Chapter 19

1117 Words
TINITIGAN ni Desiree ang natutulog na si Lance sa malaking sofa. Marahil ay talagang pagod ito sa trabaho. He looked younger in his sleep and less formidable. Bukas lahat ang butones ng polo shirt nito. Inalis niya ang mga mata sa pagkakatitig sa matipunong dibdib nito na kinakitaan niya ng pinong balahibo. She had been wanting to touch him... feel the touch of his skin in her hands. At kung sana lang ay hindi magigising si Lance sa sandaling gawin niya iyon. Huminga siya nang malalim at lumuhod upang gisingin ito. Malapit na ang alas-onse ng gabi at isang oras mahigit na itong nakakatulog. "Lance..." banayad niyang tawag. "Hmm," bahagyang nagmulat ito ng mga mata at inabot ang batok niya and kissed her hard for ages at muli ay gustong bumigay ni Desiree. "I know naman na you've been watching me hungrily for minutes, darling," wika ni Lance sa namamalat na tinig. Her face inches away from his. "I was hoping you'd ravish me. I am amazed by your self-control, Desiree. Ang ibang naging ex-girlfriends ko ay hindi sasayangin ang nagdaang mga sandali na hindi pakinabangan ang ako." Pagkuwa'y bumangon ito at naupo sa sofa, inaayos ang sarili. Umirap ang dalaga, reach for his shirt buttons at tinulungan itong isara ang mga iyon. "Hindi ka mayabang, ano?" "I was stating facts, Desiree. I've been with women before at walang nasasayang na oras. While we, kept on talking." Ang ibang mga lalaki ay hindi sasayangin ang nagdaang sandali para lang matulog. Gusto niyang isagot pero hindi siya paliligtasin ni Lance kapag isinatinig niya iyon. She couldn't push her luck. But unawarely, ang isinagot niya sa binata ay iyon din halos ang ibig sabihin. Sa ibang salita nga lang. "Gusto ko ring i-compliment ang self-control mo, Lance," aniya. "Ang ibang lalaki ay hindi kaya ang ginawa mo. Lalo na si Harley, ang lokong 'yon. He would have—" hindi niya itinuloy ang sinasabi nang makita niya ang biglang pagdilim ng mukha ng binata. "He would have what?" he snarled, kasabay ng pagtabig nito sa kamay niya mula sa pagbubutones ng polo shirt nito. "D-desiree?" "He would have ravished you in no time at all? Is that what you were about to say?" Napaatras ang dalaga. "H-hindi iyon— "Na mas magaling na lalaki si Harley kaysa sa akin, ganoon ba?" Naniningkit ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. "Ikinukumpara mo ba ako sa ex-boyfriend mo habang tahimik mo akong pinagmamasdan kanina? " "D-Lance naman, mali ka ng pagkakaintindi, please let me—" "Damn you!" Pahablot nitong dinampot ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng bureau at hindi na nagawang ayusin ang sarili at mabilis na lumabas. Mabilis ding sumunod si Desiree upang habulin ito at paliwanagan. "Lance naman!" tawag niya subalit tuluy-tuloy sa loob ng sasakyan ang binata at hindi siya pinansin. Ilang sandali pa ay lumalabas na sa garahe ang sasakyan nito at agad namang pinagbuksan ng gate ng guwardiya sa compound. Nanlumong napaiyak ang dalaga. Binalik-balikan sa isip ang sinabi na ikinagalit nito. She meant it as a compliment. Hindi insulto. That she was comfortable with him, na hindi niya kailangang iiwas ang sarili tuwi-tuwina tulad ng ginagawa niya kapag si Harley ang kasama. Dahil ang pangunahin sa isip ng ex-boyfriend niya ay ang madala siya sa kama. O baka iyon din marahil ang intensiyon ni Lance. Only, he had finesse. Ang kaibahan ng dalawang lalaki, gusto niya si Lance. Pinauunlakan niya ito. Hindi lang basta gusto. Mahal niya na si Lance! NASA daan na si Lance pauwi ay nagpupuyos pa rin ito sa inis. Halos paliparin nito ang sasakyan. Damn woman for making him lose his control! He had never been this mad. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nagalit nang banggitin nito ang ex-boyfriend. Images of her with another man made his blood boil. At, eh, ano naman kung nagkaroon ito ng relasyon kay Harley o kahit na sino pang lalaki. Nakaraan na ni Desiree iyon. Bakit ipinaghihimutok niya ang mga naging lalaki sa buhay nito? SAKTONG nakapasok sa garahe si Lance ay tumunog ang telepono. Si Juvie ang sumagot na gising pa at hinihintay ang anak tulad ng laging nakagawian. "Hello." "H-hello..." si Desiree sa kinakabahang tinig. "G-good evening. Nandiyan na ho ba si Lance?" Nilingon ng matanda ang malaking pinto. Inaasahang susungaw doon si Lance anumang sandali. Narinig na nito ang pagbagsak ng pinto ng sasakyan pasara. "Sino ang sasabihin kong tumatawag?" Hindi malaman ng matandang babae kung maiinis o matatawa. Ilang babae na ba ang tumatawag sa bahay kay Lance? Pero bago sa pandinig nito ang nasa linya. She sounded unsure and hesitant. Another poor fool. "P-pakisabi pong si— si Desiree ito." Bago nga, ang nasa isip ng matandang babae. Dahil noon lang niya narinig ang pangalan nito. Muling nilingon ang pinto na hustong bumukas at pumasok si Lance. Tinakpan nito ang mouthpiece. "Anak, telephone." "Sino raw?" padarag nitong sagot. Mainit pa rin ang ulo. "Desiree daw, Anak." Sandaling nahinto sa paghakbang ang binata pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha. Sa halip ay lalong dumilim. "I don't want to talk to her, Mommy. Tell her anything. Huwag mo lang ipakausap sa akin!" Tuluy-tuloy sa mini-bar ang lalaki. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Juvie. Marami sa mga babaing tumatawag ang iniiwasan ng anak. Iniiwasan at naiirita pero hindi nagagalit. At galit si Lance ngayon. "I am sorry, Anak," hinging-paumanhin nito sa kabilang linya sa banayad na tinig. "Pero maaari ka bang tumawag sa ibang pagkakataon. He couldn't come to the phone at the moment." Narinig nito ang pagkawala ng isang hikbi sa kabilang linya bago magalang na nagpaalam. Napailing na ibinaba ng matandang babae ang receiver sa cradle nito at lumakad patungo sa anak na kasalukuyang nagsasalin ng alak. "That one didn't sound sophisticated, anak. Sino siya, Lance?" "Newly-hired from personnel, Mommy." Inangat ang baso ng alak at inubos ang laman ng goblet. Kinuha ang bote at muling nagsalin. "She is on training as Keith's reliever when she goes on maternity leave." "And why are you so angry with her? Galing ka ba sa kanila? Akala ko ba ay sa bachelor's pad mo sa San Juan ka naroon sabi ng sekretarya mo?" Hindi agad nakasagot si Lance. Pag-aari ng mga Ordoñez ang buong townhouse na pinagdalhan ni Lance kay Desiree. At sarili nito ang unit pero hindi nito ipinaalam sa dalaga iyon. At lalong hindi alam ng ina. At wala siyang balak ipaalam dito na itinira niya si Desiree doon. "Galing ako sa townhouse." "And?" "And nothing," he almost snapped. "Mommy I don't want to talk about this employee." Banayad nitong ibinagsak ang goblet sa counter, para lang idiin sa ina ang ibig mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD