MELCHOR
"Kain lang ng kain." Sabi sa akin ni Kuya Lester. Pagdating namin sa kanilang bahay, nilabas niya kaagad sa loob ng compartment ng sasakyan ang mga dala nila galing beach. Ako na ang nagdala sa loob ng kanilang bahay, dahil binuhat niya ang kaniyang anak na si Jasmine ang pangalan. Mahimbing pa rin ang tulog ng bata. Ang cute at ang ganda niya, bagay sa kaniya ang pagiging chubby niya. Naalala ko tuloy ang bunso naming kapatid, dahil magka edad lang sila ni Jasmine. Uminum muna ako bago sumagot kay Kuya Lester.
"Maraming salamat talaga Kuya. Sobrang gutom ko ho talaga. Mula pa kahapon wala ako'ng kain at tulog kahit inum ng tubig." Malungkot ko'ng sabi.
"Kumain ka lang, at mamaya na tayo mag-usap. Basta maging mabait ka lang, pwedi ka dito sa amin. Sige na tapusin mo muna ang pagkain mo. Feel at home ka dito. Puntahan ko muna ang mag-ina ko. Babalik ako mamaya, h'wag ka'ng mahiya sa amin. Siguro kapag makita ka bukas ni Jasmine. Matutuwa din iyun dahil may kasama at Kuya na siya. Hindi na yata kasi iyun magising mamaya sa sobrang pagod sa pag ligo niya kanina." Saad ni Kuya Lester.
"Salamat ho talaga Kuya. Sana nga okay lang kay Jasmine na nandito ako." Pasalamat ko. Tinapik ako ni Kuya Lester sa balikat at nagpaalam na lalabas na. Nang makalabas si Kuya Lester pinagpatuloy ko ang pagkain dahil sobrang nagugutom pa ako. Kanina bago ako kumain, isang litro ng tubig ang naubos ko. Nanginginig na kanina ang buo ko'ng katawan habang naglalakad sa daan at hindi alam kung saan ang patutunguhan. Mabuti nalang talaga may mabuting tao pa katulad ni Ate Janine at Kuya Lester na naka kita sa akin. Marami din ako'ng nakasalubong kanina ngunit napagkamalan pa ako'ng baliw. Napailing ako saka mabilis na nilantakan ang inihaw na isda. Nakahihiya man, pero naubos ko talaga ang isda at isang kaldero na kanin. Gagawin ko nalang lahat na trabaho dito sa bahay nila Kuya Lester para kahit papano hindi ako maging pabigat. At magpatulong din ako na makahanap ng trabaho.
Pagkatapos ko'ng kumain, napasandal ako sa upuan sa sobrang kabusugan. Namamawis pa ang aking noo sa pagka busog. Parang hindi ako makatayo sa sobrang bigat ng tiyan ko. Mabuti nalang hindi pa bumalik si Kuya Lester. Nakahihiya kapag makita niya na nakasandal ako sa upuan habang hindi pa niligpit ang pinagkainan ko. Baka sabihin na batugan ako at paalisin pa ako sa kanilang bahay.
Nang medyo gumaan na ang tiyan ko, tumayo na ako saka mabilis na niligpit ang pinagkainan ko. Pinunasan ko rin ang mesa. Saka hinugasan na rin ang pinagkainan ko. Pagkatapos ko'ng malinis ang kusina, lumabas na ako para tingnan kung nasa sala na si Kuya Lester. Sakto paglabas ko ng kusina, pababa din siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Bagong ligo siya at may dala siyang damit at tuwalya.
"Tapos ka na ba'ng kumain, Melchor? Siya nga pala, ito muna ang isusuot mo. Parang kasya naman ito sa iyo. Ito muna ang isuot mo, bukas bibilhan kita ng mga damit. Saka ang kulay blue na tsinelas sa pintuan iyun ang tsinilas mo. Halika ihahatid na muna kita sa magiging kwarto mo. May banyo din sa kwarto mo. Maligo ka muna at magbihis. Pagkatapos saka tayo mag-usap. Kailangan mo pa kaming makilala ng Asawa ko at ikaw rin. Para hindi ka na mahiya sa amin at ituring mo kami na pamilya." Saad ni Kuya Lester. Hindi ko naman maiwasan na tumulo ang aking luha. Hulog talaga sila ng langit sa akin. Na kahit kakilala pa lang nila sa akin hindi sila nag-atubili na tulungan. Tinanggap ko ang binigay niya na damit at tuwalya.
"Maraming salamat ho talaga Kuya. Babawi ako sa lahat ng kabutihan niyo sa akin Kuya." Naluluha ko'ng sabi.
"Sus, wala iyun. Halika na para makaligo ka at makapag bihis. Amoy araw ka." Natatawang sabi ni Kuya Lester. Saka inakbayan ako papunta sa magiging kwarto ko. Napangiwi ako dahil totoo nga na amoy araw ako. Isang araw pa ako'ng walang ligo at bihis. Nanggaling pa ako sa sakahan kaya mabaho na talaga ako. Hindi lang amoy araw, kundi amoy usok at pawis pa.
