CHAPTER ONE

1380 Words
THIRD PERSON Sampung taon nang mag-asawa sina Janine at Lester Guevara. Masaya silang nagsasama kasama ang isa nilang anak na si Jasmine na ngayon ay pitong taong gulang na at nag-aaral na ng grade 2. Malayo sila sa kanilang pamilya dahil ayaw ng pamilya ni Janine kay Lester. Sapagkat hindi nakapag tapos ng highschool si Lester. Subalit si Janine ay board passer na bilang guro. Dahil mahal ni Janine si Lester. Kahit ayaw ng kaniyang pamilya kay Lester pinaglaban ni Janine si Lester. Nagtanan silang dalawa at umalis sa kanilang lugar at napunta sila sa North Luzon sa Bayan ng Santo Birhen, Brgy. Marupok, Sitio Makisig at duon namuhay na mapayapa. Naging maayos naman ang kanilang buhay. Naging guro si Janine sa mataas na local sa Santo Berhin. Habang si Lester naman kahit anong trabaho ay ginawa niya para hindi siya maging pabigat kay Janine. Makalipas ang dalawang taon nagkaruon ng negosyo si Lester na buy and sell na mga alahas at damit. Nang makapag ipon na sila, nagpagawa sila ng magandang bahay, bumili ng sasakyan at nagpakasal. Hanggang sa nabiyayaan sila ng isang magandang batang babae. "Mama, Papa. Good morning po!" Sigaw ni Janine sa kaniyang Mama at Papa. Kagigising niya lang kaya magulo pa ang kaniyang buhok. Kinukusot kusot niya pa ang kaniyang mata habang pababa sa ikalawang palapag ng kanilang hagdan. Araw ng sabado kaya walang pasok si Janine sa trabaho at wala din pasok sa paaralan si Jasmine. Hindi na rin muna nagtrabaho si Lester dahil gusto nila mag family bonding. "Baby, good morning! Kamusta ang tulog ng prinsisa namin?" Salubong ni Janine sa kaniyang anak. Nasa kusina sila ni Lester na naghahanda ng almusal ng marinig nila ang sigaw ng kanilang Unica ijah. Kaya lumabas si Janine upang puntahan si Jasmine. "Ang himbing ng tulog ko Mama. Saka excited na po ako mamaya. Gusto ko duon pumunta sa dagat mama. Gusto ko maligo po." Pa cute na sabi ni Jasmine. Saya humalik sa kaniyang Mama Janine. "Iyun lang ba ang gusto ng prinsisa namin?" Tanong ni Lester nang lumabas mula sa kanilang kusina. "Yes po Papa." Magiliw na sabi ni Jasmine. "Kung iyun ang gusto ng prinsisa namin. Kailangan kumain na tayo ng almusal para makapag beach na ang Reyna at prensisa ko." Masayang turan ni Lester. Malakas na pumalakpak si Jasmine at nagpasalamat sa kaniyang Mama at Papa. Binuhat ni Lester si Jasmine papunta sa kanilang kusina. Pagkaupo ni Jasmine, sinuklay muna ng kaniyang Mama Janine ang kaniyang mahabang buhok at tinali. "Baby, nag toothbrush ka na ba?" Tanong ni Janine kay Jasmine. "Yes po Mama. Kaya lang nakalimutan ko po mag suklay ng hair ko po." Magalang na sagot ni Jasmine saka nag beautiful eyes sa kaniyang Mama at Papa. Pinisil lang ni Janine ang chubby face ni Jasmine at sinabi na mag pray na para makapag almusal na sila. Magana silang kumain na magpamilya. Kahit silang tatlo lang, masaya sila sa kanilang buhay. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ng pamilya ni Janine si Lester dahil ang akala nila si Janine ang bumubuhay kay Lester. Kahit sinabi ni Janine na sariling sikap ni Lester kung bakit sila naka pundar. Pero ayaw maniwala ng mga magulang ni Janine dahil na rin sa mga tsismosa na nag susol sa pamilya ni Janine. Kaya hinayaan nalang ni Janine at Lester kung ano ang sabihin ng ibang tao. Pagkatapos nilang kumain. Nagpahinga lang sila saglit at gumayak na papunta sa isang beach resort na malapit lang din sa kanila. "Mama, Papa ang sarap maligo. Parang si little mermaid ako Mama." Magiliw at masaya na sabi ni Jasmine habang nagtampisaw na sa tubig na gingagaya pa ang mermaid na pinapanuod niya sa t.v. Nakangiti lang ang kaniyang Mama Janine habang nakatingin sa kaniya sa gilid. Habang si Lester nag-umpisa nang mag-ihaw ng isda at hotdog. Parang ayaw umahon ni Jasmine sa tubig na parang bago lang siya naka ligo sa dagat. Pero madalas naman silang nag su-swimming. Kung hindi sa dagat, sa pool sa kabilang baranggay sila naliligo. Mahilig kasi si Jasmine sa tubig at sa katunayan kahit hindi siya tinuruan lumangoy aynmagaling siyang lumangoy kahit n'ong