NAGSALUBONG ang mga kilay ng personnel manager matapos sabihin ni Nicole ang sadya rito. "I couldn't do that, Nicole. Maayos ang performance ni Miss Desiree. Besides, magli-leave na si Yvonne in less than two weeks from now." Humugot muna ng sigarilyo ang dalaga at nagsindi bago nagsalita. "Ang Daddy ang may gustong iparating ko sa iyo iyan, Ordoñez. At isa pa ay nariyan naman si Fauna. Mas matagal na rito iyan kaysa kay Desiree. At may mga iba pang clerk na matagal na sa kompanya, habang nagpapa-advertise kang muli ng reliever." She blew her smoke, uncaring kung gustong maubo ng matandang lalaki. "I do not understand this, Nicole. Ano ba ang naging problema ni Desiree? Puro papuri ang naririnig kong sinasabi ni Yvonne sa kanya." Magkadikit na ang mga kilay ni Ordoñez sa pagkakatitig