Pagdating namin sa magiging kwarto ko, tinuro ni Kuya ang banyo pagkatapos nagpaalam na babalik sa sala at duon nila ako hintayin ni Ate Janine. Nagpasalamat ako muli kay Kuya Lester bago siya tuluyan lumabas sa kwarto. Pumasok na rin ako kaagad sa banyo at mabilis na naligo. Pagkatapos nagbihis na rin ako ng damit. Napangiti ako dahil may brief din palang kasama at mukhang bago pa. Kahit matanda si Kuya Lester sa akin mag kasing katawan lang ako. Hindi ko pa alam kung ilang taon na siya. Ang alam ko lang kanina na pitong taong gulang si Jasmine at nasa grade two na. Pagkatapos ko'ng magbihis, lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa sala. Nakaupo na si Ate Janine at Kuya Lester.
Nang makita nila ako, niyaya ako ni Kuya Lester na umupo rin. Kaya umupo ako sa upuan na kaharap nila.
"Mabuti at kasya naman sa'yo Melchor. Kamusta ang pakiramdam mo? Parang nanghihina ka kasi kanina." Wika ni Ate Janine.
"Oo Ate. Maraming salamat, saka maayos na ang pakiramdam ko dahil naka kain at naka ligo na ako. Maraming salamat talaga sa inyo ni Kuya Lester." Madamdaming pasalamat ko sa kanila.
"Walang anuman. Saka feel at home ka dito sa bahay namin." Nakangiti na sabi ni Ate Janine. Tumango ako at nagpasalamat sa kanilang dalawa.
"Alam mo naman siguro kung bakit gusto ko namin kausapin. Sabihin mo sa amin kung taga saan ka? Kung bakit ka napadpad dito sa Santo Birhen." Dugtong na sabi ni Ate Janine. Malungkot ako'ng tumingin sa kanila bago ko kweninto ang lahat-lahat. Walang labis walang kulang. Napasinghap naman si Ate Janine tungkol sa mga sinabi ko.
"Panganay ho ako sa limang magkapatid. Ngayon ho 17 years old na po ako. Hanggang high school lang ang natapos ko dahil hindi na ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa college. Kaya tumulong nalang ako sa Tatay ko sa maliit naming sakahan at minsan kung may ani ng palay sa iba. Nag-aani din ho ako. Iyun nga ho iyung sinabi ko sa inyo na parang na frame-up ako. Mabuti nakasakay ako sa delivery truck. Pagdating namin sa malawak na palengke, bumaba na ako kaagad para hindi ako makita ng driver at baka makilala ako at ituro. Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa nakita niyo ako kanina sa daan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa. Basta sa isip ko makalayo lang ako na walang makilala sa akin." Mahabang pag kwento ko sa kanila.
"Mabuti nalang pala nakita ka namin kanina. Saka parang wala pa naman kaming nabalitaan na balita sa tv o radio sa nangyari. Kawawa naman ang bata sana mahuli ang totoong may gawa sa kaniya. Saka mabuti nakatakas ka." Saad ni Ate Janine sa malungkot na boses. Nakahinga naman ako maluwag na parang hindi nila ako hinusgahan na parang naniniwala sila sa akin.
"Naniniwala kayo sa akin Ate? Hindi kayo natakot sa akin?" Kinakabahan na tanong ko.
"Bakit naman kami matatakot? Ganiyan din ako sa mga pamilya ng Ate Janine mo. Puro sila panghuhusga sa akin. Kaya nga nandito din kami. Malayo kami sa pamilya ni Ate mo Janine. Ulilang lubos na rin ako. Hindi rin ako nakapag college. At ayaw ng pamilya ni Misis sa akin. Pero pinaglaban namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Kaya heto kami ngayon masaya kasama ng aming prinsisa. Ramdam namin sa puso namin na mabait ka. Sino kami para husgahan ka. Ligtas ka sa amin, kung darating ang araw na malaman na nandito ka. Tutulungan ka namin, pero habang wala pa'ng may alam na nandito ka. Maging panatag ka dahil pamilya ka na namin at ituring mo na rin kaming pamilya." Wika ni Kuya Lester.
"Saka tamang-tama. Dahil nag-usap kami ni Mister na maghahanap ng magiging kasama ni Jasmine. Medyo hectic na kasi ang schedule ko sa eskwelahan. Kaya naawa na ako kay Jasmine dahil kung anong oras Ako makatapos, saka naman kami makauwi. Gusto ko kasi pagkatapos ng klasi niya mauna siya umuwi sa bahay para makapag pahinga siya. Ayaw ko naman na kung sino lang ang magbabantay sa anak namin. Alam mo naman ang panahon ngayon, nakakatakot magtiwala lalo na babawi si Jasmine." Saad ni Ate Janine
"Tapos si Mister gabi na rin minsan makauwi sa bahay. Kaya kung gusto mo ikaw na muna ang kasama ni Jasmine. H'wag ka munang magtrabaho sa baya at baka may maka kilala sa iyo. Kahit ngayon ka lang namin nakilala, basi sa kwento mo. Isa ka'ng mabait na Kuya at anak. Kaya may tiwala kami sa iyo." Pagpatuloy na sabi ni Ate Janine.
