BUMALANDRA sa sahig ang dalaga. Sindak na napatingala sa lalaki habang dinadama ng kamay ang pisnging nasaktan. Agad na tumayo nang humakbang si Harley palapit. "Kunwari ka pa na dinaig si Maria Clara sa pagiging mahinhin at ayaw ng premarital s*x, iyon pala ay maghahanap ka lang ng mapera!" singhal nito. "H-Harley, nagkakamali ka ng akala." "Nakisama ka kay Lance dahil mayaman siya, 'di ba!" "M-mahal... mahal ko si Lance, Harley. Hindi dahil may pera siya." Sa nanlalaking mga mata ay nakuhang mangatwiran ni Desiree. Hindi niya mapaniwalaang ito ang uri ng lalaking minsan ay minahal niya. At lalong hindi niya mapaniwalaang kaya siya nitong saktan. Lalong nagdilim ang mukha ng lalaki. "Mahal? My ass! At isiping halos para akong sira-ulong laging nakikiusap sa iyong sumama ka sa akin sa

