UMALIS kami ng bahay ni Lieutenant sakay ng kanyang cruiser. Tamang hawak lang ako sa dulo ng kanyang leather jacket habang tumatakbo ang motor. Ang bilis niya kasi mag-drive at talagang may palusot-lusot pa sa gitna ng mga kotse para makauna lang. Pakiramdam ko nga ay matutumba na kami ano mang oras dahil parang patagilid na ang pagtakbo ng motor, kaya naman sa huli ay napayakap na lang ako ng mahigpit sa kanyang baywang, dahil baka mahulog ako kung kakapit lang ako sa kanyang jacket. Dumating kami sa isang supermarket, pagkapasok namin sa loob ay agad na kumuha ng cart si Lieutenant. Pero pagkalapit niya sa akin ay bigla na lang akong binuhat at nilagay sa loob ng cart. “Ba't mo ako sinakay?” angal ko at akmang tayo na pero hinawakan niya ako sa balikat at muling pinaupo. “Diyan ka la