apat na taon pa lamang siya. Sumali na nga siya sa swimming competition last year sa kanilang school kahit grade 1 pa lamang siya. Ngayon na grade 2 na siya, mas naging magaling pa siyang lumangoy kaya sa susunod na buwan. May competition sila sa kabilang eskwelahan. Kahit medyo kinakabahan si Janine dahil hindi siya marunong lumangoy, pero sobra ang support nila kay Jasmine. Buong araw na naligo lamang si Jasmine sa dagat. Mabuti at hindi mainit kaya hindi siya nagka sun burn. Umaahon lang siya sa tubig kapag kakain na. Pagkatapos kumain, magpahinga lang siya ng ilang minuto at maligo na naman. Hapon na ng umuwi sila sa kanilang bahay. Dahil sa sobrang pagod ni Jasmine sa buong araw na pag ligo sa dagat. Sa daan pa lang mahimbing na siyang nakatulog. Malakas pa ito'ng humilik. Kaya nagkatinginan nalang ang mag-asawa at sabay na ngumiti. Habang nasa kalagitnaan sila ng daan, napatingin si Janine sa kabilang kalsada nang may makita siyang isang binatilyo na naglalakad na parang wala sa sarili. Marumi ang damit at walang tsinilas. Nakaramdam ng awa si Janine kaya sinabi niya kay Lester. Hindi kasi nakita ni Lester dahil tanging sa kalsada lang naka tuon ang paningin ni Lester. Sapagkat maingat talaga siya mag maneho ng sasakyan kapag kasama niya ang kaniyang mag-ina. Kaagad naman ni huminto si Lester sa gilid ng kalsada pagkatapos sabihin ni Janine. Pagkatapos binuksan niya ang bintana ng kotse at kinawayan ang binatilyo. Na sa tingin ni Lester parang nasa 20's ang edad. Parang nag-alinlangan naman ang binatilyo na lumapit dahil bigla niyang naisip na baka nasundan siya ng mga hhmahabol sa kaniya. "Naliligaw ka ba? Parang ngayon lang kasi kita nakita dito. Natatakot ka ba? Lumapit ka dito, hindi ako masamang tao. Kasama ko ang asawa at anak ko. Napansin ka kasi ng Asawa ko. Baka kako naligaw ka." Saad ni Lester. Mabilis naman na lumapit ang binatilyo kahit na kinakabahan. "Magandang hapon ho ma'am, sir. Pasensya na po kung nag-alinlangan ako na lumapit. Ang totoo po, hindi ko alam kung nasaan ako. Malayo po ang pinanggalingan ko. Pero maniwala kayo Ma'am, Sir. Hindi po ako masamang tao. Saka hindi ko po alam kung saan ako pupunta." Malungkot na sabi ng binatilyo habang nakayuko. Ramdam ni Janine na mabait ang lalaki at nagsasabi ng totoo kaya ningitian niya ito. "Sumama ka sa amin. H'wag ka'ng mag-alala, mabait kami. Kung wala ka'ng matutuluyan, pwedi ka sa amin. Saka duon tayo mag-usap sa bahay. Ako si Janine saka ito si Lester asawa ko. Pumasok ka na sa likod ng sasakyan. Natutulog ang anak namin kaya umupo ka nalang sa tabi niya." Malumanay na sabi ni Janine. Lihim naman na nagpasalamat ang binatilyo sa panginoon na hindi pa rin siya pinabayaan. "Maraming maraming salamat ho ma'am,sir. Ako pala si Melchor Fernandez. Maraming salamat sa tiwala kahit ngayon niyo lang ho ako nakilala." Naluluha na sabi ni Melchor. Dahil sobrang pagod, uhaw at gutom niya na talaga. At kung isang gabi pa siya na hindi maka kain at makainum ng tubig baka manghihina na talaga siya. Natatakot naman siya na humingi sa tindahan na dinaanan niya o sa mga tao na makasalubong niya dahil baka ipa pulis siya at mahuli siya ng humahabol na pulis sa kanilang lugar. "Melchor, pumasok ka na sa sasakyan. Saka h'wag mo na kaming tawagin na sir at Ma'am. Ate at Kuya nalang. Sige na pumasok ka na." Yaya ni Lester. "A-E si..este Kuya, baka ho madumihan ang sasakyan niyo. Saka baka magising ang anak niyo kapag ma-amoy ako. Mabaho at marumi ho ako." Nahihiya na sabi ni Melchor habang naka hawak sa kaniyang ulo. "Ayos lang, saka hindi pihikan ang anak ko. Kaya tara na, parang wala ka pa'ng kain at tulog. May natira kaming pagkain nasa likod ng compartment ng sasakyan. Malapit na rin naman tayo sa bahay. Kaya pumasok ka na upang maka kain ka pagdating sa bahay mamaya. Mamaya na tayo magpatuloy sa pag-uusap." Wika ni Janine. Hindi mapigilan na tumulo ang luha ni Melchor sa sobrang saya. Paulit-ulit siyang nagpasalamat sa mag-asawa at pumasok sa likod ng sasakyan kung saan natutulog si Jasmine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD