NADECH: NAKATULALA AKO buong magdamag sa pagtatapat ni Catrina na siya nga ang salaring hinahanap ko! Na tama lahat ng accusations ko dito. Pero sayang lang na hindi 'yon nai-record. Kung itanggi niya ang pag-amin niyang iyon sa akin sa susunod na araw ay wala akong magagawa. Napasapo ako sa ulo na hinihilot ang sentido ko. Maliwanag na sa labas. Hindi na rin ako nakatulog pa sa biglaang pagsulpot ni Catrina dito at ang walang paliguy-ligoy nitong pag-amin, f**k! Mariin akong napapikit na napahilamos ng palad sa mukha. Ilang minuto pa akong nakatulala sa sofa bago tumayo na naligo at napagpasyahang puntahan ko sina Mama Siobe sa probinsya. Na-mimis ko na rin ang mga bata at ang mahal ko. Kahit paano ay may maganda akong dalang balita para kay Mama Siobe na tiyak kong ikatutuwa nito. A

