NAALIMPUNGATAN ako nang yugyugin ako ni Lieutenant Rex. “Gising na, Wendel! Narito na si Captain!” Nakasimangot akong nagmulat at pupungas-pungas nang bumangon. Pero pagbangon ko pa lang ay agad na binigay sa akin ni Captain Yael ang isang maliit na bote. “Magsarili ka at ilagay mo rito sa loob.” Napakurap ako at napatingala sa kanya. “Huh? Ano ang ilagay ko riyan sa loob?” “Semilya mo.” Napamaang na lang ako. Semilya ko? Seryoso ba ang lalaking 'to? “Oh eh bakit ako? Bakit hindi na lang si Sir Rex?” “Tsk. Ayokong lapastanganin ang semilya ko!” asik na sagot ni Lieutenant sa akin habang nakasandal sa headboard ng kama. “Sige na, dalian mo. Magsarili ka na roon at baka mamaya ay dumating na ang kaibigan ni Jovert,” pamimilit sa akin ni Captain at hinila na ako pababa ng kama. “Pe

