Chapter 6

1014 Words
"Ano ang gusto mo?" tanong ni Lance sa kanya. "Or you preferred that I order for you?" "Kung... ano ang gusto mo," sagot niya kasabay ng paghinga nang malalim. Gusto niyang umalma kung hindi lang siya magmumukhang gaga sa harap ng waiter. Lance smiled. Alam nitong nanggigigil siya sa inis pero hindi makapalag. He couldn't remember forcing any woman to join him for dinner. And he was amused by the novelty of it. Tumingala ito sa waiter. "T-bone. Medium rare sa akin, well-done for the lady. French orange juice and scotch, double." Pagkaalis ng waiter ay inikot ng dalaga ang paningin sa loob ng restaurant upang huwag lang matuon sa lalaki ang paningin niya. Sa kabila ng inis ay may iba pang damdaming sumasalit at hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. "Relax, Desiree," banayad na sabi ni Lance. "Kakain lang tayo at pagkatapos ay ihahatid na kita pauwi sa inyo." Isang buntong-hininga pa uli ang pinakawalan ng dalaga at sinikap na ang sarili sa kabila ng alam niyang nasa kanya nakatuon ang mukha ng lalaki. Anyway, nandito na rin lang siya ay mabuti pa nga marahil na masiyahan na siya sa kapaligiran at sa kasama niya. It wasn't everyday that a man like Lance would invite her to dinner. Naibaba na ng waiter ang pagkain nila nang muling magsalita si Lance. "Gusto kong malaman kung sino ang boyfriend mong ito, Desiree. Ganoon din ang babaeng involved..." Nagsalubong ang mga kilay ni Desiree. "Para saan pa?" Nagkibit ng mga balikat si Lance. "Call it curiosity. And please, don't make me ask you twice bago ka sumagot. At huwag mo akong sagutin ng tanong din." Wala na yata siyang gagawin kundi ang magbuntong-hininga. "Harley... Harley Francisco. At sabi ni Keith ay Nicole ang pangalan ng babae." Nakayuko siya sa pagkain habang sumasagot. Tinutusok ng tinidor ang mashed potato sa tabi ng steak. Ni hindi kinakitaan ng pagkabigla si Lance bahagya man. Lalong na-amuse. "Well, well... My draftsman and my accountant. You were charmed by the handsome face, eh, 'no." May himig ng panunuya ang tinig nito sa huling sinabi na ikinatingin ng dalaga rito. Para kanino ang panunuyang iyon? Nagagalit ba ito dahil kay Nicole na narinig niyang nagkaroon ng kaugnayan dito? "Don't resign, Desiree. That is admitting defeat. Get even," patuloy ni Lance na nagpamangha sa dalaga. "Hindi ko ho kayang gawin iyon, Mr. Ordoñez..." "Lance na lang, huwag lang Mr. Ordoñez. Thirty lang ako kaya huwag mo akong gamitan ng 'ho.' Isa pa'y late na para diyan." "And I am only twenty-two." Binigyang-diin niya ang edad para i-emphasize ang agwat ng mga taon nilang dalawa. Hindi lang pati sa taon kundi sa katayuan sa buhay. "Twenty-two and still such a child," nakangiting sagot ni Lance. Tumalim ang mga mata ni Desiree pero hindi sumagot. "Bakit hindi mo kayang gawin ang suhestiyon ko?" si Lance. "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Lalo nang hindi ko alam kung paano gawin ang iminumungkahi ninyo." Hindi na naman niya napigil ang sariling magsabi ng totoo. Ano ba ang mayroon ang lalaking ito at tuluy-tuloy siyang nagsasalita tungkol sa kanyang sarili kung hindi siya iniinis? "Ano ang ibig mong sabihin?" "Sa kanila ako nakatira sa kasalukuyan. At iyon ang unang gusto kong gawin, ang umalis sa bahay nila. Siguro ay uuwi na lang muna ako sa amin sa Isabela..." Naningkit ang mga mata ni Lance sa sinabi niya. "Nakipag-live in ka kay Harley?" "Tinanong mo na sa akin kanina iyan. Iniba mo lang ang salita," matabang niyang sagot. Kanina tinanong siya nito kung nag-s*x ma sila. "At kung sakali ngang magka-live in kami, Mr. Ordoñez, ano ang masama roon? Hindi ba at uso naman ngayon iyan?" Nagpakawala ng paghinga si Lance at tumango. "Tama ka. It is just that you don't look like a permissive woman to me. Oh, well, looks can be very deceiving," sarkastiko at may panghihinayang nitong sinabi. Sa kabila ng lahat ay napangiti ang dalaga. "If that was a compliment, thank you." "Do that more often," ani Lance. "Ang alin?" "Ang mag-smile. Pakiramdam ko ba ay biglang nagliwanag ngayon dito." Seryoso ang pagkakasabi ni Lance pero bumulalas ng tawa si Desiree. Naiiritang tumingin sa paligid si Lance bago muling ibinalik sa kanya ang mga mata. "I like the sound of your voice and your laughter. Kaya lang ay hindi ko kailanman inaasahan na kapag nagbigay ako ng compliment sa isang babae ay pagtatawanan ako." Pinigil ng dalaga ang pagtawa. "Nagugulat kasi ako sa mga sudden changes mo ng topic. A minute ago, tungkol sa inquiry mo kung ka-live in ko si Harley. Tapos bigla ay tungkol sa pagngiti ko. I sincerely thank you, Lance," she said softly. Her eyes showed appreciation and pleasure. "Minsan man sa loob ng mga buwang naging magkasintahan kami ni Harley ay hindi niya sinabing lumiliwanag ang paligid kapag ngumingiti ako. Or something to that effect." She was still smiling. "That was very poetic." "Gago 'yang iyong ex-boyfriend mo," binigyang-diin nito ang 'ex.' "Nakatira ako sa boardinghouse ng mga magulang ni Harley. Apat kami roong puro babae sa isang silid," paliwanag niya. Kung inaasahan nitong deretso niyang itatanggi na hindi sila nag-s*x ni Harley ay nagkakamali ito. Walang pakialam si Lance sa personal niyang buhay. At wala itong karapatang tanungin siya nang ganoon. "At ang isa pang dahilan kaya dinatnan mo ako sa opisina kanina ay dahil nagpapalipas ako ng oras." Humugot siya ng malalim na paghinga. "Ayoko munang umuwi dahil alam kong naghihintay ngayon si Harley sa akin para sa komprontasyon. He tried to talk to me this afternoon." Tumangu-tango si Lance. "Uulitin ko ang sinabi ko kanina, Desiree. Get even. Patunayan mo kay Harley na hindi lang siya ang lalaki sa mundo, that you can find someone else, twice as much better." Nagsalubong ang mga kilay niya. "Paano ko naman magagawa iyon? Isa pa, I just ended my relationship with him at wala akong planong basta na lang pilitin na maging boyfriend ang isa sa mga nanliligaw sa akin sa ngayon." Ilang sandaling tinitigan ni Lance ang dalaga bago sabihing, "Be my fake girlfriend, Desiree."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD