Chapter 21

1010 Words
"HOY, may problema ba?" ang agad na bungad ni Keith nang makitang namumugto ang mga mata ni Desiree, tila nag-aalala sa nangyari. "What started to be a lovely night had suddenly turned into a nightmare, Keith," she confided. "Hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin kung paanong nangyari 'yon. Na-misunderstood niya 'yong mga sinabi ko. He suddenly got so angry. Tapos bigla na lang siyang umalis na hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ko. Parang biglang bumaligtad lahat. Ang saya naging lungkot, at parang ang gaan-gaan lang, biglang nagiging bigat. Pakiramdam ko tuloy, bawat salita'y dapat iniisip ng mabuti, para hindi magdulot ng gulo." "Gano'n talaga kapag lovers' fit. Normal lang 'yan." "Tinawagan ko na nga siya sa bahay nila kagabi para makapag-explain ako sa kanya at para na rin humingi ng paumanhin pero hindi niya man lang ako kinausap." She controlled her sobs. Magdamag halos na hindi siya nakatulog dahil sa kaiisip kay Lance. "Nakakapagod na rin, Keith. Parang gusto ko nang sumuko kasi wala namang balikan. Iniisip ko kung worth it pa ba itong mga sakripisyo natin sa pangalan ng pag-ibig." "Medyo sus talaga 'yang si Lance. Pero malay mo naman, nagpapalipas lang ng inis 'yon. Makikita mo, mamaya ay tatawag na iyon dito," pangongonsola naman ni Keith. "Keith, Alam mo ba? Hindi ako ganito kay Harley noon. Hindi naman ako ganito mag-overthink kapag nagagalit ito sa akin. Mas iritasyon pa ang nararamdaman ko." Pabuntong-hiningang tinitigan ni Keith si Desiree. "Now, I believe na you are in love, my dear friend. Cheer up ka na. Siguro nasa adjusting period pa kayo ng relasyon ninyo, wala pa kayong isang buwan, ah! Atsaka baka iba lang ang pagkakaintindi mo sa dalawang relasyon. Baka kailangan niyo lang ng time para pag-usapan ang mga bagay-bagay at malaman ang totoong dahilan ng gulo." "Iyan nga ang iniisip ko," she almost wailed. "Dapat nga hindi pa babangon ang ganitong misunderstanding dahil ilang linggo pa lang kami." "Hindi naman kasi gano'n ka-ordinaryo ang relasyon ninyo ni Lance, Desiree. Out of nowhere, basta na lang nabuo. Things just flow so naturally. At lalong hindi ordinaryo ang boyfriend mo at dapat mong i-expect ito." Puno ng simpatiya ang tinig ni Keith. "At maraming trabaho 'no, kaya medyo magiging busy ka at hindi mo makuhang isipin ang sama mo ng loob." Tumayo ito at kinuha mula sa sariling mesa ang isang dangkal na contractual forms ng mga empleyado at dinala sa mesa ni Desiree. "Eto, Desiree, habang naghihintay ng tawag kay Lance, pirmahan mo na lang muna itong mga dokumento. Baka sakaling ma-distract ka at makalimutan mo muna ang iniisip mo. Busy tayo dito sa trabaho, 'no?" "Here, sort 'these forms out and—" "That is an old trick," she smiled through misty eyes. "Tinatambakan mo ako ng trabaho kapag masama ang loob ko. Ang sama talaga ng ugali mo." "And the trick works naman 'di ba?" Gumanti ng ngiti ito. Napapailing na lamang si Desiree. Totoong maraming trabaho. Maraming gagawing contract para sa mga contractual employees sa bagong project pero saglit man ay hindi naalis sa isip ng dalaga si Lance. Gusto niyang tawagan ito sa intercom pero hindi niya magawa dahil magdadaan siya sa sekretarya nito at tatanungin siya kung ano ang kailangan. Kung gagamitin naman niya ang hot line nito ay hindi siya nakatitiyak na kakausapin siya ni Lance. Paano kung hindi? Baka bumulalas lang siya ng iyak. Nakakahiya sa mga kaopisina niya. NATAPOS na ang breaktime sa hapon pero hindi pa rin niya naririnig si Lance. At hindi siya nakatitiyak kung tatawagan pa siya nito o pupuntahan na lang niya sa townhouse. Ilang beses na nagbabantang bumagsak ang mga luha niya. Pinipigil lamang niya iyon. Kinakain siya ng insecurities sa katawan. Naguumpisa pa lang ang relasyon nila ni Lance pero hindi na niya alam kung paano pakitunguhan ang binata. Kinakabahan siya sa bawat oras na baka magkamali siya ng pakikitungo rito, at kapag nangyari 'yon ay baka mawala ito sa kanya. Yet, she couldn't be otherwise. Totoong mahal niya ito. Pagmamahal na ewan niya kung paanong lumago sa ganoong kabilis na panahon. At iniisip pa lang niyang mawawala sa kanya si Lance ay hindi na kayang indahin ng damdamin niya. But she couldn't go on thinking how to please him. It would be one-way traffic. At kung totoo ang sinabi sa kanya ni Lance na gusto siya nito, then gustuhin dapat nito ang talagang siya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Tumayo. Hindi niya kayang maghintay na lang at mamatay sa suspense kung makikipagkita pa sa kanya ang lalaki. "Saan ka pupunta?" si Keith. "S-sa itaas. Gusto kong linawin ang lahat. Kaysa naman nandito ako na wala man lang ginawa para ayusin ang gusot sa pagitan namin. I feel like dying here every time the intercom rings." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Keith. "Relax, Desiree. Baka busy lang si Lance. Kumalma ka nga muna." "Ayoko nang ganito, Keith. Ang pag-ibig at relasyon ay hindi dapat magpadama sa'yo na parang naglalakad ka sa makitid na alambre. Dapat itong magbigay inspirasyon sa'yo. It should make you feel inspired... happy and—" "Ikaw lang ang gumagawa niyon sa sarili mo, friend. Dahil hindi mo alam kung saan ka nakatayo sa relasyon ninyo ni Lance. At huwag mong sabihin sa aking hindi ka masaya sa relasyon ninyo. Dahil sa nakalipas na ilang linggo ay kumikislap ang mga mata mo sa tuwing nababanggit ang pangalan niya. Anyway, go upstairs and see him, kung makakapanatag sa iyo. Hindi kita pipigilan sa gusto mo." "Kung pinagkaabalahan niyang simulan ang relasyong ito, siguro naman ay pagkakaabalahan din niyang tapusin, kung talagang iyon ang pupuntahan," sagot niya. Isinantabi ang nagbabadyang sakit ng damdamin. "Can you take it?" nag-aalalang tanong ni Keith. Napangiti siya ng mapait. "Hindi ko naman ipinipilit ang sarili ko sa sinumang ayaw na sa akin, Keith. Kahit pa mahal ko 'yong tao, I have to have my pride intact. Para rin naman ito sa sarili ko." Binigay ni Keith ang kanyang pagkakaibigan kay Desiree. Keith gave Desiree her friendship. Now, Desiree had her respect, too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD