HINDI na namin nahanap pa ni Lieutenant ang drone, mukhang nahulog na nga sa mga kakahuyan kaya hindi na namin mahagilap pa kahit anong hanap namin. Mabuti na lang ay hindi pala natuloy ang transaction nina Captain sa semilya dahil hindi dumating ang buyer, baka raw sa lunes pa ulit. Galit na galit naman si Captain nang malaman ang pagkawala ng drone dahil nag-iisa lang pala 'yun at kailangan pa namin bumalik ng Isla para makakuha ulit ng ganoong klaseng drone. At ngayon ay kakauwi lang namin sa trabaho, pagod na pagod na naman dahil kailangan pa namin ipagpatuloy ang pagpapanggap namin. Mabuti na lang pag-uwi namin ay hindi na ako inutusan pa ni Captain magluto at siya na mismo ang nagkusa katulad kahapon. “Gulay na naman ang ulam natin? Wala na bang iba, Captain?” reklamo ni Lieuten