"Talaga ho Ate Kuya? Maraming salamat ho talaga sa inyong dalawa. Marunong din ho ako magluto at mag laba. Ako nalang ho ang gagawa dito ng lahat ng gawain sa bahay niyo ho. Pangako alagaan ko ng mabuti si Jasmine. Ituring ko ho siya na bunso. Para hindi ko ho ma-miss ang bunso namin. Magka edad lang ho kasi sila." Masigla ko'ng sabi.
"Siya nga pala, may pwedi ba'ng matawagan sa inyo para malaman ng mga magulang mo na safe ka? Para hindi sila mag-alala sa'yo." Sabi ulit ni Ate Janine.
"Wala ho Ate. Mabuti ho siguro na hindi ko muna makausap ang mga magulang ko para hindi ako matunton dito Ate. Alam ko na hindi naman pababayaan ng panginoon ang mga kapatid at magulang ko. Kapag makaipon na ako Ate. Padalhan ko nalang sila." Malungkot na sabi ko.
"Ganito nalang, su-swelduhan ka namin para makaipon ka. Saka pahingi nalang ng address niyo. Padalhan ko sila ng kunting pera. Pahingi ng complete name ng Nanay mo. Ako ang bahala, kaibigan ko ang manager sa remittance center. Kausapin ko siya, na kung pwedi na kakausapin niya ang branch manager sa remittance center sa inyong lugar para maibigay sa Nanay mo ang pera." Saad ni Kuya Lester. Hindi ko napigilan na yakapin siya at umiyak sa kaniyang bisig at paulit-ulit na nagpasalamat sa kanilang dalawa. Sobrang bait nilang mag-asawa.
"Alam ko kung paano maging mahirap. Sobra din ang hirap na pinagdaanan ko bago kami nakapundar ni Misis. Basta mabait at pursigido ka lang. May awa ang panginoon. Wala sa pinag-aralan ng isang tao kung ma-abilidad ka lang. Marating mo ang pangarap mo sa buhay. Kaya medyo nakaluwag kami ni Misis dahil sa pagsisikap naming dalawa at kahit wala ako'ng tinapos tinanggap at pinaglaban niya ako. Kaya mahal na mahal ko si Misis." Saad ni Kuya Lester. Malawak ang kaniyang ngiti sa huli niyang sinabi saka hinapit sa katawan si Ate Janine at hinalikan sa gilid ng ulo.
"Mahal naman din kita. Kaya nga pinili at pinaglaban kita. Hindi naman ako nag-sisi na pinili at pinaglaban kita dahil maganda naman ang naging buhay namin ng anak mo." Masayang turan ni Ate Janine.
Nakangiti ako habang nakatingin sa kanila. Sobrang sweet nila at makikita mo talaga na mahal na mahal nila ang isa't-isa.
"Ikaw ba Melchor may girlfriend sa inyo?" Pagkuwan na tanong ni Kuya Lester.
"Wala ako'ng girlfriend Kuya at wala pa sa isip ko. Saka parang hindi ko na iniisip na magka girlfriend." Tugon ko.
"Malay mo dito mo makita. Maraming maganda dito, kapag mag tagal ka dito baka dito ka na magka asawa." Pa ngiti-ngiti na sabi ni Kuya Lester. Ngumiti nalang ako sabay kamot sa aking batok. Ang bilis gumaan ng loob ko sa kanila. At ramdam ko na ganun din sila sa akin. Kweninto nila ang pinagdaanan nuon. 40 na pala si Kuya Lester at 38 naman si Ate Janine. Pagsapit ng alas-sais ng gabi. Sinabi ni Kuya Lester na magluto siya ng hapunan. Kaya ako ang nag prisintar na magluto. Sinabi ko rin na naubos ko ang isda at kanin. Medyo nahiya pa ako dahil naubos ko, na parang kasya yata sa tatlong tao. Ngumiti lang si Ate Janine dahil ganun din daw kumain si Kuya Lester kapag gutom.
Sinamahan ako ni Kuya Lester sa kusina at sinabi kung ano ang lulutuin ko. Si Ate Janine naman tiningnan muna si Jasmine sa kaniyang kwarto. Pagkatapos sabihin ni Kuya na mag adobo ako ng manok dahil iyun daw ang paborito ni Jasmine. Inumpisahan ko na kaagad mag hiwa ng rekados habang hinihintay na mawala ang ice sa manok. Habang si Kuya Lester lumabas sa kusina pagkatapos niyang sabihin at ituro kung saan ko makita ang mga gagamitin ko sa pagluto.