Chapter 4

2530 Words
Mahaba-habang habulan bago namin nailigaw nang tuluyan ang mga sasakyan na humabol sa amin na inakala kong isa lang nung una pero tatlong kotse pala. Pagkatapos ng habulan ay pumasok na ang kotseng sinasakyan namin sa garage ng isang club nang automatic itong bumukas mag-isa. “Pare, umaga na, magka-club ka pa?” tanong ko na parang matatawa, pero at the same time ay nagtataka dahil pinasok niya mismo ang kanyang sasakyan sa garage ng club, hindi sa parking area lang ng para sa mga customer. Hindi nito sinagot ang tanong ko na akala mo'y walang narinig. Pagkababa namin ng kanyang sasakyan ay agad nitong hinila nang marahas ang braso ko papasok ng club. At nang tuluyan na kaming nakapasok ay wala na palang mga tao sa loob; walang nag-iinuman o kaya nagsasayawan, mukhang nakauwi na lahat, paumaga na rin kasi. Pero may tatlong lalaking nakasuot ng pang waiter uniform ang naglilinis sa loob. “Good morning, boss!” magalang nilang pagbati sa lalaking kasama ko nang makita nila ito. “Kayong tatlo, tama na 'yang paglilinis niyo. Puwede na kayong umuwi ngayon.” Napatigil naman ang tatlong lalaki. “Pero, boss, hindi pa kami tapos maglinis; kakaumpisa pa nga lang namin, eh,” sagot ng isa. “Basta umuwi na kayo, ipapatapos ko na lang 'yan dito sa bubwit na 'to.” Inakbayan ako ng lalaking may ari ng pato. “Wow, boss, sige! Maraming salamat!” halos magkasabay na sagot ng tatlong lalaki na parang biglang natuwa at mabilis na ngang umalis; tila excited nang makauwi. Naiwan naman kaming dalawa. Inalis na nito ang pagkakaakbay sa akin at tiningnan na ako. “Kung ayaw mong ipakulong kita sa kasong pagnanakaw, pwes maglinis ka. Siguraduhin mong malinis lahat bawat sulok nitong club.” Napangisi naman ako at mabilis na sumaludo sa kanya. “Yes, sir! Lilinisan ko 'to ng walang halong reklamo!” “Good. Simulan mo na.” Kaya naman mabilis kong dinampot ang mop at inumpisahan nang maglinis. Ang lalaking may ari ng pato ay naupo sa sofa at pinanood na lang ako. “Boss, ikaw ba ang may ari nitong club?” tanong ko habang patuloy ang pagma-mop ng sahig. “Yes,” he replied. Napa-oh naman ako at napatango-tango. Ang galing, akalain mong may-ari pala siya ng ganito kagandang club. “Pero matanong ko lang, ba't may baril ka? At sino 'yung mga humabol sa atin kanina? Malaki ba ang atraso mo sa kanila at gusto ka nilang patayin?” Bahagyang tumaas ang kanyang kilay sa tanong ko. “Nagtatrabaho ako sa gobyerno, at ang mga humabol sa atin kanina ay mga criminal 'yun, mga salot sila sa lipunan.” Agad na namilog ang bibig ko dahil sa pagkamangha nang marinig ang kanyang sinabi. “Wow, boss, ang astig mo pala. Akala ko isa kang drug lord o kaya holdaper kaya ka may baril. Pero hindi ko akalain na sa gobyerno ka pala nagtatrabaho. Ang pogi mo, boss! Pero mas lalo kang gumuwapo sa paningin ko ngayon nalaman kong sa gobyerno ka pala nagtatrabaho!” Pansin ko ang kanyang pagngisi sa sinabi ko at pagngisi. “Tsk. Ang galing mong mambula, takot ka lang naman na ipatapon kita sa kulungan.” Napakamot na lang ako sa ulo at pinatuloy pa rin ang paglilinis ng sahig gamit pa rin ang mop. “So magkano naman ang pinapasahod mo sa mga waiter mo?” pag-iiba ko sa usapan. Pansin ko kasing sumasama ang timpla ng mukha niya kapag naaalala ang kanyang pato. “Twenty thousand a week, depende.” He shrugged. