JASMINE Bigla ako'ng nahiya sa sinabi ko at sa pagyakap ko kay Angkol. Kaya pagbaba ko ng sasakyan hindi ko manlang nagawang magsalita para magpaalam na mauna na ako. Dali-dali ako'ng naglakad papasok sa bahay. Dumiretso ako kaagad sa kwarto at pumasok sa banyo. Naghilamos ako kaagad para mawala ang pamumula ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyun kanina. Parang may sariling isip kasi ang dila ko na magtanong kung pwedi na ako'ng mag crush. Mabuti nalang at nakapag pigil pa ako na hindi ko nasabi na siya talaga ang crush ko. Pero napansin ko nang sinabi ko na mtanda sa akin ang crush at hindi ko classmate. Parang nag liwanag ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang nakita ko dahil ngumiti siya. Ang tigas kanina ng katawan ni Angkol unang beses na nagka dikit ang k

