Chapter 33

2105 Words

WALA kaming imikan ni Lieutenant habang lulan na ng sasakyan pauwi. Nasa front seat ako nakaupo at katabi niya, nasa backseat naman ang mga kapatid ko na tahimik na lang din, napagod yata kakasigaw dahil sa pagsakay sa mga rides, at parang inaantok na si Meme dahil napapahikab na, gano'n din si Arya. Maliban kay Jemma na abala na sa kanyang phone, tila may ka-text. Nang magtama ang mata namin ni Lieutenant sa rearview mirror ay agad akong umiwas, at rinig ko naman ang kanyang mahinang pagtikhim pero hindi naman nagsalita. Nakakailang na tuloy, parang biglang naging awkward sa pagitan namin. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya lang ba ako, pero hindi ko mapigilan ang ma-bother sa kanyang mga sinabi kanina. At ngayon ay nakakaramdam na ako ng pagka-ilang, at tingin ko ay gano'n din siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD