Chapter 20

1007 Words
NAINTRIGA ang matandang babae. Subalit hindi na nagpilit pa. Iniba niya ang usapan nila ng kanyang anak. "Kumusta naman si Nicole, Anak?" "Wala na 'yon, Mommy. Nagsawa na siguro sa kasusunod sa akin. May bago siyang lalaking pinagkakaabalahan ngayon," bagot nitong sagot. "Hindi ako namimili ng mapapangasawa mo, Lance. In fact, gusto na kitang mag-asawa dahil matanda na ako at hindi pa rin nagkakaapo bukod pa sa trenta ka na. Pero kapag ang Nicole na iyon ang pinakasalan mo ay pupunta na lang ako sa America. Magtatampo ako habang buhay." "Mommy, akala ko ba ay paborito ninyo ang anak ng isa sa mga executives ng Hayes Company?" sarkastikong sabi ni Lance. "Iyon ay noong bago ko siya makitang may ibang lalaki sa Rustan's sa dalawang pagkakataon at parehong magkaibang tao na naghahalikan. At isipin mong sa time na iyon ay lagi siyang pumupunta rito para bisitahin ka, declaring her undying love for you that I almost believed her!" "Almost ba?" sarkastikong sagot nito. "Talagang naniwala ka nang husto sa kanya, Mommy. At kulang na lang ay ipagtulakan mo akong pakasalan ang babaing iyon kahit hindi ko naman siya gusto." "Oh, well, she's beautiful, edukada at kilala na nating matagal ang parents niya." Medyo napahiya ang matanda sa sinabi ng anak dahil totoo iyon. "Pero masaya ako na nalaman ko kaagad kung anong uri ng babae si Nicole, Anak. I won't judge a woman by her appearance next time." Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Umaasa si Lance na iwan na siya ng ina. Subalit nanatili si Juvie roon at pinagmamasdan siya. Huminga nang malalim ang matandang babae. Pagkuwa'y, "So this 'thing' who just called, she's new. Pero paanong sa tono ng boses niya at sa nakikita ko sa iyo ngayon ay tila may namamagitan na sa inyo?" Ibig na matawa ni Lance sa ina. "You don't easily give up, do you?" Ngumiti ang matandang babae. "Forgive this old lady na gusto lang namang lumagay ka na sa tahimik at nang magkaapo na ako ng legal at hindi bastardo. So, indulge me, Lance. Who is this woman?" Isang naiiritang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata bago napilitang pagbigyan ang ina. "This woman is twenty-two years old, Mommy. Probinsiyana at wala nang mga magulang. Fresh from college at isang buwan pa lamang sa kompanya. Got a nice face... and body. Pero hindi yata aware ang babaing iyon ang katangian niyang iyon. But either that or she was play-acting." Tumiim muli ang mga bagang ng binata sa bahaging iyon. "I was intrigued," patuloy niya. He almost smiled when he recalled how they met. "Napaka-candid that she can make me laugh. Kasabay niyon, she irritated me like no one else. So unaffected. With her, nangangapa ako ng sasabihin at gagawin. But at the same time, komportable akong kasama siya. Hindi ko maramdamang tila may inaasahan siya sa akin. That I need to shower her with expensive gifts. Yet I have this urge to give her the best things money could buy. Kapag nagsasalita ako ay naroon siya at interesadong nakikinig na para bang ang sinasabi ko sa kanya ay ang classified information ng bansa," mahabang sabi niya. Pagkatapos ay nagkibit ng mga balikat. "Iyon ay kung hindi ko siya ginagalit, then her eyes turned like fire." "That's interesting," komento ni Juvie. Ang mga mata ay titig na titig sa anak. "Para kang computer sa ginawa mong pag-aanalyze sa kanya, Lance. At sa napakaikling panahon. Anyway, you have just presented to me my idea of a daughter-in-law," biro ng matanda na nagpailing kay Lance. "At siya ba ang dahilan kaya ka nagagalit ngayon?" Hindi sumagot ang binata at inubos ang laman ng baso. "Well, she was crying nang sabihin kong hindi ka niya makakausap..." Nag-angat ng mukha si Lance at tumitig sa ina. Pagkatapos ay hinayon ng mga mata ang telepono. Ibig na niyang takbuhin iyon at tawagan si Desiree. Pero pinigil niya ang sarili. Sa halip ay nagtagis ang mga bagang. "All women use that weapon." "In love ka na ba sa kanya, Anak?" "What gave you that idea?" Matalim ang tinging ipinukol niya sa ina. Nagkibit ng mga balikat si Juvie. "You do. Tingnan mo nga at itinanong ko lang kung in love ka sa kanya ay defensive agad iyang mukha mo. But then you wouldn't recognize love, my dear son, even if it hits you in the nose. You're too cynic pagdating sa bagay na iyan. Iniisip mong ang personalidad mo at ang nakakabit na salapi mo lamang ang puntirya ng mga babae sa iyo." "You couldn't blame me. Hindi lang si Nicole ang unang babaing nakilala kong wala yatang mahal kundi ang sarili," matabang nitong sabi. "Give yourself and this woman a chance, Anak..." "I am at a loss pagdating kay Desiree, Mommy. I never held myself back pagdating sa babae maliban sa kanya, if you know what I mean. I want to please her. It is such a joy to see her smile and laugh at the simple things I say and do..." "So what happened tonight?" He squared his shoulders and sighed. "Actually, it was the mention of another guy that made me angry. Sa pandinig ko sa sinabi niya kanina ay parang ikinukumpara niya ako sa unang boyfriend niya." Muling dumilim ang mukha ng binata. "Well, that's foul. But really, Lance, wala akong natatandaang pinagselosan mo ang mga naging girlfriends mo sa ibang lalaki. O, ang makadama man lang ng insecurities. You are such an arrogant, self-assured, chauvinist— "Thanks a lot, Mother!" Isang malakas na halakhak ang ginawa ni Juvie sa iritasyon ng anak. Mabilis na lumakad si Lance patungo sa hagdan upang pumanhik sa silid niya. Amused na napailing ang matandang babae. Men are men. Fourteen or forty ay para pa ring mga bata paminsan-minsan. At sana'y karapat-dapat ang Desiree na ito kay Lance. She had been waiting for her son to fall in love—for the right woman. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ng kanyang anak ay umiibig ito. At mahigpit nitong nararamdaman na ang kanyang anak ay umiibig sa babaing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD