"Oh, I thought you're gonna watch Peaky Blinders tonight?" Bumaba si Desiree mula sa bedroom. Katatapos lang ng kanyang nighttime skincare routine. Sa living room, naabutan niya si Lance na komportableng nakahiga at nanonood. Pero hindi mukha ni Cillian Murphy ang nasa screen. Guess what? It's Denise Richards! "Anong palabas 'yan?" natanong niya, umupo sa kabilang side ng couch. "Wild Things." Napakunot-noo ang dalaga. "I see. Akala ko iba ang papanoorin mo. Why don't you try watching Narcos or Designated Survivor?" "Watched it already." "Oh, okay." Hindi man lang lumilingon sa kanya si Lance. Tutok na tutok ang mata nito sa screen, hindi humiwalay ang titig sa nang-aakit na magandang mukha ni Denise Richards. Pinapanood lang ba ng binata ang film na 'yon because of the sexy actress?

