YOONA: NANIGAS AKONG parang natuod sa kinauupuan na namimilog ang mga mata habang ito'y salitang sinisipsip ang mga labi ko! Hindi ako makakilos na nangangatal ang buong katawan kong may nakayakap sa akin at ngayo'y malayang hinahagkan ang mga labi kong wala pang ibang labing nakakadapo! "Damn, baby. Kiss me back" nanggigigil na anas nitong marahang kinagat ang ibabang labi ko. "Uhmm" mahina akong napaungol na naibuka ang bibig. Napapapisil na rin ito sa likuran ko habang nagpapakasasa sa pagsipsip ng mga labi ko. Napakurap-kurap ako na tila natauhan kaya buong lakas ko itong naitulak at muling nasampal! "Manyak!" sigaw kong ikinangisi nitong namumungay ang mga mata. "Manyak, pero gustong-gusto mo naman" anas nitong naghahabol hininga. Nag-init ang mukha kong napaiwas ng tingin dito

