MELCHOR "Naks bagong gupit ah!" Bungad ni Jasmine pagpasok niya sa sasakyan. Bukas na kasi ang birthday niya kaya bago ko siya sinundo. Dumaan muna ako sa barber shop para magpa gupit. Naging busy ako ng isang buwan dahil marami ang nagpa gawa ng mga sirang sasakyan sa talyer kaya humaba na ang buhok. Gusto ko na maging presentable din bukas kapag pumunta kami sa restaurant. At para hindi naman siya mapahiya kapag kasama ako. "Mahaba na kasi at mainit kaya nagpa gupit ako. Bagay ba o pangit ako tingnan." Tanong ko. "Bagay na bagay sa'yo Angkol mas lalo ka'ng gumwapo." Pa ngiti-ngiti niyang sabi. "Talaga ba na gu-gwapuhan ka sa akin?" Kunwari na tanong ko. Bigla kasi ako'ng kinilig sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam pero lately parang kakaiba ang naramdaman ko para kay Jasmine. Na para

