Chapter 8

1384 Words
NANUNURI ang mga matang matiim na tinitigan ni Keith si Desiree. Hindi naman malaman ng dalaga kung paano sasalubungin ang mga mata ng kaibigan. "Pinapapanhik ka sa office ni Lance. May alam ka ba kung bakit?" "B-bakit daw?" "I am asking you." She shook her head, hoping Keith couldn't see through her. "I—I have no idea." Nakatitig pa rin si Keith sa kanya. "I find it unusual, Desiree. Hindi ka ipatatawag ni Lance nang ganoon lang kung hindi ka niya kilala. And you're not acting as if you were surprised that the boss wanted to see you." "Keith..." Huminga nang malalim si Keith at iwinasiwas ang kamay. "Don't tell me another surprise, Desiree, na matagal mo nang kilala si Lance bago ka pa napasok sa opisinang ito." "N-no." Umiling siya at tumayo. "Saka ko na sasabihin sa iyo. In the meantime, saang banda ang office ni Lance? Sa fifth floor ba?" "Engineering muna. Itanong mo sa mga empleyado sa itaas. Lumakad ka na." Tumango ang dalaga at lumabas ng personnel. Ginamit niya ang hagdan sa pagpanhik sa itaas. Gusto niyang isipin kung ano ang sasabihin ni Lance sa kanya. Pagdating sa itaas ay alanganing itinulak niya ang glass partition. Ang dibdib ay tila sasabog sa matinding kaba. Ito ang una niyang pagtuntong sa fifth floor. Inikot niya ang mga mata sa buong engineering department at hindi ilang lalaki ang sumipol pagpasok niya. Hindi muna siya nagtanong, sa halip ay inikot ang mga mata. Natuunan niya ng pansin si Harley na nakita siya at agad tumayo mula sa drafting table at sinalubong siya. "Desiree. Bakit ka pumanhik dito? Kung gusto mo akong makausap, sana ay tinawagan mo na lang ako sa intercom." "Hindi ikaw ang sadya ko rito, Harley." "Kung hindi ako, bakit ka—" Hindi naituloy ni Harley ang sasabihin nang mula sa likod nito ay nagsalita si Lance. "Bumalik ka na sa puwesto mo, Harley," pormal nitong utos na ikinalingon ng binata. Si Lance ay tinanguan si Desiree. "Follow me, Desiree." Ang dalaga ay gustong mamangha sa naramdaman pagkakita sa lalaki. Paanong pinanabikan niya ito? And why was the urge to run to him overwhelming? She took a deep breath and composed herself. Walang kibong sumunod sa lalaki. Isang may-edad nang sekretarya ang nabungaran ni Desiree sa entrada ng opisina ni Lance. Bagaman naroon ang kuryusidad sa mga mata nito ay nginitian siya. "No phone calls and visitors, Mildred," wika ni Lance dito at binuksan ang pinto ng silid. Tumango si Mildred. "Yes, Sir." Pumasok si Desiree sa pintong pigil ni Lance. She was expecting an elegant executive room that befitted the owner and big boss, subalit hindi iyon ang nabungaran ng dalaga. Maluwag at malaki ang silid. Subalit simple. Isang mahabang chrome desk ang gamit ni Lance. High-backed swivel chair in chocolate soft leather. Sa likod nito'y puro salamin, overlooking the whole Ortigas and Greenhills. Nagtataasan ang building rin na natatanaw ng dalaga through the glass. Dalawang visitor's chair ang nasa harap ng desk. Sa gilid ay ang mahabang cream-colored leatherette sofa. Sa isang sulok ay isang malaking bilog na mesa na marahil ay ginagamit nito sa meeting. "Sit down, Desiree," itinuro nito ang sofa. Walang-kibo siyang sumunod agad. Kailangan niyang maupo dahil nanginginig ang mga tuhod niya. Hinila ni Lance ang isang visitor's chair mula sa harap ng mesa nito at dinala sa harap niya at naupo roon. "Kumusta ka naman?" he asked softly, huskily. His eyes caressed her worried face. Desiree swallowed hard. "K-kagabi lang tayo nagkita." "Hmmm, bawal ba magtanong? Nakakamiss ka, eh." "A-ano bang s-sinasabi--" she stopped on time. Bahagyang nalaki ang mga mata. She couldn't just sit there like a love-struck teenager and exchange sweet nothings with the Boss! But wasn't she his girl now? Hindi ba't iyon ang sinabi ni Lance sa kanya kagabi kaya natural lang ang pagpapalitan ng mga matatamis at nakakakikiting salita? "Spare me your charms, Mr. Ordoñez, and please don't tease me," aniya, sinamahan ng pining ngiti. Sinisikap niyang maging casual ang tinig, ganoon din ang sarili. "May charm is working in my favor, my dear Desiree." Gumanti ito ng ngiti. "You are very beautiful, alam mo ba 'yon?" Umikot ang mga mata niya. "Kaya mo ba ako ipinatawag para lang bolahin, ha? Oh, well, salamat naman sa compliment, Sir." She would have curtseyed playfully kung nakatayo siya. Sa halip ay pabiro siyang nagyuko ng ulo. He chuckled. "That and more." Pagkatapos ay pumormal. "Ano ang nangyari sa pag-uusap ninyo ni Harley kagabi?" Nagkibit siya ng mga balikat. "Tinapos ko na ang ugnayan ko sa kanya kagabi. I just hated two-timers." Tumango si Lance. "Good." Then he grinned. "I will be very faithful, promise." Kumikislap ang mga mata nito sa amusement. Gustong mairita ni Desiree. Pero hindi nagkapuwang iyon dahil agad na sinundan ni Lance ang sinabi. "Napag-isipan mo na ba ang iniaalok ko sa iyo?" "H-hindi ko alam ang sasabihin ko?" mahinang sagot niya at nagyuko ng ulo. Hinawakan ni Lance ang baba niya at itinaas iyon upang magkasalubong ang mga mata nila. Napalunok si Desiree. "Just say yes, Desiree, and leave everything to me." "W-w-what if I say no?" "Is that what you want to say?" he asked back. His voice soft and sensual. Sa palagay kaya ng lalaking ito ay makasasagot siya ng 'hindi' gayong ang mga titig pa lang nito ay tila na siya nasa ilalim ng hipnotismo? "N-no..." pabulong niyang sagot. Umaliwalas ang mukha ni Lance at ngumiti. Binitawan ang mukha niya. "I thought so." Tumangu-tango ito. "I'm nine years older, Desiree. Does it matter to you?" Napakabilis ng ginawa niyang pag-iling. Marahang natawa si Lance. "Good. Alam kong napakabata mo pa, but I'll try to adjust. As of this moment, you're my girl now. Gusto kong sabihin sa iyong napaka-possessive kong tao. I may share my worldly assets, but not my girl. If you hated two-timers, ganoon din ako. Sa isang relasyon, I insist faithfulness and demand honesty." "B-bakit mo ginagawa ito, Lance?" she asked warily, kasabay ng pagpapakawala ng buntong-hininga. "You advised me to get even with Harley. Ito rin ba ang dahilan mo para kay Nicole kaya inialok mo ang proposisyong ito? You wanted to get even with her?" Nagkalambong ang mga mata niya. Muling inabot ni Lance ang mukha niya, gazed into her troubled eyes. "Nicole has nothing to do with us. Keep that in mind." Then he sighed before he added: "We have nothing to start with, Desiree. "Pero we've only met last night. So I cannot even tell you that I love you because it would be a lie. Gusto mo bang sabihin ko sa iyong mahal kita?" Umiling siya. "N-no. Hindi ako maniniwala kapag sinabi mo iyon." "Right. Dahil kahit ikaw ang magsabi niyon sa akin ngayon ay hindi rin ako maniniwala. But we both know that there's something between us. For the romantics, they probably will call it magic. But I call it fatal attraction. And I like you very much, tandaan mo iyan. Probably more than just liking you..." "I—I like you, too..." she whispered honestly. Perhaps more than just liking you, too. And yes, there's magic between us. "I know that," he said confidently, as he smiled. "Nararamdaman ko iyon. We can start on that. At ang pinakamahalaga sa lahat, Desiree, ay ang tiwala. Ayokong nakikinig ka sa mga naririnig mo sa paligid. O kahit na sino pa mang tao. Kung may bumangong problema sa pagitan nating dalawa, come and ask me at sasabihin ko sa iyo nang deretso. And expect me to do the same to you..." "Even if it hurts?" "Even if it hurts. A pain came out of honesty is easier to deal with kaysa nasaktan ka na ay nalaman mong dinaya ka pa," he said meaningfully. "At alam kong iyon din ang inaasahan mo. Now, do we make ourselves clear of any doubts?" Pagkatapos nito na tila naglahad ng isang business proposition. Maliban sa mga sinasabi nito ay may emosyong nasasangkot. At hindi ikinakaila ni Lance na kahit paano ay gusto siya nito. Yes. Maybe they could start from mutual attraction. At... mula rin sa mumunting kislap ng mahika na sa palagay niya ay isinabog sa kanila ng kanyang fairy godmother. Why, she felt like Cinderella. Lance smiled in satisfaction. "Now, let us seal it with a kiss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD