NATHAN: NAPAPANGISI AKO na parang haring naglakad ng hallway palabas ng hospital kung saan nagtatrabaho si Yoona na matulala ito sa sinaad ko. "Nagsisimula pa lang ako, doc Yoona" piping usal ko na sumakay ng kotse ko at tumuloy sa hotel na kalapit kung saan ako naka-book ng ilang araw. Naipilig ko ang ulo na sumagi na naman si Catrina Montereal sa akin. Napapanguso akong nagmamaneho na pinagtutugma ang mga bagay-bagay. Hindi pa ako sigurado kung si Catrina at Yoona ay iisa dahil kambal lang naman si Catrina at Cathryn Montereal ayon sa private investigator ko. Kilala silang mga anak ng pinakamayamang pamilya dito sa bansa. Ang pamilya Montereal. Kaya nakakapagtaka sa akin na bakit iisa lang din ang mukha ni Yoona sa kambal. Unless isa siya sa kambal na 'yon na nagpapanggap sa ibang ka

