Paglabas ko ng bathroom ay nasa loob na ng room namin si Lieutenant Rex at nakaupo na sa may couch. “Oh, Lieutenant, kumusta ka na?” kunwari ay masigla kong pagbati. Tiningnan naman ako ni Lieutenant, akala ko ay ngingitian na ako. Pero bigla na lang ako nitong binigyan ng masamang tingin at inirapan. Napataas naman ang kilay ko at marahan na humakbang palapit. “May problema tayo, Lieutenant? May nagawa ba akong mali at parang masama ang tingin mo sa akin?” Pero hindi ako sinagot at tumingin lang kay Captain. “Kailan kayo uuwi? May misyon pa ba kayo?” “Yes, meron pa. So maybe next week pa kami makakabalik ng bansa.” Napatango-tango na si Lieutenant at tumayo na. “Tamang-tama, hanggang next week din ako rito. At dahil magkasama naman kayo ni Wendel sa iisang room, then dito na lang di

