakaramdam ako ng hiya sa huling tingin niya sa akin. Marunong naman akong tumanggap ng pagkakamali dahil pauilt-ulit 'yon na ipinaalala sa akin ni Momiela. Kahit hindi ko masyadong pinapakinggan, tahimik ko naman 'yong sinusunod at sinaksák sa utak ko. Sumakay kaagad ako sa aking kotse at nag-drive pauwi. Inaantok pa kasi ako kaya balak kong bumawi ng tulog. Naisip kong buksan ang stereo dahil naboboring ako. Gusto kong makarinig ng music para alisin ang nakaka-stress na nararamdaman ko ngayon. Ngunit nang pihitin ko ang volume ay nagulat ako nang bigla na lang huminto ang kotse. What the hell? Nagtataka kong tiningnan ang metro ng gas pero marami pa ito dahil kagabi lang ako nagpapa-gas. Full tank ito kaya konti pa lang ang nababawas. k Kaya bakit bigla na lang akong huminto? Naisip kong subukan ko uling i-start pero panay ang ingay lang at ayaw ng umandar. "Ano bang problema? What happened to my car?! Bakit ganito?!" Ayaw ko mang mainis pero nag-uumpisa na namang uminit ang ulo ko. Inulit ko pa ulit ang pag-start pero gano'n pa rin! Ilang beses ko rin tinadyakan ang preno at baka ito ang may sira pero walang pagbabago. Ano ba ang nangyayari? Bago pa naman itong kotse ko, ah? Kailan ko lang 'to binili tapos ano, sira na agad? Lumingon ako sa labas pero mukhang malas talaga dahil nasa highway pa pala ako. Leche! Ano, karma agad-agad? Inulit ko ang ginawa pero gano'n pa rin kaya naisip kong lumabas ng kotse para humingi ng tulong. Siguro naman ay may dadaan dito kahit papano. Nabuhayan ako nang matanaw ko sa may di-kalayuan ang lalaking kalalabas lang ng eskinita at nakayukong naglakad palapit sa akin. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahl busy siya sa pagpipindot ng kanyang phone. Ayaw ko mang manuri pero hindi ko mapigilan dahil sa kakisigan niya. Halatang maganda ang pangangatwan niya dahil kitang-kita sa kanyang tindig. Matangkad pa. E, ang mukha kaya? Kumusta? Gwapo rin kaya? Baka doon babagsak. Iyon bang, hipon na lalaki. Tapon ulo pero yummy ang katawan. Pero sana 'wag naman gano'n para walang masayang. Tumikhim ako nang makitang ilang distansya na lang ang layo niya sa akin. Pero gano'n pa rin siya at mukhang seryoso pa yata dahil kahit nakayuko siya ay kitang-kita ko ang nagtagpo niyang kilay. "Hi, excuse me!" Agaw-pansin ko sa kanya para makita niya ako at mahinto sa kanyang ginagawa. Hindi naman ako nabigo dahil tumingin agad siya sa akin. "Pwede bang–" Napahinto ako sa pagsasalita nang matitigan ko ang kanyang mukha. At gano'n na lang kabilis ang kaba ko nang mamukhaan ko ang lalaki. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang pinagbintangan at pinakulong ko kagabi! Si Mr. Berdugo. Tama ba ang apelyidong binigkas ko? Kumurap ako pero siya nga at ngayon ay halos magdugtong na ang makapal niyang kilay na nakasimangot na nakatingin sa akin. Shìt! Bakit sa daming magdadaan ay siya pa talaga ang makikita ko dito sa lugar na ito? Ano? Karma ba ulit? Leche talaga! Hindi ko pa kayang humarap sa kanya. Hindi pa ako handang humingi ng sorry dahil sa katangahan ko! Pero ano na ang gagawin ko? Ayokong humingi ng sorry. Maybe, some other day but not now! Shìt. "Ano 'yon?" tanong niya at bakas sa boses niya ang galit. Kahit kinakabahan ay hindi ako nagpahalata. Sa halip ay ngumiti ako ng matamis sa kanya at baka sakaling makuha sa maganda kong ngiti. Bigla rin akong nakaisip na magpanggap na lang na hindi ko siya namukhaan kahit sinamaan na niya ako ng tingin. Namukhaan niya kaya ako? Yari ka talaga Marla kapag oo. "Ahm…" Hindi ko maituloy dahil napatitig ako sa kanyang mukha. Ayaw ko mang aminin pero may itsura siya. May ibubuga ang mukha niya. Sa madaling salita, hindi siya hipon na lalaki dahil overall, yummy siya. Walang masasayang at parang ang sarap papakin agad-agad! "Ano?" Bakas sa kanyang boses ang pagkairita at tumalim pa ang tingin niya sa akin. Hindi kaya… namukhaan niya talaga ako? Lagot na talaga ako sa yummy na 'to. At mukhang hindi tatalab sa kanya ang ganda at kaseksihan ko. Leche, bakla yata 'to! Sayang naman kung gano'n. "Ahm… pwede mo ba akong tulungan?" Alanganin kong sagot na patanong. "bigla kasing tumirik ang kotse ko. Baka alam mo kung anong problema, patulong naman." mabilis kong lahad na may kasamang matamis na ngiti. "Huwag kang mag-alala, babayaran kita!" dagdag ko pa at baka isipin niyang libre. Ayokong magkautang ng loob kahit kanino lalo na sa lalaking ito dahil madagdagan pa ang atraso ko. Hindi siya kumibo at tahimik niya lang tiningnan ang kotse ko bago muling tumingin sa akin. Tumikhim siya at seryosong tumitig sa akin. Pero ilang segundo lang ay bumusangot ang kanyang mukha. "Sige na pogi. Tingnan mo at ayusin mo kung may problema. Babayaran kita kahit magkano pa." Pamimilit ko pa at siyempre may kasamang pang-aakit na ngiti para bibigay agad siya. Kapag ganitong sitwasyon, kailanganay kasamang panglalandi para makuha agad ang gustong makuha. At willing akong gawin iyon para lang makaalis sa lugar na ito at makauwi na sa bahay. At wala na akong pakialam kung ano ang iisipin niya sa akin basta maayos lang ang kotse ko ngayon. "Pinakulong mo 'ko tapos hihingi ka ng tulong sa akin? Ni sorry ay hindi ko nga narinig sayo tapos uutusan mo pa ako? Magtulak ka dahil hindi mo 'ko tauhan, Miss Bintangera." suplado niyang tugon sa akin na ikinagulat ko dahil mukhang tama ako, namumukhaan niya nga talaga ako. Tulalang napatanga ako nang marinig iyon. At bago pa ako makasagot, umalis na siya sa aking harapan at diretsong naglakad palayo sa kinatatayuan ko. Kaya nasundan ko na lang siya nang tanaw habang palayo na nang palayo sa akin. Gwapo pero antipatiko! Leche! Matapilok ka sana!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD