CATHRYN MONTEREAL: PALAKAD-LAKAD AKO dito sa loob ng opisina ni Sherwin Evans habang nakahalukipkip na hinihintay ang kumag na 'yon. Ang lakas ng loob paghintayin ako porket may kailangan ako dito. Tsk. Kung hindi lang kitang-kita ang mukha niya sa viral video namin kamakailan ay hindi ito ang aalukin kong magpanggap na kasintahan ko eh. Si Sherwin kasi 'yong tipo na shy type man. Typical look lang din. Sakto lang. Napaka-inosente ng maamong mukha at laging malinis sa katawan. Isa siyang doctor dito sa hospital ng mga Parker na pinagtatrabahuan. Kamakailan ko lang nalaman ang patungkol dito dahil kailangan kong makabisa ang mga basic information nito. Napataas ako ng kilay nang bumukas ang pinto at niluwal non ang lalakeng dahilan kung bakit kinansela ko ang ilang photoshoot ko ngay

