IYON na ang ikalawang pagpanhik niya sa engineering department. Hindi niya pinansin ang humahangang mga mata. Nahagip ng paningin niya si Harley na nagsasalubong ang mga kilay pagkakita sa kanya. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy sa opisina ni Lance. Sa bawat hakbang ni Desiree ay tila may determinasyong sumusulpot mula sa kanyang mga paa. Ang kanyang pagiging walang pakialam sa mga tingin ng iba ay nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.
"Busy ba si Lance?" tanong niya sa sekretarya. Kinakabahan siya.
"Oo, eh. Bakit? Kanina pa nga sila nagmi-meeting sa loob para sa bagong road project. May iniutos ba si Sir Ordoñez sa'yo? Importante ba 'yan? Gusto mo bang katukin ko na lang si Sir?"
Umiling siya. Ang kaba ay nauwi sa disappointment na hindi niya makakausap si Lance. Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa sekretarya.
"Babalik na lang siguro ako mamaya. Hindi bale na lang siguro."
Akma na siyang tatalikod nang bumukas ang pinto ng silid ni Lance at tatlong executives ang lumabas doon. Sa likod ng mga ito ay si Lance na agad naman siyang nakita.
"May kailangan ka ba?" agad nitong tanong sa formal na tono.
"M-meron s-sana, pero mukhang busy ka." Alam niyang puno ng kuryosidad ang mga matang nakatuon sa kanya at nakikinig sa kanila. Lalo na si Nicole na kasunod na lumabas ng ama.
"Pumasok ka." Muli itong bumalik sa loob ng opisina.
Hinagod siya ng masamang tingin ni Nicole. "Ikaw na ba ngayon ang inuutusan ni Yvonne para makausap si Lance?"
"Abala si Yvonne," mahinang sagot niya at nagtuloy na sa loob ng opisina.
Nakatayo sa gitna ng silid ni Lance at sinalubong siya ng tingin nito. Hindi mabasa ang kanyang mukha. Automatic na sumara ang pinto at sumandal dito si Desiree. Hindi niya mahagilap ang mga salitang prinaktis na sasabihin kaninang pumanhik siya.
Buong buhay niya ay hindi siya kailanman nakadama ng ganito. Nasa dibdib niya ang walang kasiguraduhan at hindi alam kung saan siya nakatayo. She almost hated herself for loving this man.
"Well?" Si Lance na nag-angat ng mga kilay.
"N-nagagalit ka pa rin ba?" Her voice was the barest of whispers.
Tinitigan ni Lance si Desiree. Nangingislap ang mga mata sa nagbabantang luha subalit nakataas ang mukha upang mapanatili ang dignidad. Submissive and defiant both at the same time. An unusual combination, yet he found himself adoring it.
Huminga nang malalim ang binata. Hindi si Desiree ang uri ng babaeng kayang makitungo sa mga paraan nito. Desiree was such a child, so vulnerable, and so inexperienced in some ways.
"Come here, Lena," he commanded.
Humakbang papalapit ang dalaga. Lance met her halfway and imprisoned her in his arms tightly. Sapat iyon upang ang pinipigil na damdamin ay kumawala. Parang dam na nabuksan ang floodgates ang mga luha ng dalaga.
"Hush." Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. "I'm so sorry, darling. I wanted to call you back last night. Pinigil ko lang ang sarili ko. I was so furious with you."
"I—I didn't mean it as... as an insult," she was sobbing and talking at the same time. "Ang ibig ko lang namang sabihin ay—"
"Sshh," putol ni Lance sa sasabihin niya.
Sa halip na patuloy na magsalita, nagpatuloy siya sa pagyakap kay Desiree, pinapadama dito ang kanyang matinding pag-aalala.
"Listen, Lena," bulong ni Lance sa tenga ni Desiree, "I understand you didn't mean it that way."
Si Desiree ay unti-unti nang tumigil sa pag-iyak, ngunit ang mga mata nito ay puspusang nakatitig sa kanyang mga mata. Si Lance ay nagbigay daan sa isang ngiti, isang pag-asa na muling magsimula.
"I know that now. But let's move past this. I don't want us to fight," aniya, habang hinihimas ang likod ni Desiree nang mahinahon.
Hindi nagtagal, nag-alsa si Desiree mula sa kanyang yakap, nakatingin sa kanya ng may pag-aatubiling halong pag-asa.
"Kalimutan na natin iyon, okay?"
Nagbula ng bibig si Desiree upang magsalita nang may warning knock silang narinig. Mabilis siyang kumawala at naupo sa sofa sa pagsasalubong ng mga kilay ni Lance. Agad na pinahid ng kamay niya ang mga luha.
Husto lang na nakaupo ang dalaga nang bumukas ang pinto at sumungaw si Nicole. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa.
"Ano ang kailangan mo, Nicole?" Naroon ang iritasyon sa tinig nito. "May kulang pa ba sa napag-usapan kanina sa meeting?"
"Gusto ko lang itanong, Lance, kung matutuloy ang meeting mo ngayon sa Chamber of Commerce?" sagot ni Nicole pero hindi maiwasang hindi sumulyap kay Desiree na ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa carpet.
"Hindi, Nicole, dahil may meeting ako sa Manila Penn ngayong hapon." Pormal at malamig nitong sagot. "Anything else?"
"May problema ba sa personnel, Lance?" she persisted.
"Nothing that Yvonne can't handle." Naroon ang dismissal sa tono ng binata at napilitang lumabas si Nicole subalit hindi bago umalis ay matalim niyang sinulyapan si Desiree.
Ang muling sumara ang pinto ay mabilis na tumayo ang dalaga. Nanlaki ang mga mata sa pagkakatitig sa polo shirt ni Lance.
"Nabasa ko ang shirt mo!" bulalas niya sabay tayo.
