CATRINA: PALAKAD-LAKAD AKO sa gilid ng pool habang may hawak na bote ng wine. Napapabuga ako ng hangin na iniibsan ang kaba sa dibdib ko. "Are you okay, sis? What's the matter with you?" napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Si Marione. Ang pinsan kong dalaga ni Tita Catrione. Ngumiti ako na napailing at tumungga sa wine ko. "I'm okay, sis. Pagod lang sa trabaho. Wala 'to" nakangiting saad ko. Napanguso naman itong matiim na nakatitig sa akin. Tila binabasa ang mga tumatakbo sa isipan ko. Napahinga ito ng malalim na naupo sa kaharap kong lounge chair. "Is that a guy, hmm?" nanunudyong tanong nitong pagak kong ikinatawa na napailing. "Nope" napanguso naman itong pinakibot-kibot pa. "Then who?" napahinga ako ng malalim na tumunggang muli sa wine ko. "Work" simpleng sag