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad na napahinto sa aking ginagawa. Ang laki naman nu'n! “Puwede mag-apply, boss? Promise, magsisipag ako!” And he grinned, tumayo na at kumuha ng isang bote ng alak sa loob ng bar counter. Matapos buksan ang bote ng alak ay agad itong nagsalin sa isang kupita at lumagok na ng konti bago ako sinagot. “Trustworthy ang hinahanap ko, hindi manggagantso.” Lintik! “Trustworthy naman ako, kasalanan lang ng pato mo nag-trespassing kaya nabitay!” medyo inis kong sagot. Lintik talagang patong 'yun, nagmumukha akong magnanakaw dahil lang sa hayop na 'yun. “Sige na, boss, gawin mo na akong waiter mo rito sa club mo. Promise, hindi ka magsisisi sa akin dahil mas lalo ko pang pagsisipagan kapag kinuha mo ako.” “Tsk. Linisan mo na lang 'yan at umuwi ka na pagkatapos. Basta siguraduhin mong malinis bago ka umalis, dahil kung hindi, babalikan pa rin kita at baka ipatapon na sa kulungan.” Tinalikuran na nito ako at pumasok na sa isang pinto habang dala ang kupitang may alak. “Yes, boss!” Sumaludo na lang ako. Pero nang umalis na ito at hindi ko na makita pa ay binitawan ko na ang mop at agad na naupo, dahil sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng antok. Dapat sa mga oras na ito ay nakauwi na ako sa bahay at mahimbing na natutulog dahil tapos na ang trabaho ko, pero heto at pinapalinis ako. “Bahala na, basta iidlip muna ako saglit bago maglinis ulit,” mahina kong kausap sa sarili ko at naupo na sa mahabang couch na nasa loob din ng club. Pinikit ko na lang ang mga mata ko na parang bumibigat na rin dahil sa antok. Pero ilang sandali pa lang ako nakapikit nang maramdaman kong may mahinang pumitik sa tainga ko. Akala ko ay langaw lang nung una kaya hinayaan ko lang, pero sa pangalawang pagkakataon ay napasimangot na ako, hanggang sa napabalikwas na ako ng bangon sa pangatlong beses. “Ano ba! Natutulog ang tao masyado kang istorbo—” Napatigil ako sa pagreklamo ko nang bumungad sa akin ang tatlong lalaki. “Hey, hindi mo pa tapos ang trabaho mo pero natutulog ka na agad? Magagalit niyan sa 'yo si Yael oras na maabutan ka,” wika ng isang lalaking blonde. Napasimangot naman akong bumangon. “At sinong Yael naman 'yang sinasabi mo?” Parang hindi makapaniwala na tiningnan ako ng tatlong lalaki; iba't iba ang kanilang expression habang nakatingin sa akin: nakakunot ang noo ng isa, nakangisi ang isa, at napakaseryoso naman ng isa. “Boss mo pero hindi mo kilala? He's the owner of this club.” Oh, so ibig sabihin Yael ang pangalan ng lalaking 'yun. “Ah, extra lang naman ako rito. May maliit na utang lang ako sa kanya na dapat kong pagtrabahuhan,” paliwanag ko na napakamot pa sa ulo. “Then you should do your job, bro,” sagot ng isang lalaki na napasatsat pa na may kasamang pang pag-iling sa akin bago naupo sa may table at nagsalita ng alak sa kupita. Naupo na rin ang dalawa nitong kasama. Wala na akong nagawa kundi damputin ang vacuum at pinagpatuloy na lang ang paglilinis kahit inaantok. “Nga pala, mga pare, dito rin ba kayo nagtatrabaho?” tanong ko sa kanilang tatlo habang patuloy ang pagba-vacuum. “Kaibigan kami ng boss mo, pero huwag kang mag-alala dahil mas mabait naman kami kaysa sa kanya,” sagot sa akin ng isa habang ang tingin ay nasa kanyang hawak na phone. “At dahil first day mo ngayon, halika muna rito, samahan mo kaming uminom,” pagtawag naman sa akin ng blonde. “Hayaan mo muna 'yan, hindi ka naman dito nagtatrabaho kaya halika na; uminom ka muna para mawala ang antok mo at makapagtrabaho ka nang maayos mamaya,” sang-ayon naman ng isa na sinenyasan akong lumapit. Napataas ang kilay ko. Seryoso ba sila? Akala ko ba hindi ako dapat patamad-tamad sa trabaho? Pero bakit niyaya