"May extra shirt ako sa sasakyan. Don't worry," nangingiting sabi nito.
"Pero baka napuna ni Nicole na nabasa ang polo mo. Baka maghinala siya ng tungkol sa atin, Lance!"
Doon nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Let everyone think what they want to think, Desiree. Why should it bother you?" "I-ikaw lang ang inaalala ko. Ayokong isipin nilang pati ang sarili mong empleyado ay--"
"I don't remember na kasama sa by-laws ng kompanya na bawal sa aking magkaroon ng girlfriend na empleyado," agap ni Lance sa sasabihin niya. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng malalim na paghinga.
"Hindi siguro ako kasing-showy tulad ng ibang lalaking kilala mo, Desiree. But you should understand na hindi ako ordinaryong empleyado. And I always separate my personal affairs from business. Pero ayaw kitang itinatago. Kung may magtanong nang diretso sa akin tungkol sa ating dalawa sasabihin ko ang totoo."
"A-alam ni Yvonne ang tungkol sa atin. Siya lang ang kaibigan ko rito o kahit na sa labas..."
"Didn't she talk you out of this relationship?" matabang nitong tanong.
"If she did, iyon ay dahil nag-aalala lang siya sa akin."
Umangat ang kilay ng binata. "Really? Did she think you throw yourself to a wolf?" he mocked.
"Walang sinabi si Yvonne na laban sa iyo, Lance," pagtatanggol niya sa kaibigan. "Hindi mo siya masisisi kung nabigla siya na malamang may relasyon tayo sa napakaiksing panahon." Tinitigan niya ang binata, and asked softly: "I wonder that myself. B-bakit nga ba, Lance?"
Ano nga ba ang gusto nito sa kanya? Tulad din ba ni Harley?
Was he biding his time but in the end ay iyon din ang gusto nito? At kung mabigyan na ng fulfillment ang relasyon nilang iyon, hanggang kailan siya mananatiling girlfriend ni Lance? Paano kung pagsawaan siya nito?
Dapat bang putulin na niya ang relasyon niya sa binata nang mas maaga at hindi pa siya gaanong nasasaktan?
Tila nababasa ni Lance ang sama-samang katanungan sa mga mata niya. Nilapitan siya at hinawakan sa mukha at itinaas iyon.
"Alam kong masyado pang maaga. And still I cannot promise you anything. Because I do not know what to promise you. You tell me, Desiree? Ano ang gusto mong ipangako ko sa iyo?"
Banayad ang pag-iling niya. "I—I don't know," she whispered and knew that she was lying because she wanted him to promise to love her forever.
But she couldn't tell him that, could she? Kailangang kay Lance iyon manggaling. Hindi dahil idinikta niya.
And she had this feeling that he was confused himself. Kahit marahil si Lance ay nagtataka kung paano umusbong ang relasyon nilang iyon.
Tumango si Lance. "Please don't ask me why because I don't know either. I meant it when I asked you to be my girl. And I haven't regretted it so far. So, let's live each day joying each other's company, Desiree." Bumaba ang mga labi nito sa kanya at siniil siya ng halik.
She closed her eyes and kissed him back. Savoring the soft but firm lips that was possessing her. She met the thrust of his tongue in what she called a very erotic and knee-buckling kiss.
Pero hindi lamang pagnanasa ang nararamdaman ni Desiree sa mga sandaling iyon. Nakapaloob sa mga halik niya ang kanyang buong damdamin. Wanting him. Loving him.
Napaungol ang binata at pagkuwa'y marahan siyang inilayo.
"Whoa, darling! Haven't you realized by now how your body excites me? Nitong nakalipas na dalawang araw ay hindi ko malaman kung paano ko pipigilan ang sarili kong huwag kang angkinin, Desiree."
Muli ay pinamulahan ng mukha ang dalaga. She opened her mouth to say something but somehow the words lodged in her throat. Ipinagkanulo na naman siya ng kanyang damdamin.
"Kaya huwag kang magsimula ng isang bagay na hindi mo kayang tapusin," ani Lance sa gumagaralgal na tinig. A kiss was just a kiss. Sensual or otherwise. But no woman's kiss had ever affected him so up until now.
"I—I never meant to... to excite you, Lance. I only want to--"
"Marahil. But I am hot and hard just thinking about you." He laughed wryly. Perhaps she mistook s*x for comfort. Or it was him who mistook comfort for s*x. One may lead to another.
"May kakausapin akong mga tao sa Manila Penn ngayong hapon, Desiree. In fact, late na ako, so I have to go. Sisikapin kong tapusin ang meeting namin nang maaga. After office hours tumuloy ka sa hotel. Let's have an early dinner at pagkatapos ay manonood tayo ng concert sa Music Museum, okay?"
"Okay, I l-love you, Lance." Hindi niya napigilan ang sariling sabihin iyon. Nakita niyang natilihan si Lance. Mabilis niyang idinagdag: "Gusto ko lang sabihin iyon sa iyo. Hindi mo kailangang sagutin."
"My Desiree..." marahang bigkas ni Lance sa pangalan niya. Unable to grasp anything to say back to her.
"Tulad sa linya ng isang kanta, you could have stayed outside my heart..." She was speaking softly, so softly that he could hardly hear the words. "But in you came. And here you'll stay until it's time for you to go."
At bago pa nakakilos si Lance ay humakbang na siya patungo sa pinto at binuksan iyon at lumabas.
Nabigla si Lance sa kanyang narinig, nakatitig ito ng ilang sandali sa pintong nilabasan ni Desiree. Sa kauna-unahang pagkakataon, wala sa kanya ang huling salita. Sa halip ay naglaro sa isip ang awiting pinagkuhanan ni Desiree ng sinabi nito sa kanya.