NAKATULOG kami ni Lieutenant Rex nang magkayakap; tuluyan na akong nakatulog dahil hindi ako gumalaw o nagmulat pa ng mata kahit konti nang marinig ang pagpasok ni Captain, pinanindigan ko ang pagpapanggap kong tulog hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog. Nang magising ako ay nagulat pa ako nang magtama ang mga mata namin ni Lieutenant na nakatitig pala sa akin, seryoso akong pinagmamasdan habang nakaupo sa kama. Pero nang makita ang pagmulat ko ay bigla na lang itong natauhan at pinitik na lang bigla ang noo ko. “Gising na, bubwit. Tanghali na, ang tagal mong magising!” Pinandilatan pa ako nito ng mata. Napasimangot naman ako at sinamaan muna siya ng tingin bago napapahikab na bumangon. Pero pagbangon ko ay parang nagulat pa ako nang mapatingin sa nakabukas na bintana kung saan pu

