Hindi na tumutol pa si Desiree nang dalhin siya ng binata sa sinasabi nitong talon. Pinagpawisan siya bago nila matunton ang lugar. Meron silang mga kasabay na members sa papunta roon kaya hindi humiwalay sa kanya si Lance. Namangha si Desiree pagkarating sa talon. Kulang ang mga salitang nasa dictionary niya para ilarawan ang tanawin. She loved the vibrant blue color of the water. Nakadagdag pa ng ganda ang matatayog na puno sa paligid. It was truly breathtaking! Ngali-ngaling sabihan niya si Lance na kunan siya ng picture kung hindi lang niya naalalang bawal ang gadgets roon. "Wanna swim?" bulong sa kanya ni Lance, nakahubad na ito at swimming trunks na lang ang naiwan. Tutal naroon na lang din naman siya, hindi na niya aaksayahin ang oportunidad na sulitin ang oras niya sa Temptation

