INIRAPAN ni Desiree si Lance nang makasalubong niya ito sa hallway. Alas dos na siya ng umaga nakadating sa kanila. Gising pa pala ang mama niya kakahintay sa kanya. Hindi raw kasi siya nito macontact. Wala ng battery ang cellphone niya kaya hindi niya natanggap mga tawag nito. Labis ang pag-alala nito sa kanya. Ngumisi lang sa kanya si Lance at sinalubong siya. May kasama kasi siyang bartender na kausap niya nang makasalubong ang lalaki. Bumati sila kay Lance. Walang nakakaalam doon sa tunay na namamagitan sa kanila. Siya na rin mismo ang nakiusap kay Lance. Wow, ang ganda niya no? But seriously speaking, ayaw niya lang muna ilabas nila 'yon. Gusto muna niyang I-enjoy. Kapag konti ang nakakaalam, konti ang makikialam. Sigurado siya kapag nalaman na rin ng iba, magiging usap-usapan si