nila akong uminom? “Pero baka magalit si boss Yael sa akin kapag naabutan akong nakikipag-inuman sa inyo?” kunwari ay pagtanggi ko. “Tsk. Huwag kang matakot sa kanya, kami ang bahala sa 'yo. Halika ka na, tingnan mo 'yang mukha mo halatang puyat at kulang sa alcohol.” Nagtawanan silang tatlo. Napakamot-ulo na lang ako at wala nang nagawa kundi magpatianod nang hilahin na ako paupo ng isa sa kanila. Pagkaupo ko ay agad na naglahad sa akin ng kamay ang dalawa sa kanila. “Ako nga pala si Dash, kaibigan ng boss mong si Yael. Pero puwede mo rin akong tawagin boss kung gusto mo.” “And my name is Ares, but you can call me Master. My share ako sa club na 'to, kaya kung sakaling maging permanent ang trabaho mo rito, magiging boss mo rin ako.” Talagang sabay pa silang naglahad ng kamay sa akin. “Hindi lang si Ares ang magiging boss mo, kundi kaming lima: Ako, si Yael, Axle, Cullen, at 'yang si Ares; kaming lima ang may ari nitong club. Pero si Yael lang ang pinaka-boss kumbaga, dahil mas mataas ang share niya,” ngising paliwanag ng nagngangalang Dash. Napatango-tango naman ako at sabay na tinanggap ang kanilang nakalahad na kamay gamit ang aking dalawang mga kamay. “Nice to meet you mga Master and Boss. At ako naman si Wendel.” “Oh siya, inom tayo, Wendel. Huwag kang mahiya, good mood lang kami ngayon kaya samantalahin mo nang makipag-inuman sa amin na mga boss mo; paminsan-minsan lang 'to.” “Basta kayo ang bahala kay boss Yael kapag naabutan tayo, ha?” panigurado ko. Sabay pa silang napaasik sa sinabi ko. “Come on, sabi ko naman sa 'yo, mga boss mo rin kami,” asik na sagot sa akin ni Dash. Napatango-tango naman ako. Sabagay, may punto nga ang sinabi niya. Bahala na, at least, makapagpahinga man lang ako. Akmang magsasalin na ako ng alak nang mapabaling naman ang tingin ko sa isang lalaking hindi pa nagpakilala dahil busy ito sa hawak na phone. “Ikaw, pare, anong pangalan mo?” tanong ko. “Cullen,” balewala nitong sagot sa akin habang nakatutok pa rin ang tingin sa phone. Si Dash ay agad akong inabutan ng basong may alak. “Inom na, Wendel. Hayaan mo si Cullen, baliw lang 'yan sa girlfriend niya kaya 24/7 'yan nakatutok sa kanyang phone.” Napilitan akong tanggapin ang baso at uminom nga ng isang lagok. Napangiwi na lang ako sa pakla ng alak. Ang sama ng lasa. Hindi pa naman ako sanay na uminom. “Wala ba tayong pulutan, mga boss?” napapangiwi kong tanong matapos lumagok ng mapaklang alak. “Hindi uso sa amin ang pulutan,” halos magkasabay nilang sagot sa akin. Napaasik ako. “Boring ang inuman kapag walang pulutan.” “Mas maganda ang inuman kung walang pulutan. Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga sanay uminom. Tama ba?” Si Dash. “Hindi ah, sanay na sanay ako. Mukhang kayo nga ang hindi, eh.” Napailing lang si Dash sa akin, at muli naman akong si sinalinan ni Ares ng alak. Si Cullen ay bumuntong hininga na tila badtrip sa kung sino man ang ka-text, tumayo ito saglit at binuhay ang flat screen TV sa loob ng club. “In fairness, napakaguwapo ninyong tatlo, mga modelo ba kayo?” tanong ko at muling sumimsim ng konting alak. “Tama ka, isa akong modelo. Pero 'yang dalawa hindi,” sagot ni Ares sa akin at inalog-alog pa ang hawak nitong baso na may konting alak. Napatango-tango naman ako, pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang pagkabuhay ng TV ay bumungad agad ang isang balita. Breaking news Nagkaroon ng barilan kagabi sa loob ng isang club at patay ang dalawang waiter sa loob ng isang VIP room kasama ang tatlo pang customer ng club. Sa ngayon ay kasalukuyan pang iniimbestigahan ang mga pangyayari, kaya hindi pa matukoy kung sino ang suspek. Nagbabalita, Jemmy Dela Cruz. Unti-unti kong naibaba ang hawak kong baso at hindi ko mapigilan ang mapalunok habang nakatingin pa rin sa TV. Hindi ko mapigilan ang mapalunok. Ibig sabihin pala, kung hindi ako nakaalis kagabi sa club na 'yun ay 'di malabong patay na rin ako kung namatay pala ang dalawang kasamahan ko. “Huwag ka munang umuwi sa inyo, manatili ka muna rito hangga't hindi natatapos ang kaso.” Napalingon ako sa nagsalita. Si Yael na kakalabas lang sa isang pinto at agad na lumapit sa table namin, pagkaupo nito ay agad na nagsalin ng alak at lumagok muna bago ako tiningnan. “Siguradong hahanapin ka ng mga lalaking humabol sa atin kagabi, kaya huwag ka na munang umuwi kung gusto mong maging ligtas ang mga kapatid mo.” Marahas naman akong umiling. “Aba, hindi puwede 'yun! Bakit nila ako hahanapin, eh ikaw naman ang hinahabol nila kagabi! Ikaw ang kalaban nila, hindi ako!” Napataas na ang boses ko. Pero bigla na lang akong binatukan ni Yael. “Exactly, ako ang kalaban nila. Kaya lang nakita nilang magkasama tayo kagabi, so iisipin ng mga 'yun na kasamahan kita. So hindi malabong idadamay ka nila. Baka nga ngayon ay pinuntahan na nila kung saan ka nakatira. Siguradong nakuha na nila ang address mo sa club na 'yun.” Nanlaki ang mga mata ko. “'Kung gano'n, 'yung mga kapatid ko kailangan kong puntahan!” Mabilis na akong tumayo at akmang tatakbo na palabas ng club pero mabilis na napigilan ni Yael ang braso ko. “Mas mapapahamak ang mga kapatid mo kung pupuntahan mo—” “Puwede ba! Mahalaga sa akin ang kaligtasan ng mga kapatid ko kaya huwag mo akong pigilan!” Malakas kong piniksi ang kamay nito at tumakbo na ako palabas ng club. Paglabas ko ay agad akong pumara ng taxi. Pero imbes na taxi ang pumara sa harap ko, ay ang sasakyan ni Yael. “Sakay na, ihahatid na kita!” Hindi na ako tumanggi pa at nagmamadali nang pumasok. Agad naman itong pinatakbo ni Yael ng mabilis. “Boss, tingin mo pinaghahanap na kaya nila ako? Pero ano naman ang dahilan kung sakaling hinahanap na nga nila ako? Anong gagawin nila sa akin kapag nahuli ako?” naguguluhan kong tanong na puno ng pangamba. “They will torture you, papaaminin ka nila kung saan ako matatagpuan. Kaya lang, pagkatapos ka nilang paaminin, siguradong papatayin ka rin nila para hindi sila sumabit sa batas.” Bigla naman akong kinain ng takot, hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga kapatid ko. Kawawa naman sila kapag ako namatay, walang mag-aalala sa kanila. “Boss, hindi ba nagtatrabaho ka sa gobyerno? Siguro naman puwede mong bigyan kami ng proteksyon ng mga kapatid ko? Pangako, hahanapin ko ang singsing mo para maibalik sa 'yo. At kung gusto no puwede mo rin akong gawing utusan mo, basta bigyan mo lang ng proteksyon ang mga kapatid ko para hindi sila mapahamak.” Saglit na napatingin sa akin si Yael at bahagyang napatawa habang patuloy ang pagmamaneho. “Wow ha, parang kani-kanina lang ang tapang mo. Pero ngayon, tingnan mo, namumutla ka na dahil sa takot.” “Ano ka ba naman, boss, syempre may mga kapatid akong binubuhay. Natatakot ako para sa kanila, kapag ako namatay wala nang magbubuhay sa kanila.” Tiningnan ako nito sa rear view mirror at mahina nang tumango-tango. “Sige, magpasa ka lang sa akin ng resume at kopya ng birth certificate mo. Saka ako magdedesisyon kung tatanggapin ba kita bilang alalay ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD