CATHRYN: KABADO AKO habang hinihintay si Sherwin dito sa entrance ng venue ng dinaluhan kong ball party naming mga model. Napapakagat ako ng ibabang labi. Hindi ko maiwasang kabahan na baka hindi ito sumipot fūck! Hindi pwede. Inaabangan ng press ang boyfriend ko na ipapakilala ko ngayong gabi. "Damn, Sherwin. Malilintikan ka talaga sa akin, mokong ka" usal ko na napatungga sa champagne ko. Wala pa naman si Catrina ngayon kaya wala akong ibang kasama. Wala naman kasi kaming masasabing matalik na kaibigan sa showbiz. Paano, lahat ng mga katrabaho namin ni Catrina ay kakumpitensya ang tingin sa amin. Mainit kasi ang pangalan namin dahil sa surname na dala-dala namin. Ang Montereal. Kaya naman kahit mabait at friendly kami sa lahat ay meron at merong insecure sa amin. At sa mundong ginaga

