IMPOSIBLE!
Naghuhumiyaw iyon sa isip ni Desiree. Kinakabahang nag-angat siya ng mukha upang tumitig sa lalaki. His eyes danced in silent amusement confirming her thoughts.
"H-hindi ikaw si..." Umiling siya. "N-no..." She stammered.
"You can call me Lance, my friends do. Mr. Ordoñez lang ako rito sa opisina," walang anumang wika ng lalaki.
"Oh!" Clutching her bag, she closed her eyes at nanlulumong napasandal sa dingding.
How could she be so stupid na ipagkamaling ordinaryong empleyado ang lalaking ito? No one in her right mind would think so. Nothing in this man was ordinary. But then she was not in her right mind, was she?
Bukod doon ay hindi pa naman talaga niya nakikita si Mr. Ordoñez. Kung si Harley nga minsan lang naman sila magkita, maliban kung pareho nilang bababain o aakyatin ang isa't isa'y tsansa nang magkita sila sa elevator o sa canteen o hindi kaya ay sa company parking area, ang Lance pa kayang ito?
"Ano ang ibig sabihin ng 'oh' na iyan?" amused nitong tanong. Ang isang kamay ay nakapasok sa bulsa ng slacks at humilig sa wooden divider. "Walang namang pinagkaiba kung ako man si Lance, ang boss o kaibigan mo."
"Hindi kita kaibigan!" she hissed. "You tricked me para mag-confide sa iyo. And you are not my boss. Ex-boss, yes!" pagalit niyang sabi. Mabilis na lumakad patungo sa elevator. Puro na Iang laging may prefix na EX ang dalawang ulit niyang sinabi. Ex-boyfriend. Ex-boss.
Nadiinan na niya ang buton ng elevator nang mahawakan siya ni Lance sa braso.
"Huwag kang umasta na parang bata. Sumama ka sa akin. I'm taking you out to dinner. I'm starving myself," walang anumang sinabi nito sa tonong hindi mababali.
Nanlaki ang mga mata ni Desiree. "Nagbibiro kayo, Mr. Ordoñez! Hindi ako sasama na mag-dinner sa inyo!"
Hindi sumagot si Lance. No woman had intrigued him more like this woman. Then, an indulgent smile appeared on his lips as if she were a kid na nagta-tantrums.
Nang bumukas ang elevator ay nakahawak na nang mahigpit sa braso ni Desiree ang lalaki subalit lalo lang iyong humihigpit at inakay siya nito papasok sa lift.
"Kung iniisip mong sasama ako sa iyo, think again!" She stomped her foot.
Lance gave her a tolerant smile. Lalo lang iyong ikinainis ni Desiree. She would have said something nang bumukas ang lift at sumalubong ang security guard sa ibaba. Inabot ang attaché case ni Lance kasabay ng curious na tinging ipinukol sa kanya. Inihatid sila nito hanggang sa nakaparadang four-by-four Mercedes-Benz.
Unang binuksan ni Lance ang passenger door at pinasakay doon ang hindi makareklamong dalaga. Pagkatapos ay umikot sa driver seat at inabot ang attaché case mula sa guwardiya. Ilang sandali pa'y lumalabas na sila sa building premises.
"Ibaba na ninyo ako sa kanto, Mr. Ordoñez," kalmanteng wika niya at itinaas nang bahagya ang mukha sa pagsisikap na mapanatili ang pride at dignidad. Nakahawak ang isang kamay sa lock ng pintuan.
"Automatic ang mga door locks. Don't act as if you were being abducted. I am only taking you out to dinner," ani Lance na hindi lumilingon sa kanya. "Halos alas-nueve na. Nagugutom na ako at natitiyak kong ikaw rin."
Magkasamang galit, pagkamangha, at weariness na napatitig si Desiree sa lalaki. Hindi siya niyaya o inimbitahan man lang. Basta na lang sinabing maghahapunan sila at sa ayaw at sa gusto niya. Tapos doon ang usapan.
"Hindi ako umaaktong parang bata! And don't you stupid me!"
"Hindi mo sinasabi ang pangalan mo sa akin kaya iyan ang itatawag ko sa iyo. I don't really mind—stupid girl..." he taunted.
"It's Desiree! Desiree Francheska Manalansan," aniya sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin.
"Desiree Francheska, hmn. I might call you Cheska. But that is too feminine. But I won't call you Francheska either. Des is better." Nilingon nito sandali ang dalaga bago ibinalik sa daan ang mga mata. "Des fits you. From now on, you're Des. My Des..."
"I am not your—!"
"Hush, darling." Nakangiting muli siyang nilingon ni Lance. Wondering why he felt he was enjoying her company.
She gaped at him. Ni hindi makuhang tumanggi sa gustong itawag nito sa kanya. Anyway, who cares kung ano man ang ipangalan nito sa kanya. She won't be seeing him after tonight. Hindi lang niya gustong pakinggan ang paggamit nito ng 'my' na tila pag-aari siya.
Makalipas ang ilang sandali ay ipinara na ni Lance sa harap ng isang steak house ang sasakyan. Bago pa ito nakaikot sa passenger side ay nakalabas na ang dalaga.
He chuckled. "Next time, allow me to show my manners," sabi nito. Hinawakan siya sa siko at inakay papasok sa loob. At nang tangkain niyang pakawalan ang sarili ay humigpit ang paghawak ni Lance sa braso niya.
"You are impossible!" she snarled at him.
"You'll get used to me, Des," he said grinning.
Kung ano man ang isasagot niya ay napigil nang salubungin sila ng maitre 'd at iginiya patungo sa isang bakanteng mesa. Hindi pa siya napunta sa ganoong uri ng lugar at sa kabila ng inis sa kasama'y she was impressed. Log cabin style ang restaurant at hindi masyadong maliwanag although hindi rin naman madilim.
Lumapit ang waiter na tinawag ng maitre'd. Binigyan sila ng tig-isang menu.