Chapter 36

1506 Words

NAKATULOG akong nabo-bother sa mga pinagsasabi ni Captain. Lintik na mooncake, hindi ko alam kung codename ko ba 'yun na ibinigay niya sa akin o call sign namin dalawa bilang partner sa misyon. Eh kasi naman sabi niya ay tawagin ko rin siyang mooncake kung gusto ko, basta 'wag na Captain. Ang weird niya talaga. Hindi ko maintindihan ang kanyang mga kinikilos mula pa kahapon. May paghaplos-haplos pa siyang nalalaman sa pisngi ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaisip na baka kaya siya nagiging ganito ay dahil alam na niyang babae ako, at gusto niya akong akitin para bumigay ako sa kanya. Sa madaling salita ay sinasamantala niya ang kahinaan ko bilang babae. Baka sinusubukan niya ako. Sa isipin na gano'n nga ay parang kumulo yata ang dugo ko. Pero gayunpaman ay kailangan ko pa rin magtim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD