Chapter 44

2209 Words

HINDI ako makatulog kahit anong pilit ko; bukod sa na-bother ako sa mga pinagsasabi ni Lieutenant ay nakaramdam din ako ng takot na mag-isa lang sa loob ng kuwarto. Parang nakakatakot nga mag-isa sa kuwartong 'to dahil hatinggabi na, at pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin na hindi ko nakikita. Ang creepy lang at medyo mabigat sa pakiramdam lalo na't old house na 'to at matagal nang hindi natitirahan. Baka nga may nagmumulto talaga, baka may mga kaluluwa na, mga masasamang espirito. Hindi na rin ako kinulit pa ni Lieutenant at mukhang natulog na sa kabilang kuwarto na malapit lang sa kuwarto ko. Nakakainis lang; kung bakit naman kasi nabuking na niya ako na isang babae; eh di sana puwede kaming matulog sa iisang kuwarto lang. Pero dahil alam na niyang babae ako, kailangan ko na naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD