Naging abala ang mga unang araw ni Desiree Manalansan sa Hayes Company. Nakahulihan agad niya ng loob si Keith, ang executive secretary ng personnel manager. Siya ang nagbigay ng briefing kay Desiree tungkol sa mga gagawin niya bilang assistant nito.
"Kailan ba due ang nasa tiyan mo?" tanong niya rito.
"Three months pa. Kaya nga nagpa-advertise agad si Sir Mauro para ma-train ka habang nasa maternity leave ako," sagot ni Keith habang itinuturo ang filing system ng employees’ records. "At sino ang nakakaalam? Baka ma-impress mo si Sir Mauro sa trabaho at i-permanent ka dito. Kaya pagbutihin mo, Desiree."
Sinulyapan ni Desiree ang dalawang personnel clerks na sina Fauna at Ashley. "Bakit hindi na lang sila ang mag-relieve sa iyo?"
"May kanya-kanya silang trabaho. Madalas pang ma-assign sa field ang dalawa. Pero kung walang ma-hire na qualified, si Fauna muna ang gagawing secretary ni Sir Mauro."
"Sana hindi ka magsawang turuan ako. Alam mo naman, first-timer ako sa office work. Like, kahit typing speed ko, alam kong bagsak talaga ako dun."
"Tama ka diyan," tumawa si Keith. "Pero minor lang naman 'yan. Kapag na-practice ka sa pagta-type, mapapabilis mo rin ang speed mo. Kaya siguro hindi na pinansin ni Sir Mauro ang part na 'yon. Besides, hindi mo naman kailangan ng mabilis na speed dito sa office."
"Thanks, sana nga," sagot ni Desiree na may halong pag-asa.
Six months ang probationary period niya, pero puwedeng bumaba ito sa three months kung magiging mahusay siya sa trabaho. Pinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para maging regular bago pa man umabot ng six months. Gusto na niya agad ang atmosphere sa Hayes Company.
Sa unang linggo niya, dalawang beses lang bumaba sa department nila si Harley. Una, kunwari at may tinanong kay Keith. Syempre, ipinakilala siya nito kay Harley. Sa ikalawang pagkakataon, parang ordinaryong officemate lang ang datingan ni Harley.
Hindi alam ni Desiree kung matutuwa ba siya o maiinis sa ikinikilos ng boyfriend niya. Kung sa bagay, hindi naman talaga sila magkikita kung hindi nila sinasadya—maliban na lang kung pupuntahan nila ang isa’t isa o may errand si Desiree na kailangan siyang umakyat sa fifth floor.
Nasa fifth floor kasi ang administrative, accounting, at engineering departments, kung saan assigned si Harley. Sa fourth floor naman ang personnel, sales, at purchasing departments.
Sa sumunod na linggo, dalawang beses na namang bumaba si Harley sa department nila. Casual lang at hindi nagtatagal ng higit sa dalawang minuto. Pero dahil dito, tinutukso na si Desiree ng mga kasamahan niya.
"Mukhang in-love si lover boy sa'yo, Desiree," biro ni Wencel, filing clerk ng purchasing.
"Sinong lover boy?" tanong niya na kunwari clueless.
"Sino pa? Si Mr. Draftsman," sagot ni Fauna, ang typist-messenger sa personnel. "Naku, Desiree, huwag mong patulan ang pagpapa-impress niyan, ha," paalala nito. Gusto na sanang matawa ni Desiree pero pinigilan niya ang sarili.
Ano kaya ang sasabihin ng mga ito kung malaman nilang magkasintahan na sila ni Harley?
"Bakit naman?" Nakisakay siya. "Nakikipagkaibigan lang naman si Harley. Eh, guwapo naman siya, ‘di ba?" Sabay hagikhik pa.
"Oo naman, guwapo talaga si Harley. Sino ba naman ang hindi ma-attract sa kanya?" sabi ni Wencel. "Pero..." Tumigil ito at nagkibit-balikat.
Nag-angat ng ulo si Desiree. "Pero ano?"
"Bumalik ka na sa puwesto mo, Wencel," sabat ni Keith. "Ang aga-aga, chismis na agad!" Saway nito. Sinulyapan nito si Fauna na kunwari abala na sa pagta-type.
Nagkibit-balikat si Fauna bago bumalik sa trabaho nito. Ilang hakbang lang ang layo ng puwesto nito mula sa personnel, at ang pagitan ng dalawang departments ay may divider na may mga plastic na halaman sa ibabaw.
"Curious lang ako," sabi ni Desiree habang lumingon kay Keith. "Ano ba ang ibig sabihin ni Fauna?"
"Kung binibigyang-pansin mo ang paglapit-lapit ni Harley sa'yo, sundin mo ang sabi ni Fauna," sagot ni Keith. "Noong araw, may niligawan siyang bagong pasok na secretary sa sales. Nagpapakita si Harley na interesado siya kay Angel. Si Angel naman, nahulog agad ang loob."
Kumunot ang noo ni Desiree sa curiosity. Baka nangyari ito bago pa niya makilala si Harley.
"So?"
"One time, dumaan si Nicole kay Angel sa puwesto nito at nagbigay ng babala. Pero hindi siya nakinig. Kaya hayun, ni hindi umabot ng three months ang probationary period ng pobre."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Mahirap kalaban si Nicole, Desiree. Kaya kung gusto mong ma-permanent dito, iwasan mo si Harley," seryosong payo ni Keith.
Kinabahan si Desiree pero hindi niya ito ipinahalata. Kaswal niyang nilagay ang papel sa printer at nag-print.
"Sinong Nicole?"
Nagkibit ng mga balikat si Keith. "Ang accountant natin at anak din ng finance vice-president. At napabalita rin na naging girlfriend ni David si Nicole. Pero tsismis lang naman iyon tungkol kay Boss. Iyong kay Harley, mukhang totoo kasi laging magkasama ang dalawa." Nagbukas siya ng filing cabinet. "Huwag na nating pag-usapan iyon. Basta iwasan mo na lang si Harley."
Marami pa sanang gustong itanong si Desiree kay Keith pero hindi niya magawa. Baka halataing curious siya masyado kaya hindi na lang siya nag-follow up sa usapan.
Simula noon, pilit niyang iniwasang tanungin si Harley tungkol dito. Kapag umuuwi ito nang gabi, gusto niya sanang magtanong, pero hindi niya magawang magsimula ng usapan. Baka kasi sabihin nitong tsismosa siya sa bagong trabaho.
Mahigit isang buwan na ring hindi siya niyayaya ni Harley kumain sa labas. Kung tutuusin, pabor na rin iyon sa kanya. Tuwing magdi-date sila, nauuwi lang sa pagtatalo dahil iisa lang ang gusto ni Harley—magpunta sila sa private place. Lagi naman niyang tinatanggihan iyon.
Tuluyan na niyang nakalimutan ang usapan nila ni Keith tungkol kay Harley at kay Nicole. Marahil nga ay tsismis lang iyon. Alam naman niyang lapitin ng babae ang boyfriend niya, kaya baka binigyang-kulay lang iyon ng iba.
Tatlong linggo na si Desiree sa Hayes Company nang yayain siya ni Keith na kumain sa labas.
"Anong okasyon?" tanong niya rito habang nakangiti. Sa maikling panahon, naging magkaibigan sila ni Keith. Lagi silang magkasama sa pagkain at break time. Mas malapit pa nga siya rito kaysa sa mga dati niyang boardmates.
"Wala naman," sagot ni Keith. "Hindi kasi ako nakapagbaon today. Nagpaalam iyong maid namin kahapon, dadalaw daw sa kamag-anak. Tapos ayoko rin sa canteen. Pare-pareho na lang ng pagkain doon." Binuksan nito ang passenger seat ng kotse niyang Honda Civic. Sumakay naman agad si Desiree.
"Anong kakainin natin? Pizza o burger?" tanong ni Desiree habang sinisigurado ang seatbelt niya.
"Naku, lalo namang ayoko niyan!" tanggi ni Keith. "May malapit na restaurant dito, two blocks away. Cozy iyong lugar, masarap ang pagkain, mura pa. Maraming executives ang kumakain doon."
Napangiti si Desiree. "You sound like a walking ad campaign, Keith."
Nakitawa si Keith habang minamaniobra ang sasakyan palabas ng parking area. Hindi nagtagal, ipinarada niya ito sa harap ng isang maliit pero mukhang classy na restaurant.
"Oh, nandito rin pala sila," biglang sabi ni Keith habang binubuksan ang pinto.
"Sino?" tanong ni Desiree, kunot-noo.
"Sino pa? Eh di sina Harley at Nicole." Tinuro nito ang isang kumikintab na white CRV na nakaparada dalawang kotse lang ang pagitan sa kanila.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Desiree. Gusto na niyang sabihin kay Keith na maghanap na lang sila ng ibang restaurant. Pero baka halataing naiilang siya kaya sinunod na lang ang lakad nito. Habang papasok sila, umaasa siyang puno ang restaurant at wala nang bakanteng mesa.
Pero parang kinontra ng tadhana ang wish niya. Kahit maraming tao sa loob, may isang bakanteng mesa pa rin silang nakita. Tila katatayo lang ng mga umalis.
Pagkatapos maibigay sa waiter ang order, inikot ni Keith ang paningin sa loob ng restaurant. Huminto ang mga mata nito sa isang sulok na mesa sa bandang kanan.
“Ayun sila, o,” sabay nguso niya sa direksyon ng dalawa.
Halos hindi makahinga si Desiree habang sinundan ng tingin ang tinuturo ni Keith.
Sa isang sulok ng restaurant, nakita niya si Harley kasama ang isang magandang babae na mukhang mas matanda ng ilang taon sa kanila. Nagsusubuan ng pagkain at halos magkadikit na ang mga katawan sa pagkakaupo sa dalawang upuan.
"Oh!" Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Desiree. Hindi na niya naitago kay Keith ang naging reaksyon niya sa nakita.
Nagtatakang tumingin si Keith sa kanya. “Desiree, what’s wrong?”
Mabilis siyang umiling at iniwas ang tingin sa dalawa. “W-wala… wala naman…”
“Anong wala? Eh, ayan ka na, maputla ka pa sa suka habang tinitingnan mo sila,” sabay lingon ulit ni Keith sa direksyon nina Harley. “Nabihag na ba ni Harley ang puso mo sa ganitong sandaling panahon?” may halong hinala nitong tanong.
Umiling si Desiree, pero nagsisimula nang kumislap ang kanyang mga mata sa luha. Pilit niyang iniwasang bumagsak ang mga iyon.
“I can keep a secret, Desiree,” banayad na sabi ni Keith.
Huminga nang malalim si Desiree, pilit kinakalma ang sarili. Gusto niyang magpakita kay Harley sa sandaling iyon, pero pinipigilan niya ang bugso ng damdamin.
“May… relasyon kami ni Harley, Keith,” aniya, nanginginig ang boses.
“What?!” marahang bulalas ni Keith. Bigla itong tumahimik nang dumating ang waiter na nagdala ng pagkain nila.
Pagkaalis ng waiter, nagsalita ulit si Desiree. “Magka-relasyon na kami ni Harley, Keith. Magkasintahan na kami halos anim na buwan. Pero hindi namin pinapaalam sa iba kasi iyon ang gusto niya.”
Tumigil si Keith at seryosong tumingin sa kanya. “Now you know why. Ang tanga niyang si Harley kung ipinagpalit ka niya kay Nicole. Si Nicole? Self-centered lang iyon. Akala niya siya na ang pinakamagandang babae sa mundo.”
“T-totoo namang maganda siya…” pag-amin ni Desiree habang patuloy ang pag-iyak.
“Maganda nga, pero panlabas lang iyon. You? You’re young, fresh, and twice as beautiful—inside and out. Nicole doesn’t even want Harley. Gamit lang niya iyon para pagselosen si Boss David. Si Harley naman, ginagamit siya for promotion. Nakakatawa, di ba?” paliwanag ni Keith.
“But… it seems like they’re so in love…” halos hindi marinig ang garalgal niyang sagot.
“They’re just using each other. Si Nicole, para sa sarili niyang agenda. Si Harley? Mukhang desperado sa promosyon. Ngayon na alam mo na kung anong klaseng lalaki si Harley, dapat hindi mo na siya iniiyakan. You deserve someone so much better, Desiree.”
Suminghot siya, pilit pinipigilang bumagsak pa ang luha. “Nasasaktan ako, Keith. Iniisip ko, ako lang ang girlfriend niya.”
Hinawakan ni Keith ang kamay niya sa mesa. “That’s normal. Umiyak ka lang hanggang sa mapagod ka. Pero eventually, lilipas din ‘yan. Mahirap man, pero tandaan mo, hindi mo deserve ang taong ganyan.”
Itinuon ni Keith ang pansin sa pagkain. “Kain na tayo, baka lumamig na ang food. Ayoko ng malamig na pagkain, ha!” biro nito, pilit pinaluluwag ang usapan.
Pero hindi makakain si Desiree. Parang gusto niyang umiyak at magwala. Palihim niyang sinulyapan si Harley at si Nicole na patapos nang kumain. Nakita niyang tinaas ni Harley ang kamay para tawagin ang waiter.
Sa pag-ikot ng paningin nito, nagtagpo ang kanilang mga mata. Napako si Harley, at sa isang saglit, tila nagsisisi sa nakita niyang reaksyon sa mukha ni Desiree.